Monday, June 13, 2011

Independence Day quotes



"Ang kalayaan ay hindi bastang iniaabot sa isang bayang api; ito ay ipinaglalaban. Pinatunayan natin ito noong martial law—nilabanan natin ang diktadurya, hindi sa marahas na paraan, kundi sa mapayapa at nagkakaisang adhika para sa bansa.

"Ang kalayaan, kung nakamtan, ay dudulas sa ating mga kamay kung hindi tayo mananatiling matatag at mapagmatyag—dahil hindi nauubos ang mga gustong manlamang ng kapwa; ang mga gustong paikutin ang sistema para sa pansariling interes; ang mga gustong bumalik sa lumang kalakaran para magpatuloy ang paniniil sa taumbayan."


- Bahagi ng Independence Day talumpati ni Pres. Benigno A. Aquino III sa Rizal Park, Manila.











"Magiging higit ang daloy ng pag-unlad kung sama-sama ang ating paninindigang makapagsimula sa tama; talikuran ang negatibong aspeto ng mga kalakarang naghahati-hati sa atin:

"Sa sambayanang hati-hati, kadiliman ang naghahari
subalit, may liwanag ang Kalayaan sa Paninindigan ng Bayan."


- Bahagi ng Independence Day talumpati ni Cong. Lord Allan Jay Q. Velasco, sa Rizal Park, Boac, Marinduque






The new Casa Real in Boac, sparking the Boakeno inspiration to bring back the town to its old glory.