Monday, September 7, 2020

2 bagong kaso ng COVID-19 naitala sa bayan ng Boac, Setyembre 7, mula sa Brgy. Lupac

 

Anim (6) ang aktibong mga kaso ng COVID-19, as of Sept. 7.


Mula sa PHO MARINDUQUE:

As of 4PM, 07 September 2020; Marinduque COVID19 Bulletin #192

Nakapagtala tayo ng dalawang (2) bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa ating lalawigan.

Sa kasalukuyan mayroon tayong anim (6) na aktibong kaso ng COVID-19 na binabantayan sa ating Marinduque Provincial Hospital.

Muli po naming ipinapaalala sa lahat ng Marinduquenos na patuloy na sumunod sa Minimum health standards tulad ng 1) Pagsusuot ng mask tuwing lalabas ng bahay 2) Palagiang paghuhugas ng kamay o pag sanitize 3) pagsunod at pagpapanatili ng physical distancing na hindi bababa sa isang (1) metrong layo mula sa ibang tao at 4) palagiang paglilinis ng mga bagay na laging hinahawakan.

Sa pamamagitan ng pagsunod sa mga protocols na ito, matutuldukan natin ang pagkalat ng sakit na COVID-19 sa ating komunidad.

Pagsuot ng Face Mask at Face Shield sa Boac tuwing lalabas pakiusap ni Mayora Armi Carrion

Sa isang opisyal na pahayag kinumpirma ni Mayora Armi Carrion na ang dalawang bagong kaso ay mula sa Barangay Lupac.

Inihayag niya na ang dalawang indibidwal ay naka-isolate na sa Regional Evacuation Center sa Provincial Capitol Compound simula Setyembre 5 hanggang sa kasalukuyan. Ang kanilang mga pamilya ay naka-home quarantine at sinasagawa ang swab testing sa mga miyembro ng pamilya.

Naghayag din si Carrion na siya ay nagsusumamo at nakikiusap sa lahat ng mamamayan ng Boac na magsuot ng face mask at face shield sa tuwing lalabas ng bahay, papasok sa kanilang mga opisina at maging sa mga establisimiento. 

Ugaliin din, aniya, ang madalas na paghuhugas ng kamay at paggamit ng alcohol.

Ipinaalam din niya na ang tanggapan ng Pamahalaang Bayan ng Boac ay sarado sa publiko simula Setyembre 7 - 9 upang isagawa ang disinfection para sa kaligtasan ng lahat.