Monday, June 8, 2020

Marinduque sa ilalim ng MGCQ patungo sa Bagong Normal: Ano kaya ang dapat isaisip?

“Kahit po tayo ay nasa MGCQ na, patuloy pa rin tayong mag-ingat. Hindi nawawala ang banta ng COVID 19 sa ating lahat. Palaging magsuot ng face mask, panatilihin lagi ang social distancing, at dalasan ang paghuhugas ng kamay. 
"Bagama't marami sa atin ang maari nang lumabas, iwasan din po natin ang paglabas ng bahay kung walang mabigat na dahilan.” – Gov. Presby Velasco, Jr., sa kanyang official FB page.

Mababasa sa opisyal na FB page ni Gov. Velasco ang mga katagang ito bilang paalaala sa ating mga minamahal na mga kabababayan. 

Bagamat ang islang-lalawigan ng Marinduque sa kasalukuyan ay nasa ilalim ng General Communty Quarantine (MGCQ) at patungo na sa “New Normal”, na tila bago sa ating pandinig ay kailangan pang lubos itong maunawaan.


Kasalukuyang sitwasyon sa Marinduque ng COVID-19. June 7, 2020 mula sa PHO Marinduque

2020 at New Normal

Totoong ang taong 2020 ay isang walang katulad taon para sa lahat at dahil sa patuloy pa ring nagaganap na pandemya, ang buhay ay hindi na magiging katulad ng nakalipas.

Napilitan tayong baguhin ang dating mga gawi dahil maaaring may katagalan pa, ilang buwan o taon,  bago bumalik sa normal na kinagisnan.

Bukambibig sa kasalukuyan ang “new normal”.  Dahil makababalik lamang tayo sa dating normal kung may vaccine pangontra sa COVID-19 na aprubado at maaaring magamit ng mga tao; may epektibong anti-viral drug na aprubado rin para magamit ng mga taong apektado ng coronavirus; ayon sa mga eksperto ang COVID-19 ay maaaring makaapekto muna sa 80% ng populasyon ng mundo bago magkaroon ng natural herd immunity.

Hanggang ngayon ay marami pa rin ang hindi nauunawaan ang tungkol sa virus na ito. Kung papaano talaga ito nakakahawa, may ibat-ibang uri ba ito, papaano ang paghawa ng mga asymptomatic sa pagkalat ng virus, ang mga naapektuhan bang mga tao ay immune na sa re-infection, gaano kaya katagal ang virus mananatili sa ating buhay.

Ano ang dapat isaisip sa bagong normal?

Ang SARS-CoV virus na nagiging sanhi ng Covid-19 ay isang matalinong virus na may kakayahang mag-survive sa populasyon ng mga tao. 

Kailangan talaga nating masanay sa pamamagitan ng social distancing, paghuhugas tuwina ng mga kamay, pagsuot ng face masks, at pag-iwas sa mga  mataong lugar. Distansiyang hindi bababa sa isa hanggang dalawang metro ang layo sa bawat isa.

Pinag-uusapan pa rin hanggang sa ngayon kung ano ang epektibong pamamaraaan para sa pagpapatakbo ng shopping malls, restaurants, mga sasakyang pampubliko, mga tanggapan, pamilihan at lahat ng mga lugar na dinarayo.

Disiplina sa sarili ang dapat pairalin, at kaisipan na kapag hindi mo isinaalang-alang ang mga panawagan ng pamahalaan ay maaaring mawalan ka nan g panahong magsisi sa bandang huli.

Pamamalagi sa tahanan ang pinakamabuting magagawa, dahil nga nariyan pa sa paligid natin ang di-nakikitang virus.

Mga batang mangingisda

Sa panahon ng Covid-19
                                                   Sa panahon ng Covid-19