Nasa larawan si Gov. Velasco kasama ang mga frontliners sa kalusugan na pinangungunahan ni Dr. Gerry Caballes ng PHO. Sa ngayon ay isinasagawa ang mass testing sa mahigit 9,000 PUMs at 139 PUIs. Isasailalim din sa testing ang mga construction workers para sa muling panimula ng construction projects ng gobyerno
ANUNSYO AT MENSAHE MULA SA PROVINCIAL GOVERNOR
(mula sa FB Gov. Presby Velasco, Province of Marinduque)
Sa ngayon ay mayroon tayong 12 indibidwal na positibo sa COVID-19 base sa Rapid Antibody Test. Isinasagawa ang PCR test sa kanila at hinihintay natin ang resulta.
Hindi pa 100% complete ang mass rapid test. Hindi pa rin tapos ang clearing operations ng mga barangay sa anim na bayan kung saan sinisiyasat ang lahat hinggil sa kanilang temperatura, mga sintomas, travel history at kung may nalapitan silang positibo sa COVID-19.
Ang isolation areas bawat bayan ay kinukumpleto pa. Ito po ang sitwasyon ngayon sa Marinduque.
Dahil sa kasalukuyang sitwasyon ay mukhang hindi pa handa ang Marinduque sa General Community Quarantine.
Nasa ilalim ng GCQ ang Marinduque hanggang May 31
Ganoon pa man, naglabas ang IATF ng Resolution No. 37 na hindi tayo (Marinduque) kasama sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ). Dahil hindi tayo kasama sa mga lalawigan na under sa MECQ ay lumalabas na under tayo sa General Community Quarantine tayo (GCQ).
Sa GCQ base sa ilalim ng IATF Resolution Nos. 35 and 35-A ay hindi pa rin pinapayagang lumabas ang lahat.
Ang puwede lang lumabas ay ang isang representante sa household na bumili ng mga basic needs or commodities. Ang kinatawan ay kailangang kumuha ng quarantine pass sa munisipyo.
Pagkuha ng Travel Pass at pagpapatupad ng safety measures
Ang mga manggagawa sa DPWH projects ay kailangang mag rapid test at kumuha ng travel pass sa DPWH at sa Provincial Government of Marinduque (PGM) bago magsimula sa trabaho. Kailangang sundin ng contractors ang lahat ng directives at circulars ng DPWH Department Order No. 35.
Ang mga manggagawa sa ibang proyekto (na hindi DPWH) ay kailangang kumuha ng pass sa PGM. Yong mga business establishments na pwedeng magbukas ay iyong nakalagay sa lamang listahan ng IATF Reso No. 35 &35A at kailangang sundin ang direktiba ng Department of Trade and Industry (DTI) sa mga negosyong magbubukas. Mahigpit na ipatutupad ang safety measures sa mga establisimento. Kailangang kumuha din ng approval at quarantine pass mula sa municipal governments.
OFWs ng Marinduque
Ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) ay puwede ng pumasok sa Marinduque. Dapat ay na PCR test na sila at negative ang resulta bago sila papayagang pumasok sa laalwigan. Kailangang mag coordinate ang DOLE, OWWA at Phil. Coast Guard sa PGM para sa schedule ng pag uwi at ibang mga detalye. Mag ra rapid test din po kami sa OFWs pag pasok nila sa lalawigan at dadaan pa rin sila quarantine.
Iyong mga Locally Stranded Individuals (LSIs) ay papayagang pumasok at hinihintay lang po natin ang guidelines mula sa National Incident Council na gagawa ng mga proceso sa pagbalik ng LSIs.
Ang mga pampublikong sasakyan tulad ng jeep at tricycles ay puwede nang pumasada pero kailangang ang mahigpit na pagsunod sa Department of Transportation (DOTR) circular on safety measures lalo na ang physical distancing.
Pagpapatupad ng curfew ng mga munisipyo at pagpapalabas ng bagong direktiba
Ang curfew ay magiging alinsunod sa ordinansya ng bawat municipal government. Inuulit po natin – HINDI pa puwede lumabas ang lahat ng tao sa kani kanilang bahay maliban doon sa may pribilehiyong lumabas ayon sa IATF resolution Nos. 35 and 35A dahil nasa quarantine pa rin tayo.
Sa Lunes po ay may meeting ang TASK FORCE ON COVID-19 kasama ang mga mayors, officials of national agencies, PNP chiefs of Police, Liga ng Barangay’s at ang iba’t ibang sectors. Ang Provincial Government of Marinduque (PGM) ay maglalabas ng Executive Order o direktiba sa mga bagay na napagkasunduan tungkol sa GCQ at mag hakbang laban sa COVID-19.
Pag-iwas sa second wave ng COVID-19 infection
Ang sabi ng Pangulong Duterte – dahan-dahan at hinay-hinay sa laban sa Covid 19 dahil ang iniiwasan natin ay magkaroon tayo ng second wave ng infection sa COVID-19 sa ating lalawigan.
Magtulungan at makiisa tayo sa laban sa COVID-19. Laban nating lahat ito.