Monday, May 18, 2020

Mga Tanong at Sagot tungkol sa Marinduque quarantine status/guidelines

Si Gov. Presby Velasco

INFO-SHARE  (by Bokal Lyn Angeles)

(Source: Based on the Official Announcement of the Office of Gov. PRESBY VELASCO Jr posted in his Official FB Page)

T:  ANO ANG COVID-19 SITUATION NGAYON SA LALAWIGAN?

S:  Hindi pa 100% complete ang Mass Rapid Antibody Testing na pinondohan ng Provincial Government  pero sa Initial Result  nito ay may  bagong  12 Positive na sumasailalim ngayon sa PCR Test.  Hindi pa rin tapos  ang proseso ng Clearing Operation sa mga barangays ng 6 na bayan at ongoing pa rin ang paghahanda ng mga Isolation Facilities ng mga bayan. (Note: May specific DOH Requirements para sa mga Quarantine/Isolation Facilities)

T: ANO NA ANG QUARANTINE STATUS NG MARINDUQUE NGAYON?

S: GENERAL COMMUNITY QUARANTINE (GCQ as per IATF Res.  37 dated May 15)

T: NGAYONG GCQ NA, PWEDE NA BA LUMABAS LAHAT NG TAO?

S:  Ayon sa IATF Guidelines on GCQ, HINDI PA RIN PO PWEDE LUMABAS ANG LAHAT. Isang representative per household pa rin lang na pwede bumili ng mga pangangailangan at REQUIRED  pa rin po kumuha ng QUARANTINE PASS.

T:  PAPAYAGAN NA BA ANG MGA WORKERS NA MAGTRABAHO?

S: May mga dagdag na establishments na pinapayagan na rin magbukas under GCQ (some on limited capacity) at ang kanilang mga WORKERS ay pwede na magtrabaho SUBALIT KUKUHA PA RIN NG PASS SA MUNISIPYO.

- Ang mga WORKERS NG DPWH PROJECTS ay kailangang mag-RAPID TEST at kumuha ng TRAVEL PASS.

- CONTRACTORS to follow DPWH DO 35

- Workers ng projects na di DPWH ay kukuha ng PASS from PGM

- OTHER BUSINESS ESTABLISHMENTS allowed to operate by IATF Resolution 35 & 35-A ay kailangang mahigpit na sumunod sa mga DTI Directives at kailangan din kumuha ng PASS mula sa mga Munisipyo.


Si Bokal Lyn Angeles sa isang IATF miting kasama si Gov. Velasco


T: PWEDE NA BANG PUMASOK SA MARINDUQUE ANG UMUWING OFWs?

S: OPO, SUBALIT KAILANGANG nagpa-PCR Test na at Negative at kailangang mag-coordinate sa DOLE, OWWA, PGC At PGM sa SCHEDULE  ng pag-uwi at iba pang detalye.  Mag- Rapid Test din po at Quarantine sila pagdating sa Marinduque.

T:  MAKAKAUWI NA PO BA ANG MGA LOCALLY STRANDED MARINDUQUENOS?

A: OPO, PAPAYAGAN NA SILA MAKAUWI SUBALIT INIINTAY PA ang NATIONAL GUIDELINES para dito.

T: PWEDE NA PO BANG PUMASADA ANG MGA JEEP/TRICYCLE?

S: PWEDE NA PO SILA PUMASADA  SUBALIT kailangan ang MAHIGPIT NA PAGSUNOD sa DOTR CIrculars

T: MAY CURFEW PA RIN BA?

S: OPO,  ito po ay magiging alinsunod sa ORDINANSA NG MGA MUNISIPYO.  HINDI PA RIN PWEDE LUMABAS ANG LAHAT MALIBAN SA MGA PINAPAYAGAN ayon sa IATF Res. No. 35 & 35- dahil NASA QUARANTINE PA RIN PO TAYO.

T: BAKIT DAPAT NA PATULOY PA RIN ANG IBAYONG PAG-IINGAT NG LAHAT?

S: Dahil KAILANGANG MAIWASAN NA MAGKAROON NG 2ND WAVE ng INFECTION sa lalawigan/bansa  na maaring MAS MAGING MALALA at MAPANGANIB PARA SA LAHAT.

NOTE: ABANGAN ANG DAGDAG NA  GUIDELINES AT EXECUTIVE ORDER NA POSIBLENG IPALABAS NG GOBERNADOR AT Prov'l IATF SA LUNES, May 18, 2020.

God Bless Everyone!