Saturday, May 9, 2009

'KABAYAN' VISITS MARINDUQUE

For the second time in six months Vice-President of the Philippines, Noli de Castro visited Marinduque for consultations and dialogue with local leaders headed by Gov. Jose Antonio N. Carrion together with the Marinduque Provincial Development Council. As Cabinet Officer for Regional Development (COD) for the MIMAROPA Region, de Castro wanted to find out if national government efforts to weather the storm brought about by the current global economic and financial crisis are felt in the local level.

De Castro gave an update of provincial government requests made through his office durng his November 2008 visit and made fresh commitments, foremost of which is the concreting of farm-to-market roads to the tune of P. 8-million in prioritized areas in the municpality of Buenavista. Following is this blogsite's media release on the said visit held last May 6th at the Marinduque State College, Boac Campus:


MARINDUQUE PROJECTS PINONDOHAN NI NOLI
Dumating ang pangalawang pangulo ng Pilipinas, Noli de Castro sa Marinduque noong Martes, Mayo 6, para sa isang pulungan tungkol sa lalawigan kasama ang mga lokal na pinuno at mga kawani ng Marinduque Provincial Development Council. Isinagawa ang pagpupulong sa Audio Visual Room ng Marinduque State College na dinaluhan din ng ilang representante mula sa ibat-ibang line agencies sa Maynila at pang-rehiyong mga tanggapan. Sinalubong si ‘Kabayan’ ni Gov. Jose Antonio N. Carrion mula sa Marinduque Airport patungo sa pagdarausan ng pulong.

P8-M PARA SA BUENAVISTA
Agad na ibinalita ng bise-presidente na base sa kanyang pakikipag-usap kay Carrion ay nagpasya siya na maglaan kaagad ng 8-milyong piso mula sa tanggapan ng bise-presidente para maisagawa na sa lalong madaling panahon ang farm-to market roads sa bayan ng Buenavista, isang balitang masayang tinanggap ni Mayor Ofelia Madrigal na dumalo rin sa pulong.

PAUNANG P10-M PARA SA OSPITAL
Inihayag din ni ‘Kabayan’ na ang isa sa mga hininging tulong ni Carrion noong huling bumisita siya sa lalawigan tulad ng ilang taon nang nabinbing pagpapatapos sa Diagnostic Building ng provincial hospital ay natugunan na rin. Kamakailan ay naglaan ang tanggapan ng pangulo aniya ng 10-milyong piso para sa nasabing pangangailangan. Prayoridad rin ang kahilingan ng lalawigan na pondohan ang tuluyang rehabilitasyon ng ospital at ang pagpapatayo ng microbiology building na naghihintay na lamang ng panibagong pondo.

AIRPORT AT CAWIT PORT
Ang patuloy na pagsasagawa ng asphalt overlay sa mga may sirang bahagi ng Marinduque Airport na inaprubahan na ng DOTC ay mangangailangan na lamang ng lagda ng pangulo para agad na maisagawa, at ito ay kanyang tututukan pagbalik sa Maynila, aniya.

Nakikipag-ugnayan din ang kanyang tanggapan sa Philippine Ports Authority upang matugunan pa ang mga pangangailangan ng Cawit Port matapos itong maisaayos sa ilalim ng programa ng pangulo. Matatandaang sa programa ng pangulo ay lumitaw na ang Cawit Port ang pinakamahalagang karugtong ng lalawigan sa konsepto ng Strong Republic Nautical Highway (Western Seaboard), at bahagi ng Luzon Urban Beltway project.

Ang mungkahi aniya ng lalawigan na magpagawa ng breakwater structure sa Cawit upang ito ay maging isang all-weather port ay hindi kaagad matutugunan dahil sa mas malaking halagang kinakailangan para ito maisakatuparan. Inihayag naman ni Carrion na may commitment na ang isang foreign government base sa pakikipag-ugnayan ng kaniyang tanggapan para ito tuluyang mangyari.

Iminungkahi din ni De Castro ang pagsusumite sa kanyang tanggapan ng ilan pang kahilingan mula sa ilan pa na mga bayang naghahangad na maisama sa ports development program ng national government ang kanilang mga daungan. Si De Castro ang tumatayong Cabinet Officer for Regional Development (CORD) para sa MIMAROPA Region.

PANDAIGDIGANG KRISIS
Tinalakay ni De Castro ang epekto ng kasalukuyang krisis pang-ekonomiya na bumabalot sa mga bansa sa Europa kasama na ang Estados Unidos at Japan na nagdulot aniya ng pagkawalan ng milyon-milyong hanapbuhay, gayundin ang mga bansa sa Asya. Ang Pilipinas sa kasalukuyan, aniya, ay malakas ang ginagawang pakikipaglaban upang hindi gaanong maramdaman sa bansa ang pandaigdigang krisis. Sa katunayan, aniya,ang Pilipinas ay nagtala ng 4.6% growth rate na mas mataas kaysa naitala ng South Korea (3.4%), Thailand (3.5%) at Singapore (3.7%).

