Friday, March 6, 2020

Ikalawang Bahagi: Mga pinarangalan ng GAWAD MARINDUQUEŇO sa Sentenaryo ng Marinduque

Kautusang Panlalawigan Bilang 14 serye ng 2020, "Kautusan sa Gawad Marinduqueno" ay ipinasa para pagkalooban ng Pamahalaang Panlalawigan ng Marinduque ang mga Marinduqueno na nagpakita ng kahusayan at kabayanihan, nagtagumpay o naging huwaran sa kani-kanilang larangan, at/o makabuluhang nakapagsilbi sa mga mamamayan ng Lalawigan ng Marinduque.

Ipinagkaloob ito kaalinsabay ng pagdiriwang ng Sentenaryo ng "Araw ng Marinduque". Matapos ang malalimang pagsusuri at ebalwasyon ay ganap na natukoy ang mga paparangalan at isinumite para sa pagpapatunay at pagpapatotoo ng Pamahalaang Panlalawigan.

Naganap ang parangal noong ika-21 ng Pebrero 2020, sa Convention Center, Boac, Marinduque sa isang marangal na pagtitipon na dinaluhan ng lahat ng mga pinarangalan o opisyal na representante ng kanilang pamilya. 

Sila ay ang mga sumusunod:

LIVING  AWARDEES

ANTONIO LUMAUIG UY, JR.
LINGKURANG BAYAN

Tubong Sta. Cruz, Marinduque. Nagtamo  ng BS Medical Technology, sa University of Santo Tomas (UST), College of Pharmacy, 1985-89; MD sa UST, Faculty of Medicine and Surgery (!989-93); Rotating Internship, UST 1993-94; Internal Medicine Pre-Residency, UST 1996; Medical Apprenticeship, Alvarado-Kent Medical Specialties Clinic, Los Angeles, California USA at iba pa.

Nagawaran ng parangal bilang Outstanding Thomasian Alumni ng UST, 2007, Outstanding Councilor of the Philippines, Region IV B Winner at National Finalist, at Outstanding Vice Governor of the Philippines ng League of Vice Governors of the Philippines.

Naging Konsehal ng Bayan ng Sta. Cruz, Marinduque 2007-2010; Vice Governor of the Province of Marinduque 2010-13, Surgical Specialist sa Sta. Cruz District Hospital 2005-07, at Marinduque Provincial Hospital 2002-2005.


NILO LANETE ROSAS
EDUKASYON

Tubong Torrijos, Marinduque. Nagtapos ng BS in Elementary Education sa Philippine Normal University (Magna Cum Laude), 1988; MA in Development Education, Stanford University, USA, 1972; MA in International Educational Development, Columbia University, USA, 1978; ME in Curriculum and Teaching, Columbia Universitry, 1979; at Doctor of Education, Columbia University, USA, 1980.

Naging dating pangulo ng Philippine Normal University (PNU) at sa kasalukuyan ay pangulo ng New Era University. Ilan sa kanyang mga nakaraang naging katungkulan ay bilang unang chairman ng Board of Professional Teachers, Professional Regulations Commission (PRC),1995-1998; Bureau Director, Bureau of Higher Education (now CHED), Department of Education, Culture ansd Sport (DECS)s,  1986-1990; Regional Director, NCR, DECS, 1990-1998; Undersecretary for Programs, Projects, and Regional Operations, DECS, 1998-2000; President, Pamantasan ng Lungsod ng Marikina (PLMar), 2010-2012.     
          
May mahabang listahan ng mga parangal na naigawad sa kanya. Siya pa lamang ang nagawaran bilang opisyal ng DepEd ng CESO Rank 1 na pinakamataas na ranggo sa Career Executive Service Officers. Pinarangalan din siya ng Project Milestone Award ng Columbia University 

REINERIO AQUINO PRIETO
KALUSUGAN

Tubong Malabon, Sta. Cruz, Marinduque. Nagtapos ng BS General sa Univesity of Santo Tomas, 1978; Masters in Management – Hospital Administration sa Philippine Christian University Graduate School, EAMC; Nagtapos ng Medisina sa University of the East, Ramon Magsaysay Memorial Medical Center, 1980.

Malawak ang naging karanasan bilang Doktor ng Medisina sa maraming ospital tulad ng Army General Hospital sa Fort Bonifacio, East Avenue Medical Center, Amang Rodriguez Memorial Medical Center, Gen. Miguel Malvar Medical Foundation.

Naging Chief of Clinics sa Gen. Miguel Malvar Medical Foundation, 1999-2007; Chairman ng Department of Medicines sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center, 2002-2005;  Assistant Medical Director sa Gen. Miguel Malvar Medical Foundation, (2007- present); Chairman ng Department of Medicine, East Avenue Medical Center, 2012-2019; OIC-Chief  Medical Professional Staff II, 2017 at 2019 hanggang sa kanyang compulsary retirement.

Nakilala ng maraming Marinduqueňo bilang isang manggagamot na handang tumulong sa kanyang mga kababayan sa pamamagitan ng libreng pagpapagamot. Para sa maraming nagpapatotoo, siya ay isang buhay na ehemplo ng isang may tunay na malasakit at pagmamahal para sa kanyang mga kababayan.


GEN. RECAREDO A. SARMIENTO II (Ret)
KAPAYAPAAN AT KAAYUSAN

Tubong Buenavista, Marinduque. Mula nang nagtapos siya sa Philippine Military Academy hanggang sa kanyang pagretiro noong 1998, dalawamput-pitong (27) mga mahahalagang katungkulan ang kanyang nahawakan sa Hukbong Sandatahan ng Pilipinas (AFP) at PNP na umabot ng higit sa tatlong dekada.

Ang pagiging Chief ng Philippine National Police (PNP), (July 1994-Dec 1997), ang pinakamataas niyang naging katungkulan sa pamahalaan. Bago rito, naging Commander ng 56th PC Battalion sa Sulu at Davao Province (Region XI), Commander ng 52nd Battalion sa Southern Luzon, Chief of Staff ng PC Training Command sa Silang, Cavite, Provincial Commander, Pol. Supt sa Quezon, Regional Chief of Staff, Recom 8 at Recom 4, Deputy and Ex-O, C4/DL Camp Crame, Superintendent, Phil. Nat’l Police Academy, Deputy Regional Director ng RECOM 4 at Concurrent Commander ng Task Force Crossbow, Director ng Special Action Force Command (Jul 1992-Jan 1994), Director ng National Capital Regional Command (Jan 1994-July 1994).

Isa siyang multi-awarded officer na nakatanggap ng 5 Distinguished Service Stars, 2 Gold Crosses, 5 Bronze Crosses, 17 Military Merit Medals, 2 Military Commendations, 2 Military Campaign Medals. Ang higit sa limampung (50) stars, medals, awards, at decorations ay simbulo ng karangalan at tapat na paglilingkod sa bansa.

Nagawaran din ng Plaque of Recognition bilang Outstanding Marinduqueno (1994), Outstanding Alumni, MHSAA (1998) Quezon Medalya ng Karangalan mula sa Lalawigan ng Quezon, Ulirang Ama Award ng National Father’s Day Foundation, Presidential Unit Citation Badge na ginawad ni Pangulong Corazon C. Aquino at Presidential Legion of Honor Medal (Degree of Commander), na ginawad ni Pangulong Fidel V. Ramos.

Pagkaretiro ay naging abala sa mga gawaing may kinalaman sa pagsasaka at pangangalaga sa kalikasan bilang Consultant sa Marinduque Provincial Government. Nagsagawa ng malawakang Reforestation Project sa tulong ng DBP, nagpatupad ng livelihood programs sa Yook, Buenavista sa pamamagitan ng Community-Based Agri-Tourism and Eco Park, at naging Chairman ng Committee on Organic and Environmental Concerns ng Prov’l Agricultural Fishery Council (PAFC) at National Agricultural Fishing Council (NAFC), para matulungan ang mga magbubukid at mga mangingisda. Tinatag din niya ang Marinduque First Saturday Movers, Inc. para makatulong sa mga mamamayan ng lalawigan sa iba’t-ibang pamamaraan.


NOEL REGIS PAR
INHENYERIYA (Engineering)

Tubong Torrijos, Marinduque. Nagtapos ng Civil Engineering sa Mapua Institute of Technology, 1986, at topnotcher, 95.1% sa board exam. Nag-aral ng Architectural Engineering sa Herriot-Watt University, UK at nagawaran bilang University Prize Awardee para sa kanyang pananaliksik sa reduction ng carbon footprints para sa disenyo ng mga gusali.

