Malugod na tinatanggap ng Department of Tourism (DOT) ang unti-unting pagbubukas sa panahong ito ng mga gawaing panturismo sa ilang mga lugar sa bansa.
Sa isang pahayag nasabi ng DOT na sa unti-unting pagbubukas muli ng tourism operations sa gitna pa rin ng ibat-ibang
community quarantine levels sa Pilipinas ay mabubuksan na ang daan para sa recovery
ng industriyang turismo.
Subalit binigyang diin ng DOT na kapag tungkol sa paglalakbay ay maiisagawa lamang ito sa kasalukuyan sa mga lugar na may modified general community quarantine (MGCQ).
Sa ngayon, ang Marinduque ay nasa ilalim pa rin ng MGCQ hanggang Hunyo 31.
Sinabi rin ng DOT na ang pagbibiyahe para sa turismo ay
maiisagawa lamang sa pagitan ng mga lugar na may MGCQ, at naaayon ito dapat sa
travel restrictions na ipinapatupad ng local government units (LGUs).
Mahalaga, ani Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na
ang sector ng turismo ay mabuksan sa lalong madaling panahon, bagamat
dahan-dahan, unti-unti at may pag-iingat para ang mga nawalan ng hanapbuhay
dahil sa COVID-19 pandemic ay makapaghanap-buhay at kumitang muli.
Mga lutong Marinduque bilang pangunahing atraksyon sa post-Covid world. Larawan ng Kusina sa Plaza. |
Sinabi rin ng DOT na sa domestic tourism, pangunahin na dapat tutukan ang kaligtasan at usaping pangkalusugan ng mga turista.
Idinagdag ng DOT na naglabas na sila ng guidelines ayon sa
pakikipagkonsulta sa mga stakeholders at ang kahalagan ng pagsunod sa protocols
na inilabas ng World Health Organization (WHO) at ng Department of Health
(DOH).
Luxor Resort and Restaurant sa Gasan, Marinduque. May DOT Accreditation din. |
Ayon sa DOT, ang mga tourist destinations na magbubukas sa panahon ng MGCQ ay kinakailangang aprubado ng mga opisyales ng LGU at kailangang sumunod sa health and safety guidelines na inilabas ng Inter-agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).
SA kasalukuyan ang mg tourism establishments na may
akreditasyon at nabigyan ng Certificate of Authority to Operate ng DOT ang
pinapayagang magbukas sa panahon ng MGCQ.
Ang DOT ay magsasagawa rin ng close monitoring kung
sinusunod ang kanilang naunang memorandum circular 2020-002 hinggil sa mga
health and safety protocols sa operasyon ng mga kaukulang establisimyento sa
ilalim ng isang New Normal scenario.
Prawns na may buttered cereal. Mula sa Luxor Resort and Restaurant |
Kasama rito ang guest handling, rooms occupancy,
housekeeping, food and beverage services, kitchen sanitation at disinfection,
at iba pa.
Iminungkahi ni Puyat ang kahalagahan ng maayos na pakikipag-ugnayan
ng mga tourism stakeholders sa kanilang local government units para matiyak ang
maayos na transition at pagsunod sa mga alituntunin.
Nauna na ring iniulat ng DOT na ang mga accommodation establishments
sa MGCQ areas ay pahihintulutang magsimula ng operasyon subalit 50 percent lamang
ng operational capacity ang mapapayagan.
Ang sektor ng turismo sa bansa na isa sa pangunahing sektor sa
usaping pang-ekonomiya ang isa rin sa pinakamatinding
naapektuhan ng pandemya. - Eli J Obligacion
Also read: