Monday, May 6, 2013

FBI, U.S. Dept of Homeland Security nakatimbre na sa kaso ni Gina O. Reyes

Makikita si Gina O. Reyes kasama si ex-Mayor Wilfredo Red (nakapula).
“In these dangerous times where terrorists and other criminals are operating across international borders, we must be vigilant in protecting our borders against these illegal elements”. ( “Sa mapanganib na panahon ngayon kung saan ang mga terorista at iba pang mga criminal ay nagsasagawa ng kanilang operasyon sa ibat-ibang panig ng mundo, kailangang maging mapagbantay upang pangalagaan ang ating mga teritoryo laban sa mga elementong illegal na ito.”)

 Ito ang naging basehan sa iniulat sa blogger na ito na pagsangkot sa FBI at U.S. Department of Homeland Security upang imbestigahan ang kaso ni Regina O. Reyes, isang U.S. citizen. Ang kaso ni Reyes, kilala rin bilang Gina O. Reyes,  Regina Ongsiako Reyes, Regina Victoria Ongsiako Reyes o Regina Victoria Hyacinth Ongsiako Reyes ay nakarating na sa dalawang ahensyang nabanggit sa Amerika. Ito’y bunsod ng mga balitang nalathala sa mga pangunahing pahayagan at naiulat sa telebisyon hinggil sa pagkansela ng Comelec First Division ng kandidatura ni Reyes noong Marso 27, 2012. Bunsod rin ito ng opisyal na komunikasyon na ipinadala sa mga nabanggit na ahensya. Kasama sa mga ahensyang nabanggit ang tanggapan ni Secy. Janet Napolitano ng U.S. Dept. of Homeland Security.

Si Reyes ay tumatakbong kandidato bilang Kinatawan ng  Marinduque sa Kongreso. Ayon sa ulat, si Reyes ay gumamit ng iba-ibang petsa ng kapanganakan sa kanyang mga birth certificate at sa kanyang U.S. passport; kinansela ng Comelec ang kanyang Certificate of Candidacy (COC) dahil sa pagiging U.S. citizen; residente siya ng Marian Heights 5101 Crenshaw Blvd., Los Angeles, California at miyembro ng California State Bar na may membership No. 176791.

Napag-alaman din ayon sa ulat na matapos beripikahin sa Philippine National Statistics Office na parehong Filipino citizen ang kanyang amat-ina, si Reyes ay ipinanganak noong July 3, 1958, taliwas sa kanyang sinumiteng birh certificate sa Comelec na may petsa ng kapanganakan na July 3, 1964.







Ayon pa sa ulat, mula sa beripikadong tala ng Philippine Bureau of Immigration ay lumitaw na gamit ni Reyes ang kanyang U.S. passport No. 306278853 at paulit-ulit niya itong gamit sa pagpunta at pag-alis sa Pilipinas. Sa hiwalay na certification ng BID ay lumitaw na halinhinan ding gamit ni Reyes ang Philippine Passport na No. EB2003107. Ang petsa ng kanyang kapanganakan sa U.S. passport ay July 3, 1959, samantalang sa Philippine Passport ay July 3, 1964.

Isinaad pa rin sa ulat na dahil ginamit ni Reyes bilang ebidensya sa Comelec ang isang pekeng Birth Certificate ay may isinampa nang kaso laban sa kanya na kasalukuyang nakabinbin sa Office of the City Prosecutor of Manila.

Matapos lumabas ang nasabing desisyon ng Comelec ay binanggit din na nagsampa ng motion for reconsideration si Reyes. Ayon sa report, sinabi ni Reyes sa kanyang motion na hindi siya diumano naging American citizen sa pamamagitan ng naturalization bagamat parehong Filipino ang kanyang mga magulang. Wala rin namang awtomatikong U.S. citizenship na ibinibgay kapag nakasal ang isang banyaga sa isang U.S. citizen. Inihayag din ni Reyes ayon sa report na hindi rin daw siya kinakailangang dumaan sa alituntunin ng RA 9225 Dual Citizenship Act. Salungat naman ito sa mga ipinahatid na at sinasaad ng kanyang mga tagapanalita sa ibang forum.

Ang labag sa batas na pagkuha at pag-gamit ng ibat-ibang pasaporte ang tinututukan ngayon para maisagawa ng mga ahensya ng U.S. ang nararapat, lalo na sa kasong ito na ang sangkot sa usapin ay kumakandidato pa para maging mambabatas.