Tuesday, February 12, 2013

Congressional bet hinarang sa COMELEC



Congressional bet hinarang sa Comelec
Repost from ABANTE, Feb. 7, 2013

Hiniling sa Comelec na kanselahin ang certificate of candidacy (CO) ng isang congressional candidate sa Marinduque dahil sa citizenship nito.

Sa dokumentong isinampa sa Comelec ni Joseph S.B. Tan, botante sa bayan  ng Torrijos, sinabi nito na American citizen umano ang kadidatong si Regina Ongsiako Reyes.

Ayon kay Tan, ang kandidatura ni Reyes ay paglabag sa Section 6, Article VI ng Konstitusyon at Section 74 ng Omnibus Election Code (OEC).

Dapat umanong kanselahin ang COC ni Reyes dahil nakakuha ito ng US citizenship noong 2005 at naisyuhan ng US passport No. 306278853, kung saan inaamin nito na siya ay citizen ng Amerika.

“Based on the certification issued by Acting Chief Simeon L. Sanchez of the Verification and Certification unit  of the Bureau of Immigration (BI) dated January 22, 2013, the records of the bureau reveal that Reyes first used her US passport on October 14, 2005 when she left the Philippines and she used said passport several times up to June 30, 2012 when she left the country fro the US,” ani Tan.

Hindi rin naman umano nag-apply ng dual citizenship si Reyes.

Kinuwestyon din ni Tan ang ‘single’ entry sa civil status ni Reyes dahil kasal umano ito, gayundin ang birth date ng huli kung saan idineklara nito ‘under oath’ na ipinanganak siya noong June 3, 1964, ngunit sa public records ay July 3, 1959.