Thursday, December 5, 2019

State of Calamity declared in Boac, entire province of Marinduque next


Kahapon, Dec. 4, 2019, isang araw pagdaan ng Bagyong #TisoyPH, nagpasa na ang Sangguniang Bayan ng Boac ng isang resolusyon na nagdeklarang nasa ilalim na ng State of Calamity ang Bayan ng Boac.


Samantala, mula naman sa FB ni Bokal Adeline Angeles sa usapin ng pagdedeklara sa Marinduque under a State of Calamity ay ito ang kanyang ibinahagi:

UPDATE: Provincial DRRMC (PDRRMC) chaired by Gov. Presby Velasco Jr. already recommends to the Sangg. Panlalawigan the Declaration of Marinduque under the State of Calamity. The SP will hold a SPECIAL SESSION FOR THIS DECLARATION ANY MOMENT FROM NOW.

TANONG: Bakit hindi pa nagdi-declare ng State of Calamity ang Lalawigan ng Marinduque as of today (Dec. 4, 2019)?

SAGOT: Ang Sangguniang Panlalawigan po ang may kapangyarihang mag-declare nito, subalit:

I. MAY PROSESO AT CRITERIA pong sinusunod bago mag-declare ng State of Calamity sa ilalim ng batas. Guidelines:

1.) Kailangan munang may Rekomendasyon ng PDRRMC na dapat ay base naman sa Rapid Damage Assessment & Needs Analysis Report mula sa MDRRMCs ng 6 na bayan justifying the declaration; OR


b) Kung meron nang at least 2 bayan ng lalawigan na nag-declare na, then, automatic pwede na rin mag-declare in the provincial level.

AS OF DEC 4 (12:00 noon): 3 bayan/MDRRMCs pa lamang po ang nakapag-submit ng PARTIAL Damage Assessment Report sa PDRRMC at 1 bayan pa lamang ang nag-declare na ng State of Calamity kaya hindi pa po tapos ang REQUIRED PROCESS.

Gov. Velasco at PDRRMO Officer Rino Labay sa kanilang pag-iikot sa mga bayan matapos ang bagyo.

2. KANINA AY UMIKOT PO KAMI sa ilang bayan kasama ng ating Gobernador PRESBY VELASCO JR. at ONGOING pa po ang ginagawang proseso ng Damage at Needs Assessments ng mga munisipalidad kaya iniintay pa rin po ang mga MDRRMC Reports.
Ganun pa man po, naka-stand by po ang inyong mga officials dito sa lalawigan.
Bukas (Dec. 5) - naka-schedule mag-meeting ang PDRRMC at may SPECIAL SESSION din po ang SANGG. PANLALAWIGAN just in case pwede nang mag-declare ng State of Calamity.

REST ASSURED PO THAT WE WILL ACT ACCORDINGLY BUT WE HAVE TO RESPECT & FOLLOW THE MANDATED PROCESS. -  Bokal Lyn Angeles