Dahil sa kanyang kagalingan ay naipadala siya sa mga United Nations missions, maging sa mga lugar na may sigalot tulad ng Iraq, Israel, Syria (kasama na ang Golan Heights), Palestinian Territories (kasama ang Gaza Strip), Haiti at Somalia. Bilang Chief Engineer siya ang nanguna sa mga critical mission planning, operational activities, construction planning, design implementation, at pagbuo ng mga environmental strategies.

Siya ang nagplano sa paggawa ng UN Integrated Compound sa Baghdad, nanguna sa mga team of designers para sa architectural at engineering designs, interior at space plan, site development plan kasama na ang aspeto na may kinalaman sa kaligtasan (laban sa mga pagsabog), Kinilala ng UNHQ ang tagumpay ng proyekto sa inilabas na ulat ng Director, “UNAMI Success Story – Erbil Construction Projects”, 2010.

SALVADOR MOGOL LIWANAGAN
SINING (Eskultor)

Tubong Mogpog, Marinduque. May angking talino sa pag-ukit at pagpinta mula pa noong kabataan bagama’t wala siyang naging pormal na pag-aaral sa kanyang sining. Nagpakadalubhasa at naging tanyag sa pag-ukit, pagpinta at pagsasaayos ng mga imahen ng mga santo at santa.

Una niyang naging kliyente ang taga Mogpog, at lumawak pa sa ibang bayan, lalawigan at maging taga ibang bansa.

Ilan sa kanyang mga nagawa ay halos lahat ng ipinuprusisyong mga poon, santo at santa tuwing Mahal na Araw sa Mogpog. Siya rin ang gumawa ng Altar Crucifix para sa Simbahan ng San Isidro Labrador; imahen ng mga poon, santo at santang pinuprusisyon sa mga barangay ng Cawit, Balimbing at Poras sa Boac; ang main door, crucifix sa altar, tabernakuloo, ambo, mga rebultong yari sa semento sa bayan ng Gasan ay siya rin ang gumawa; ang imahen ng poon sa Simbahan ng Malabon (Sta. Cruz), mga imahen ng poon sa mga Simbahan sa Torrijos at Buenavista ay siya pa rin ang umukit.

Para sa National Shrine ni Padre Pio sa Sanyo Tomas, Batangas siya ang umukit ng imahen ni Padre Pio  na nakahiga, ang 10 ft. na imaheng nakaluhod at yari sa kahoy, ang 6 ft krus sa altar ng Divine Mercy at ang entrance gate ng Simbahan. Ang Milagrosa de Badoc sa Bacarra seminary sa Ilocos Norte. Ang iba pang imaheng kanyang inukit at nakarating sa ibang lugar ay ang Mahal na Birhen ng Lourdes (USA), Lady of Assumption (Cebu), at Holy Family (USA).

JOSELEO CIBALLOS LOGDAT
SINING (Musika)

Tubong Boac, Marinduque. Nagtapos ng kanyang Master of Music degree in Vocal Performance sa Elisabeth University of Music sa Hiroshima, Japan, kung saan siya ang nahirang na Best Recitalist 2014. Nagsimula siya bilang kasama sa koro sa ilalim ng pagtuturo ni Rev. Fr. Edwin Sager na siya ring humimok na ipagpatuloy niya ang kanyang hilig sa pag-awit at sa musika.

Grand Prix Winner sa 6th Yokohama International Music Competition, 2012; 1st Place sa Professional Voice Category sa Yokohama, Japan; Grand Prize sa “Mga Awiting Pilipino” (Philippine Art Song), Vocal Competition 2007. Nagwagi ng 2nd Prize sa 14th Osaka International Music Competition, 2014. Nagawaran din siya bilang 2013 awardee ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA), “Ani ng Dangal” for Music dahil sa kanyang mga tagumpay sa Japan. SIya rin ang ginawaran ng Aliw Awards 2019 bilang Best Male Classical Performer.

Nakatrabaho niya ang mga bantog na conductors at umawit saliw ng mga orchestra tulad ng Hiroshima Symphony Orchestra, Elisabeth University of Music Orchestra, Philippine Philharmonic Orchestra, Metro Manila Community Orchestra, Manila Symphony Orchestra, Manila Philharmonic Orchestra, Angono National Symphonic Band at ABS-CBN Philharmonic Orchestra. Nakapagtanghal sa mga opera tulad ng Gianni Schichi, Amal and the Night Visitors, Magic Flute, Noli Me Tangere at marami pang iba.

Binuo niya noong 2014, sa kaniyang lalawigang Marinduque ang Musika sa Isla Ensemble para sa pagpapalawig ng classical music at bilang tulay sa paghimok sa mga kabataang may talino sa musika.

TIRSO S. SERDEŃA
KULTURA (Tradisyunal)

Noong dekada 70’s niya sinimulang buuhin ang isang pangkat para tumugtog ng kalutang. Ito ay isang katutubong instrumento sa pagtugtog na kung saan isang pares ng kahoy, mula sa punong twatingan at bayog, ay pinapalo sa isa’t isa para makagawa ng ibat-ibang tunog. Dati-rati ang kalutang ay ginagamit lamang at pinatutunog ng mga Morion tuwing Mahal na Araw bilang kakaibang hudyat ng kanilang pagdating.

Si Serdeňa ang gumawa nang pamamaraan upang ang kalutang ay magamit sa pagtugtog ng mga katutubong musika. Pagdaan ng panahon ay mga popular na awitin ang naidagdag sa hanay ng kanilang mga tugtugin. Naging bantog ang grupo sa mga komunidad at inaanyayahang tumugtog sa mga kasiyahan.

Itinuturing ngayon na kasama sa ambag ng lalawigan sa pamanang kultura ang pagtugtog ng kalutang. Noong 2012, kinilala ng Pambansang Komisyon sa Kultura at Sining (NCCA), ang kanyang kontrubusyon at ginawaran siya ng Certificate of Recognition bilang “Cultural Master to the Training on Kalutang Playing in Gasan, Marinduque”.

Para mapanatiling buhay ang pagtugtog ng kalutang naitatag sa pangunguna ng NCCA at mga entidad pangkultura kasama na ang DepEd ang Marinduque School of Living Traditions.
JUNDEL ABUYAN MAZON
PALAKASAN

Tubong Torrijos, Marinduque.  Kampion sa Pennsylvania Open, 2015; Kampion sa Ambon Walikota Cup, Indonesia 2013; at Kampion sa Guiness World Series of Pool, Jakarta 2010.

Halos kasabay ng pagpaparangal sa kanya ng Gawad Marinduqueňo ay nakatakdang lumipad ngayong Pebrero 19 para lumaban sa isang tournament sa Indonesia, Pebrero 23, 2020.
CELSO T. MATAAC, JR.
PANGKOMUNIDAD AT PAMPUBLIKONG SERBISYO

Tubong Boac, Marinduque. Nagtapos ng Business Administration degree major in Accounting sa University of the East at Masters in Business Administration major in International Business mula sa George Washington University, Washington D.C. May CPA license sa Pilipinas, Disctrict of Columbia at Maryland, USA.

Tumanggap ng 1998 Banaag Presidential Award mula kay Pangulong Joseph Ejercito Estrada dahil sa kanyang kontribusyon sa Filipino community sa Estados Unidos; aktibo sa mga pangkomunidad at professional organisations bilang miyembro ng Board of Asian Pacific America Legal Resources Center para sa karapatan ng Asian Pacific Americans sa Washington D.C. at gayundin sa National Japanese American Memorial Foundation para sa pagpapahalaga sa katapangan ng Japanese-Americans noong WWII; Ingat-yaman ng National Association of Japan-American Studies.

Aktibo bilang miyembro ng Marinduqueňo Association of the Capital Area (MACA) at Marinduque International. Ang mga ito ang nagiging daan para sa sama-samang pagtulong ng mga Marinduqueňo sa Amerika sa kanilang mga kababayan sa ibat-ibang pamamaraan na may kinalaman sa edukasyon, pangkalusugang proyekto, at iba pang tulong sa mga nangangailangan.

Partner sa Regadie, Brookes & Lewis at responsible sa quality control ng audit practice ng kumpanyang nasa Maryland, USA.

MARIO PHILIP REYES FESTIN
KALUSUGAN

Nagtapos sa UP College of Arts and Sciences, BS Zoology bilang magna cum laude, 1978; sa UP College of Medicine noong 1983 at nagpakadalubhasa sa Clinical Epidemiology sa University of Pennsylvania 1991-1992, Health Professions Education sa UP 1995-1997.

