Ang Marinduque ay nakapagtala ng 64 mga kaso sa lalawigan kung saan 41
ang mga aktibong COVID-19 cases ngayong Oktubre 7, 2020.
Dahil dito, napagpasyahan ng Pamahalaang Panlalawigan na magsagawa ng isang mas mabisa at mas pinalakas na mga protokol upang maiwasan ang maraming mga kaso
at mapigilan ang karagdagang local transmission.
Ang Provincial Health Office (PHO), mga district hospitals
at mga tanggapanng pangkalusugan ng mga munisipyo sa Marinduque ay nagpulong
upang masuri ang mga dumaraming kaso. Kailangan din na repasuhin ang kasalukuyang isinasagawang pagkontrol
ng borders, pamantayan sa kalusugan, mga quarantine protocols at iba pang kaugnay
na mga hakbang.
Kaugnay nito, naglabas si Gobernador Presbitero J. Velasco, Jr. ng EO
No. 34-2020, ang Enhanced Guidelines to Prevent Further COVID-19 Local
Transmission.
Iniutos ni Gov. Velasco ang mahigpit na pagsunod sa IATF-MEID Omnibus Guidelines at pagpapatupad ng EO No. 34 tulad ng sumusunod: (Halaw mula sa English version ng EO)
Section 1. Ipinagbabawal ang pagpasok sa Marinduque ng mga door-to-door
Vans at mga sasakyan na walang prangkisa dahil labag
ito sa mga panuntunan ng LTFRB. Ang nasabing passenger service operations ay
suspendido mula October 6, 2020, hanggang walang panibagong abiso. Ang
katotohanan na isang driver door-to-door van ay nagpositibo sa COVID-19 kasama na
ang nakakabahalang pagkalat ng nasabing
impeksyon sa virus kamakailan, ay malinaw na binibigyang-katwiran ang
pansamantalang pagtigil ng mga door-to-door operation ng mga van at mga service
vehicles.
Section 2. Panahon ng Pagpasok / Paglabas ng mga ROF, APOR, LSIs at mga Delivery Truck at mga Sasakyan. Ang pagpasok ng mga ROF, LSI at APORs ay papayagan lamang mula 6:00 ng umaga hanggang 1:00 ng hapon. Gayunpaman, ang mga delivery vehicles at trucks ay pinapayagan na makapasok sa lalawigan sa anumang oras ng araw.
Seksyon 3. Mga kailangan para sa pagpasok ng mga ROF,
APOR at LSI. Ang sumusunod ay kinakailangan para makapasok sa Marinduque.
a) OFWs at ROFs; Dapat silang magpakita ng sertipiko na
nagsasaad ng mga negatibong resulta ng RT-PCR Test at ang pagkumpleto ng 14-na
araw na quarantine na inisyu ng DOH o ng pinanggalingang LGU.
b). Ang mga APOR na driver at helpers ng delivery trucks at
sasakyan na naninirahan sa labas ng Marinduque ay sasailalim sa RT-PCR Test o Rapid
Antigen test sa Balanacan Port o kailangang magpakita ng kanilang sertipiko mula sa
alinmang accredited na ospital ng DOH, klinika o pasilidad na matatagpuan sa
labas ng Marinduque, sa kondisyon na ang naturang sertipiko ay may bisa lamang
sa loob ng dalawang (2) linggo o labing apat (14) na araw mula sa araw na
naisagawa ang test. Ang nasabing mga driver ay kailangang maisagawa ang kanilang
paghahatid sa loob ng 24-oras mula sa oras na umalis sila sa Balanacan port
compound. Ang paglabag sa patakarang ito ay magbabawal na sa pagpasok ng nagkamaling
driver o helper sa Marinduque.
c). Ang mga driver at helpers ng delivery trucks na
residente ng Marinduque ay isasailalim din sa RT-PCR test ng Rapid Antigen test
pagdating sa pantalan ng Balanacan mula sa ibang LGU, maliban na lamang kung na-test
sila bago pumasok at may certificate of testing. Sasailalim sila sa labing-apat (14) na araw na quarantine sa
isang isolation area, maliban kung inatasan silang magmaneho ng kanilang
sasakyan upang magdeliver ng mga kalakal, ay papayagan silang pansamantalang makaalis sa isolation area.
d) Ang mga APOR na hindi residente at mga opisyal at empleyado
ng gobyerno, doktor, nars at iba pang health care workers ay pinapayagan na
pumasok sa lalawigan sa kondisyon na sasailalim sila sa mandatory RT-PCR test o
Rapid Antigen test pagpasok, o makapagbigay sila ng certificate of testing.
Dapat nilang ipaalam sa kanilang travel clearance ang kanilang pang-araw-araw
na gawain sa probinsya kasama ang oras kung kalian nila ito isasagawa. Matapos
ang kanilang mga opisyal na tungkulin, sila ay mananatili sa lahat ng oras sa
hotel o pasilidad na kanilang tinutuluyan.
e) Ang mga APOR na pribadong indibidwal, mga hindi residente,
at may mga transaksyong pangkalakalan at
iba pang mga aktibidad sa lalawigan ay kailangang makakakuha ng Authority to
Enter sa pamamagitan ng pagtawag sa mga hotline na: 0930-510-2411 (Angel),
0956-748-2976n (Rechelle ), at 0939-936-7133 / 0917-377-4163 (G. Jing
Madrigal), at kailangang sumailalim sa mandatory RT-PCR o Rapid Antigen test
pagdating nila. Dapat nilang ibigay sa Provincial Task Force ang kanilang mga
itineraries na may kaukulang oras ng pagsasagawa ng kanilang gawain, at lilimitahan
ang kanilang paggalaw sa mga pinahintulutang lugar lamang. Sila ay sasailalim
sa quarantine sa kanilang pansamantalang lugar na tirahan matapos nilang matupad
ang kanilang mga gawain.
f) Dapat sundin ng LSIs ang kasalukuyang mga protokol na
ipinatupad ng IATF, at bilang karagdagan, kailangang magsagawa o magtala na sila ay sasailalim
sa mandatory facility o community quarantine sa labing-apat (14) na araw
pagdating sa Balanacan port. Dagdag dito, kung ang LSIs ay malapit na miyembro
ng isang pamilya at nais na manatili ng permanente sa lalawigan, dapat silang
mag-apply para sa Balik Probinsya 2 Program.
g) WALANG HOME QUARANTINE ANG PAPAYAGAN para sa LSI, OFWs,
ROFs, APORs, drivers at helpers. Sasailalim sila sa 14-na araw na quarantine
sa isang provincial, o municipal, o barangay community quarantine area, maliban
kung sila ay mga APOR na opisyal at empleyado ng gobyerno na may opisyal na lakad, mga doktor at iba pang health personnel na
maaaring manatili sa isang hotel o ibang pasilidad na matutuluyan kung saan sila ay sasailalim sa
self-quarantine.
Section 4. Mga Direktiba sa Municipal at Barangay Governments.
1) Localized Community Quarantine.
a) Dahil sa dumaraming kaso ng COVID-19, ang mga Municipal Mayors
ay inatasan na ipasailalim ang ilang lugar sa localized community quarantine o
bilang containment zones sa mga kaso ng impeksyon sa mga nasabing lugar bilang
mahigpit na pagsunod sa safety and health requirements mula sa IATF-MEID, DOH at iba pang mga ahensya ng pambansang pamahalaan. Lahat ng
nasabing mga kaugnay na patnubay at protokol ng IATF ay dapat na mahigpit na ipatupad.
(Itutuloy)