Wednesday, June 17, 2020

Metro Manila mananatiling GCQ hanggang June 30; Marinduque naman ay MGCQ pa rin


Ang Marinduque ay mananatili sa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ), kasama ang Oriental Mindoro, Palawan, Romblon at Puerto Princesa City. Sa MIMAROPA region tanging ang Occidental Mindoro lamang ang napasailalim ng GCQ. 

Ang Metro Manila ay mananatili sa ilalim ng general community quarantine (GCQ), hanggang sa Hunyo 30 simula kahapon.

Ayon sa Palasyo, ang Cebu City ay inilagay sa ilalim ng enhanced community quarantine. Sa isang pahayag, sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque  na ang Talisay City sa Cebu ay nasa Modified Enhanced Community Quarantine naman.

Ano-ano pang mga lugar sa kapuluan ang mapapasailalim ng GCQ?

Sa Luzon:

Santiago City

Cagayan

Isabela

Nueva Vizcaya

Quirino

Aurora

Bataan

Bulacan

Tarlac

Olongapo City

Cavite

Laguna

Batangas

Rizal

Quezon

Occidental Mindoro

 

Sa Visayas:

Mandaue City

Lapu-Lapu City

Cebu City

Bohol

Negros Oriental

 

Ang Davao City at Zamboanga City sa Mindanao ay isasailalim din sa GCQ.

Ang mga natitira pang bahagi ng bansa na hindi kasama sa itaas ay mananatili sa ilalim ng MGCQ.

Ang anunsyo ng Palasyo ay ginawa matapos ang isang pagpupulong ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases kasama ang Pangulo.

Nauna nang nagbabala si Pangulong Duterte sa publiko na ang  ECQ ay posibleng ngang maibalik kapag mabilis ang rate of infection.

Sa kasalukuyan ay lampas na sa 26,000 mga Filipino ang tinamaan ng coronavirus at halos 2,000 na ang namatay.

Sa Marinduque ay nanatiling anim ang nakumpiramang tinamaan ng COVID-19 na pawang gumaling naman lahat. Walang naitalang namatay sa COVID-19.

Tanawin sa isang bahagi ng Mindoro mula sa Marinduque.
Larawan ni Eli J Obligacion


Samantala, muling pinaalalahan ni Gov. Presby Velasco ang mga Marindukenyo na ipagpatuloy ang pag-iingat at pagsunod sa mga alituntuning nakakasanayan na tulad ng pagsusuot ng facemask kapag lalabas ng bahay, regular na paghuhugas ng kamay at social distancing.  

Ang tanggapan ni Gov. Velasco ay regular na naglalabas ng mga updates at kautusan na may kinalaman sa pagsugpo ng pandemya. Ganito rin ang isinasagawa ng mga Punong Bayan para magkakatulong ang lahat ng mga LGU sa pagbibigay ng impormasyon sa kanilang mga nasasakupan.

Kamakailan ay naglabas din ng isang pakiusap ang Tanggapan ng Gobernador patungkol sa mga Locally Stranded Individuals (LSI) at OFW's na makikita sa ibaba. Sa kasalukuyan ay abala ang kanyang tanggapan sa pagtanggap ng mga katanungan, sagot at pagtulong sa mga LSI at OFW's na nananawagan hinggil sa kanilang pag-uwi sa Marinduque.

Ayon sa impormasyon nasa 300 na ang nabigyan ng tulong ng lalawigan sa ibat-ibang paraan sa pag-uwi ng mga ito.