Nagsilbi bilang Vice Chair for Professional Education sa Department of Obstetrics and Gynecology, UP College of Medicine at naging Founding Chair of the Department of Clinical Epidemiology sa UP College of Medicine, 1998-2000; Naging Vice Chancellor for Research sa UP Manila at Executive Director ng National Institute of Health Philippines, 2000-2002; Assistant Director for Health Operations, PGH, 2004-2006.

Naging Coordinator, Lead Specialist, Medical Officer sa Department of Reproductive Health and Research, World Health Organization (WHO), Geneva mula 2009-2019; Nagawaran ng maraming parangal sa larangan ng Medisina tulad ng Dr. Erich Saling Research Award (1995), PMA Dr. Raul Rivas Research Award (1997), POGS Honoria Acosta Sison Outstanding Research Award, 2008; POGS Baldomero Roxaas Memorial Award for Academic Distinction, 2017; Ten Outstanding Young Men (TOYM) Award mula sa Philippine Jaycees, 1998; Outstanding Young Scientist Award mula sa National Academy of Science and Technology.

May mahabang listahan ng mga sinulat na mga pang-medisinang aklat, artikulo at mga pananaliksik na nalimbag sa loob at labas ng Pilipinas.

LILY YU MONTEVERDE
SINING (Paggawa ng Pelikula)

Film Producer.  Mula sa pagiging distributor ng foreign films tulad ng That Man from Istanbul, Marsha at All Mine to Give na tumabo sa takilya, binuo niya ang Regal Fims na ang unang pelikula ay “Kayod sa Umaga, Kayod sa Gabi” na dinumog ng mga manonood. Sa ngayon ay marami nang pelikula ang naisagawa ng ngayon ay Regal Entertainment, Inc. Dito rin nanggaling ang mga pangunahing artista noon, tulad nina Alma Moreno, Gabby Concepcion, Snooky Serna, Manilyn Reynes, Sheryl Cruz at marami pang iba.

Noong 1980s naman ay sinimulan ang Regal Television na isang lingguhang programa sa telebisyon. Noong 1987 ang Regal ay nag-co-produce ng Mother Studio Presents kasama ang GMA Network para din sa telebisyon at Regal Drama Presents naman kasama ang ABS-CBN.

Ilan sa mga pelikulang nagawa ng Regal ay “Scorpio Nights”, “Shake, Rattle and Roll”, “Relasyon”, “Tiyanak”, “Yamashita: The Tiger’s Treasure”, “Mano Po”, “Live Show”, at “Petrang Kabayo at ang “Pilyang Kuting”.
Ang talambuhay ni “Mother Lily” aay isasapelikula sa direksiyon ng batikang si Erik Matti.
JEFFREY PASTRANA REGINIO
PALAKASAN

Tubong Torrijos, Marinduque. Kasama sa Philippine Obstacle Race Team na nagkamit ng Gintong Medalya sa 2019 Southeast Asian Games (SEA Games). Atleta siya sa Obstacle Course Racing mula noong 2017 hanggang sa kasalukuyan. May parangal na The Order of Lapu-Lapu, Rank of Kamagi.

Ika-apat at ika-walong puwesto sa Spartan Race for Elite Beast, 2018, Elite Supe, 2019, at 1st sa Spartan Race Malaysia for Super Age Category, 2018
1st sa Conquer Challenge X PH Open and Spartan Race PH (SEA series na ginanap sa Clark at Cebu, noong 2018.

MONOLITO LUPIG DIVINA
PALAKASAN

Coach at National Athlete; Gold Medalist sa Southeast Asian Games ( SEA Games) 2019: Obstacle Sport Champion, ECO 100 (Asia Trail Master Series) 2016.

1st Place sa Hongkong 100 (Asia Trail Master Series) 2016. Champion sa The North Face 100 in Singapore 2015.


GEN. SANTIAGO RAFAEL LAUS ALIŃO (Ret)
KATAHIMIKAN AT KAAYUSAN

Tubong Boac, Marinduque. Nagtapos sa Philippine Military Academy, Major in Military Science, 1967, na may Class Standing: 8th. Bago dito, naging Iskolar siya sa Mapua Institute of Technology, BS Chemical Engineering.

