We've been occupied with culture and tourism related activities and haven't had the time yet to report more about the STTC Assembly. We are aware that Mr. Dave Katague is waiting for these reports that he wishes to share with our kabayans in the U.S. They are forthcoming but for now, we are posting this article which appeared in the local weekly, THE WEEKLY MARINDUQUE.
LUBOS NA TAGUMPAY ANG “MARINDUQUE RISING!”
Ni Jet Claveria
MULA SA: THE WEEKLY MARINDUQUE
July 27-Aug 2, 2008
“Ito na ang pinakamatagumpay o isa sa pinakamatagumpay na pagdaraos ng STTC assembly sa loob ng nakaraang labing-apat na taon!”. Ito ang mga katagang nabanggit ni Col. Andrew O. Nocon, ang chairman ng Southern Tagalog Tourism Council Assembly na ginanap sa Boac, Marinduque Hulyo 23-25.
“Ito na nga ang panaka-puso ng mga panturistang destinasyon sa Pilipinas!”, sabi naman ni Director Louella B. Jurilla, ng Department of Tourism Region IV.
“Isang mataas na “9” ang rating namin sa Marinduque hosting”, banggit naman ng delegasyon ng delegasyon ng Quezon sa pagtatapos ng assembly proper.
Ang mga dumalo sa asembliya ay lubos na namangha sa pagsalubong na ginawa sa kanila mula ng dumaong ang sinakyang mga barko sa Balanacan Port at isa pang daungan sa bayan ng Gasan. Ang mga moryong bulaklakan (moriones) ng Mogpog, bagamat tapos na ang Semana Santa, ay naging paborito ng delegasyon na kunan ng larawan sa pamamagitan ng camera o ng kanilang celfone.
Sa unang oras pa lamang ng registration sa Mogpog Central School, ay humigit sa 200 delegasyon na mula sa ibat-ibang bahagi ng Calabarzon at Mimaropa ang nagpatala. Sinamantala naman ng mga guro ng Mogpog District ang pagkakataon upang ipakita ang mga katutubong sayaw ng bayan at ang kasaysayan ng Marinduque sa pamamagitan ng bigkasan.
Kinagabihan ng unang araw matapos makapaglibot ng bahagya ang mga bisita sa Mogpog, Boac Cathedral at Marinduque Museum, idinaos sa Boac Covered Court ang Mayors’ Night bilang opisyal na pagsalubong sa mga bisita.
Punong-abala dito ang pangulo ng Mayors’ League na si Mayor Ruben F. Revilla ng Sta. Cruz, at ang mga mayor o vice-mayor at mga kagawad mula sa anim na bayan ng Marinduque. Isang cultural number hinggil sa alamat ng Marinduque ang ipinakita ng mga Santacruzin at nasundan ng masayang sayawan at inuman.
Sa ikalawang araw ay nilibot ng delegasyon mula sa 10 lalawigan ang apat na bayan ng Gasan, Buenavista, Torrijos at Sta. Cruz para sa “Marinduque Rising” tours. Ito ang natatanging paksa ng asembliya bilang pagkilala sa pinagsamang kagustuhan ng mga Marinduqueno na maiangat ang turismo dito.
Ang pagbisita sa mga bayan-bayan ay naisakatuparan sa tulong ng mga punong-bayan, tourism councils, tourism office at tanggapan ng punong-lalawigan. Nasilayan ng mga bisita ang butterfly breeding sa Gasan, ang mga produkto, tunog at kulay ng kinikilalang cultural nerve-center ng Marinduque, namasdan ang maalamat na Tres Reyes Islands, hanggang makarating sila sa Buenavista upang bisitahin ang Marinduque Hot Spring Resort.
Sa may pagitan ng Buenavista at Torrijos ay sinalubong naman ang grupong STTC ng mga naghihiyawang mag-aaral na may mga flaglets at ng pamosong OMPSA Drum and Lyre Band ng bayan ng Torrijos. Hindi makapaniwala ang marami sa delegasyon na Torrijos ang isa sa bayan ng Marinduque na higit na nasalanta ng bagyong si “Frank”.
“Pinahanga kami ng mayor dito sa ginawang paglilinis at pagsasaayos ng kapaligiran”, ani Atty. Apolinario Makalintal, pangulo ng Batangas Provincial Tourism Council.
“Regular na dumadalaw ako sa Marinduque dahil may mga kamag-anak ako rito, subalit humanga ako sa mabilis na pagdami ng mga maliliit na resorts. Promotion ng Marinduque na lamang ang kailangan marahil”, dagdag ni Pancho Lardizabal ng Batangas.
GOVERNOR CARRION
Sa kaniyang mensahe sa ikalawang araw ng asembliya idiniin naman ni Gov. Bong Carrion ng Marinduque na ang pagiging puso ng Pilipinas ng kanyang lalawigan ay hindi haka-haka lamang. Aniya, ang Marinduque ang geographical center ng Pilipinas at ang National Mapping, Resource & Information Authority (NAMRIA), ay magtatayo na ng isang eco-park sa mismong Luzon Datum of 1911 site sa may Sitio Argao, Balanacan.
Sinabi rin ni Carrion na siya ring tumatayong chairman ng Committee on Tourism sa Regional Development Council ng Mimaropa, na ang pagdalaw ng mga bisita sa Marinduque ay maihahambing sa isang baying sumasalamin sa tunay at sinaunang mga Tagalog, “welcome to ancient Tagalog country!”, aniya.
Sa kanyang pahayag sinabi naman ni Roberto Cereno ng Botanic Gardens, Parks and Ecotourism Division sa Los Banos, na nababagay sa Marinduque ang konsepto ng Green Tourism. Aniya ideal setting ang isla ng Marinduque para sa uri ng turismong ito na malawak na ang narating sa popularidad sa Europa. Magkakasama rito, aniya ang agri-tourism, eco-tourism, cultural tourism at adventure sports. Higit ang pagkiling ng green tourism sa pangangalaga sa kalikasan, na siyang dapat nagunguna lalo na sa mga maliliit na islang-lalawigan.
4 comments:
Hi Admin,
Any updates regarding the re opening of Masiga airport?What happened to cawit port?I still remember PGMA's SONA last 2007 stating the expansion of cawit port!!!
Thanks for the update. Looking forward for the report. I will inform MI, Inc as soon as the report is available. Again, we will try to link it to MI, Inc website. Keep up with the good work of communicating what is going on in Marinduque to all Marinduquenos all over the world.
Greetings to All: I just want readers of this blog to know that for the last six months, I have been promoting our beloved province as a worldwide tourist destination not only on Easter week, but whole year round via my blogs. For details please visit my blog site;
http://marinduqueawaitsyou.blogspot.com
Any suggestion for improvement will be appreciated.
hi ther
Post a Comment