Kung ang Estados Unidos aniya ay nawalan ng 3.6-milyong trabaho at ang China ay nawalan ng 20-milyong trabaho ang Pilipinas ay nakapagtala ng 530,000 na mga karagdagang trabaho. Nakatulong ng malaki, ani De Castro ang OFW remittances noong 2008 na umabot sa 16.43-bilyong dolyar, pinakamataas sa kasaysayan.

PGMA PROJECTS AT GLORIA SCHOLARSHIPS
Ipinaalam din ni De Castro na ilan sa mga ipinapatupad na PGMA projects sa Marinduque ay ang Integrated Services for Livelihood Advancement of Fisherfolk (ISLA) sa bayan ng Sta. Cruz para sa isang mariculture project para sa 70 mangingisda (P 345,000), Tulong Pangkabuhayan para sa Ating Disadvantaged Workers (TUPAD) sa 120 katao (P 309,000), isang Comprehensive Product Development Program for OTOP na ipinapatupad ng DTI (P 350,000), Integrated SME Development Program, pagtatalaga ng P 21.9-million para sa mga school buildings. Para naman aniya sa mga proyektong ipinapatupad ng Department of Agriculture para sa MIMAROPA region kasama na ang Marinduque ay ipinapatupad ang mga programa para sa organic fertilizer production at GMA fisheries projects.

Sa usaping pangturismo ay patuloy aniya ang isinasagawang Tourism Promotion and Marketing, Tourism Development Service at Tourism Classification Services na isinasagawa ng Department of Tourism.
Ibinunyag din ni De Castro na patuloy ang pagpapatupad ng TESDA ng Gloria Scholarships program sa Marinduque kung saan libo-libo na ang nabiyayaang beneficiaries na may edad 15 hanggang 24 taong gulang, ang pinakamalaking bahagi ng populasyon na walang hanapbuhay. Pakay ng TESDA na umabot sa 566,000 scholars sa buong bansa ang madaragdag sa scholarship program na nabanggit.

4 comments:

Dann Largo said...

sir. goog afternoon poh,, eh,, may sasabihin po ako, ksi po, yung moriones po ntin, ay ginaya ng mga taga MINDORO,, eh npka sama ng loob nmin, mga kababayan marinduque,,. eh.. ginaya nla eh...

eli j obligacion said...

meron nga po sa pola, oriental mindoro at nitong mga nakaraang taon ay may claim pa ngani mula sa isang bayan sa southern quezon na sila ang nauna diumano. kaya nga po dapat ay patuloy ang pag-aaral at pananaliksik ng mga taga-marinduque sa usaping ito at kung ano ang mga posibleng mangyari kapag walang gagawing pagkilos ng tama.
ang prov tourism office naman at mga lgu's ay may mga kaalaman sa ganitong pangyayari, kayat mapapansin na ibat-ibang galaw ang ginagawa para mapanatili ang interes ng balana sa moriones ng marinduque. pansinin ang mga bago at pinalakas na activities sa moriones 2009.

Dann Largo said...

sir! please, mawawala tayo ng festival,, eh,, dahil dun nakilala tayo sa buong bansa, eh gaya gaya naman yun taga mindoro lalo na sa pinamalayan at pola! gaya gaya sila!! dapat lalong palakasin, pagandahin, at mas exciting ang MORIONES FESTIVAL sa marinduque para wala sila masabe eh... lham nyo po minura ako ng taga mindoro, sbi daw sa kanila daw nagsimula ang morion,, eh... parang minura rin tayo!

lalong sumikat ang morion sa marinduque dahil dinadagan ito ng GIANT MORION sa bayan ng gasan,

dapat wag pabayaiin yang, pang gagaya sa atin!! dapat mas exciting, maspinaganda, masmakulay ang mga morion natin, para tawagin tayo ng THE CAPITAL OF MORIONES FESTIVAL IN THE PHILIPPINES, yun! para lumakas ang tourism sa lalawigan ntin! thats all thank you! po!

Dann Largo said...

Naniniwala po kmi na malulutas yan, ang pang gagaya sa atin, may tiwala po kmi sa inyo! Sir GOV.
dapat aksyonan yang mga taga oriental mindoro, na wag gumaya sa atin ng festival!
sa atin lang yan MORIONES FESTIVAL..... ang original ay sa..... marinduque lamang!! not mindoro! may tiwala po kmi sa inyo po! cge po Sir GOV. mahal nmin kayo!