Nagtamo ng pinakamataas na pwsto sa Philippine National Poilce bilang Director General mula 1998-2000. Bago dito, sari-saring katungkulan ang ginampanan bilang opisyal sa militar mula 1967. Ilan lamang dito ang pagiging Provincial Commander sa Nueva Ecija Constabulary Command, 1987-1989, Chief of Staff RECOM 3 (1989-90),  Deputy Regional Commander for Administration (1990-91 at 1991-92), Commanding Officer, TF Central Luzon (*1992-93), Superintendet, Philippine National Police Academy, 1993, Regional Director, Recom 1, (1993-95), at Recom 4 (1995-96), Director, Directorate for Plans, 1996, at Chief, Directorial Staff, 1997.

Pinarangalan ng Philippine Legion of Honor (Degree of Commander), Distinguished Service Star with BAL, Bronze Cross  Medal, 16 na Military Merit Medals, 8 Military Commendation Medals with BET after SET, at marami pang mga Medalya.
Siya ang Founding Chairman ng Marinduque High School Alumni Assocuation (MHSAA) at Chairman, Community Council of Elders, Region 4B, Miyembro ng Philippine National Police Council of Elders at International Association of Chiefs of Police.
FERNANDO BELEN SENA
SINING (Painting)

Nagtapos ng Bachelor of Fine Arts sa University of the East; Pangulo ng Art Discovery and Learning Foundation, Inc.  Nagwagi sa mga National Students Art Competition ng Shell Company Philippines noong 1967, at 1970. Maraming taong nagsilbi bilang isang volunteer para maturuan ang mga batang maralita sa ilalim ng programa ng Children’s Museum and Library, Inc. Dinala siya ng programang ito sa mga mararalitang lugar sa Sapang Palay, Carmona sa Cavite, San Bartolome sa Malabon, Antipolo, Taytay, Tabaco, Albay at iba pang mga lugar.

Ang mga kabataan sa Tondo ay kaniyang inorganisa para itatag ang Kabataang Tundo Art Group (KATAG), kaya’t naging aktibo ang mga ito sa pagguhit at naging katulong niya sa mga art workshop, exhibits at mga patimpalak. Nagsagawa siya ng mga one-man show sa ibat-ibang lugar sa Maynila at naipadala rin ang kanyang mga obra sa mga eksibit sa Germany, Belgium at China.

Nagawaran ng Ten Outstanding Manilans Award noong 1979, Outstnding UE College of Fine Arts Alumni Award 1986, Most Distinguished UE Alumni Award 1989 at iba pang pagkilala. Naging faculty member sa UE College of Fine Arts at University of the Philippines, College of Fine Arts.

Nagawaran din ng Patnubay ng Sining at Kalinangan Awards ng City of Manila sa pagdiriwang ng Araw ng Maynila 1995. Patuloy pa nrin ang kanyang pagbibigay ng mga art workshop para sa mga kabataan, guro, mag-aaral, at mga propesyonal.


FRANCIS NEPOMUCENO PANGILINAN
LINGKURANG BAYAN

Kanyang ama si Donato Pangilinan, Jr., ng Pampanga at kanyang ina si Emma M. Nepomuceno ng Gasan, Marinduque. Nagtapos ng BA in English, Major in Comparative Literature sa University of the Philippines (UP); Bachelor of Laws sa College of Law, UP; nagtapos ng post-graduate studies sa Harvard University, John F. Kennedy School of Government na may degree ng Master of Science in Political Administration with an area of concentration in Strategic Management.

Pinakabatang nahalal bilang konsehal ng Quezon City (1988-92); naging founding president ng National Movement of Young Legislators; nagtatag ng Ten Accomplished Youth Organizations noong 2003, para kilalanin ang mga inisyatibo ng mga kabataan sa larangan ng public service at nation-building.

Nahalal sa Senado noong 2001, at nahalal muli pagkatapos ng anim na taon. Nahalal bilang Senate Majority Leader noong 2004. Naging chair ng Senate Committee on Agriculture noong 2010, na naging daan para makadaupang palad niya ang mga magsasaka sa iba’t-ibang panig ng bansa. Patuloy ang kanyang adbokasiya sa agrikultura nang manalo siya sa 2016 senatorial elections. Ang pinakahuling batas na kanyang inakda ay ang RA 11321 o ang Sagip Saka Act. Naglalayon itong itaas ang kita ng mga magsasaka sa pamamagitan ng pagsasakapangyarihan sa kanila at pagkonekta sa kanila sa merkado. Nilagdaan ang batas noong Abril 17, 2019.

