Thursday, March 20, 2014

Alaala kay Ka Percy, Mayor Percy Morales ng Bayan ng Sta. Cruz


ang sta.cruz ay iniwan na ng pinakamagaling na naging AMA ng bayan...isang tao na halos isakripisyo na ang sariling pamilya maibigay lamang ang kahulugan ng tunay na paglilingkod at pagmamahal sa bayan..si MAYOR PERCY,o si KA PERCY sa mas nakararami..ilang panahon din ang kanyang ginugol upang mapaunlad ang bayang ito.. sa mga kritiko, walang pinagbago pero kung sadyang dilat ang ating mga mata ay makikita at mararamdaman natin ang napakalaking pagbabagong naganap sa isang bayan na dati-rati ay 4th class municipality...si ka percy,na kahit wala sa panunungkulan ay laging bukas palad sa KAHIT KANINONG nangangailangan,kapanalig man o hindi sa politika.. KA PERCY,sa iyo pong paglisan,baunin po ninyo ang pagmamahal ng iyong nakararaming itinuring mong mga anak...sa kanyang mga naulila,hindi lamang po kayo ang nakararanas ng matinding kalungkutan sa mga oras na ito...kami man po ay nawalan ng isang KAIBIGAN,KARAMAY AT AMA...paalam po mahal naming ka percy, mayor percy...


Matinding lungkot po ang naramdaman ko sa balita na pagpanaw ng aking mahal na ninong, kaibigan, tagapayo at taga-suporta sa lahat ng aking mga mithiin, ang Mayor ng Bayan ng Sta. Cruz, Percival "Percy" Morales. Ipinaparating ko po sa kanyang mahal na pamilya at mga kamag-anak ang taos-puso kong pakikiramay, kasama na ng aking buong pamilya. Nakikiisa rin po ako sa dalamhati ng kanyang hindi mabilang na mga kaibigan at ng buong Bayan ng Sta. Cruz na kanyang pinaglingkuran ng tapat sa loob ng mahabang panahon.

Ang kanyang hindi matawarang paninilbihan at masidhing pag-asa sa kanyang bayan at probinsya, ang paninindigan niya sa kanyang mga prinsipyo, ang kanyang magandang loob at pagiging mapagbiyaya sa kapwa ay hindi po natin makakalimutan.

Mananatili po siya sa ating alaaala at sa ating mga puso.

Mahal po namin kayo Mayor!!!!



ISANG TAOS PUSONG PAKIKIRAMAY SA PAMILYA NI KUYA PERCY MORALES SA KANYANG PAGLISAN. HALIGI SA PAGUNLAD NG BAYAN NG STA.CRUZ AT NANUNGKULAN NG MAHIGIT 20 TAON BILANG PUNONG BAYAN. ISANG MAHUSAY NA LIDER, MABAIT, MATULUNGIN, MASIPAG, MAPAGMAHAL AT MAPAGPATAWAD.

KUYA PERCY MARAMING SALAMAT SA INYONG PAGPUPUNYAGI HINDI LAMANG SA PAGPAUNLAD NG BAYAN NATIN KUNDI PATI SA PAGSISIKAP NA MAGBAGO AT UMASENSO ANG PROBINSYA NATIN. SALAMAT SA PAGMULAT SA AKIN SA LARANGAN NG LINGKOD BAYAN KUNG SAAN MAS NAUUNA PA ANG KAPAKANAN NG BAYAN BAGO SARILI AT PAMILYA.

PATULOY PO NINYO KAMING GABAYAN UPANG MAIPAGPATULOY ANG ATING MITHIIN PARA SA KAPAKANAN NG KAPWA AT SA KAUNLARAN NG BAYAN...

BAUNIN PO NINYO ANG AMING TAIMTIM NA PANALANGIN AT NAWAY KAPILING KA NA NGAYON NG ATING PUONG MAYKAPAL.
MAHAL KA NAMING LAHAT...

Ka Percy on the Makulapnit Dams:
Mayor Percival Morales of Sta. Cruz informed the joint session that he and the local officials of his town are "supporting the present move in order to emphasize that they are not after any economic gains from any mining operation but after the safety and security of their kababayans from other towns" especially because the unstable structures are within their jurisdiction. He called on everyone to support the move to press for the immediate conduct of any remediation works on the mining structures.
The two Makulapnit Dams have a combined volume of 34 million cubic meters of water and mine tailings. These materials, in case of any accident, will find their way into the Makulapnit and Boac Rivers which only have an estimated holding capacity of 11 million cubic meters. The 1996 Disaster involved only about 4 million cubic meters of contaminated water and mine wastes. MAC (2006)
Ka Percy signing the
"NO TO MINING IN MARINDUQUE" Declaration
 In 2012, during the high level Multistakeholders' Conference on Mining, Mayor Percival Morales signed on behalf of the Municipality of Sta. Cruz not to allow any more mining activities there. His reason: the municipality attained its First Class Status even without mining!