Nahirang siya bilang interim Liberal Party president noong Oktubre 2016, at naging permanente ang paghirang noong August 2017.


EUSEBIO H. TANCO
PANGANGALAKAL AT INDUSTRIYA

Tumanggap ng Master of Science in Economics sa London School of Economics & Political Science, 1973, Bachelor of Science in Economics sa Ateneo de Manila University, 1970, at Doctor of Humanities, honoris causa na ginawad ng Palawan State University 2007.

Chairman ng STI Education Systems, isang educational institution na may 77 branches sa buong kapuluan. Ang kanyang holding company, Tanco Group, ay may kinalaman sa edukasyon, shipping, property, energy at financial services. Pangulo din siya ng Philippine First Insurance and Asia Terminals, isang shipping at logistics company.

Pinamunuan niya ang 42 iba’t-ibang kumpanya at bukod sa mga subsidiaries ng STI Education System Holdings ay chairman ng Maestro Holdings, Leisure & Resorts World Corp., International Hardwood & Veneer Corp., STI-Universal Workers, Inc., Manila Bay Hosiery Mills, Philippines-UAE Business Council, Philippines-Thailand Business Council, Cement Center, inc., at marami pang iba.

Naging chairman din ng Agatha Builders Corp., JTH Davies Holdings, Inc., naging pangulo ng Optima Financing Corp., at director ng Bank of Commerce (Philippines).

EMMANUEL LUSTERIO REGIO
PANGANGALAKAL AT INDUSTRIYA

Tubong Torrijos, Marinduque. Nagtapos ng Nautical Science sa Philippine Maritime Institute, 1963; Business Administration, BSC Accounting (candidate) sa UE, 1965-66); Marine Transportation sa Philippine Merchant Marine Academy, 1985.

Nagtrabaho sa ocean-going vessels bilang Apprentice Mate hanggang Master mula 1963-1974; Naging Relieving Chief Mate/Master sa Baliwag Navigation at Magsaysay Lines, 1974-1975. Siya ay naging miembro ng Marine Deck Board Examiners, PRC mula 1989-1993; Miyembro ng Board of Trustees ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), mula 2018 hanggang sa kasalukuyan.

Nakapagtatag at namuno sa maraming korporasyon tulad ng East Fortune Holdings, Inc, 2016; ELR Realty &Development Corp, 2007; Equinox Land Corporation, (1993-present); Eastgate Realty & Development Corporation, (1990-present); Eastgate Maritime Corporation, (1988-present); at Island Overseas Transport Corporation, (1987-present).

Maraming organisasyon din ang kanyang pinamunuan/kinabilangan. Ilan lamang dito ay Philippine Association of Manning Agencies and Shipmanagers, (1992-1994); Rotary Club of Intramuros, (2003-2004); Club Marinduque, (2008-2012); Bagong Bayani Foundation, Filipino Association for Mariners’ Employment, Joint Manning Group, at Philippine-Japan Manning Consultative Council.

LT. GEN. ALEXANDER P. AGUIRRE
LINGKURANG BAYAN

Tubong Sta. Cruz, Marinduque. Nagtapos bilang Valedictorian ng PMA Class 1961. Nagtapos ng Abogasiya at No. 11 sa Bar Exams, 1973.

Executive Secretary Jan-June 1998;

National Security Adviser , 1998-2001;

Ginawaran ng Philippine Legion of Honor, 1998

NOEL LANETE ROSAS
KALUSUGAN

Tubong Torrijos. Kasalukuyang Pinuno ng Vascular and Lymphedema Center, Makati Medical Center at Chairman ng Department of Medicine sa Makati Medical Center.

Ang iba pa niyang katungkulan sa MMC ay bilang Senior Staff, Section of Echocardiography, Cardiovascular Laboratory, (MMC), mula 1997 hanggang kasalukuyan; SVP and Medical Director ng Pacific Cross Group of Companies, 1997 hanggang sa kasalukuyan.

Siya rin ang Head, Vascular and Lymphedema Center, (MMC); Faculty, Foundation for Lay Education in the Prevention of Heart Disease (FLEHD), (2004-present).

Naging pangulo ng Makati-Pateros-Taguig Chapter ng Philippine College of Physicians (2010-12); Chairman ng Council on Preventive Cardiology, Philippine Heart Association (2011-14).


                                                               ***** o *****