Friday, March 28, 2014

Mga kasong ipinapabasura muna ng Barrick Gold sa Pilipinas bukod pa sa di katanggap-tanggap na mga kundisyon

Bukod pa sa mga hindi katanggap-tanggap na mga kundisyon sa Statement of Stipulated Facts (SSF)na nakadikit sa proposed settlement sa pagitan ng Provincial Government of Marinduque at Barrick Gold Corp. ay may nailantad pa ring iba pang mga dokumento nitong mga huling araw. Ito ay patungkol naman sa mga kasong naisampa na sa Pilipinas laban sa Placer Dome/Barrick Gold, kasama na rin ang mga usaping may kinalaman sa DENR. 

May mga kundisyon ang kumpanya na dapat anila na iurong ang lahat ng mga kasong ito. Iginigiit ng Barrick Gold ang pagsusumite sa nasabing kumpanya ng mga patunay na ibinasura na nga ang mga kasong ito sa loob ng anim (6) na buwan matapos ang pagsumite sa kanila ng nilagdaang SSF.


Mogpog River, Boac River, Tapian Pit at Makulapnit Dam - ilan lamang sa mga pinsala ng pagmimina sa Marinduque. Image: Google earth 

Ito ang mga kasong tinutukoy ng Barrick Gold, at mga dokumentong responsibilidad ng pamahalaang panlalawigan na iprisinta sa kumpanya:

2.3.1 With respect to the Perilla Action:
(1) a Verified Release Waiver and Quitclaim in the form of Appendix D from each named plaintiff in the Perilla Action; 
(2) proof that a Verified Motion to Dismiss with Prejudice of the Perilla Action in the form set forth in Appendix E has been duly filed with the court before which the Perilla Action is pending; and
(3) an order of the court dismissing the Perilla Action with prejudice pursuant to said motion.

“2.3.2 With respect to the Kalikasan Action: 
(1) a Verified Release Waiver and Quitclaim in the form of Appendix F from each named petitioner in the Kalikasan Action; 
(2) copies of the SSF in the form of Appendix G executed by each named petitioner in the Kalikasan Action; (3) Proof that an Intervenors’ Notice of Withdrawal in the form of Appendix H has been filed with the Supreme Court of the Republic of the Philippines by each of Barangay Labo and San Antonio and has been approved by the Court; 
(4) proof that a Verified Motion to Dismiss with Prejudice the Kalikasan Action in the form of Appendix I, with copy of the SSF as executed by each named petitioner attached, has been filed with the Court; and 
(5) an order by the Supreme Court of the Republic of the Philippines granting said motion with prejudice.

“2.3.3 With respect to the Nevada, Perilla and Kalikasan Actions 
(1) a Sangguniang Panlalawigan Resolution in the form of Appendix J; 
(2) a Sangguniang Bayan Resolution in the form of Appendix K, executed by the Municipalities of Sta. Cruz, Boac and Mogpog;

“2.3.4 With respect to the DENR Matters: a release in the form of Appendix M from the DENR.”

Ipinaalam ng Sangguniang Bayan ng Boac sa Sangguniang Panlalawigan ng Marinduque sa pamamagitan ng Resolution No. 2014-028 ang kanilang pagtutol sa mga kundisyong ito at tahasang sinabi na: 


This Body, cannot by conscience, allow these abusive conditions of simply releasing Barrick of its liabilities and accountabilities and waiving all rights to the people’s, government’s and the province’s claims for all Barrick’s accountabilities and liabilities as cited in various cases, considering the magnitude of impacts and devastation the province had sustained in the series of environmental disasters due to the mining operations.
We believe that in so far as the settlement processes is concerned, we can only allow the Nevada case filed by the Province to be sacrificed, stayed and/or dismissed in favour of any amount of settlement agreement BUT IN NO WAY AND FOR REASONS RELATED TO THE CURRENT STATE AND CONDITIONS OF THE SETTLEMENT NEGOTIATIONS SHALL THE SANGGUIANG BAYAN OF BOAC ALLOW AND CONSENT TO quitclaim, release, discharge and waive any claims, causes of actions, demands, and/or actions of whatever nature, including claims not known or anticipated and that will arise in the future especially those that will be discovered in relation to health safety and general welfare concerns within the areas of Calancan Bay, Mogpog and Boac Rivers specifically in connection with the Perilla Action (2.3.1), Kalikasan Action (2.3.2), the actions and release documents stipulated in 2.3.3 except those for the Nevada Action, and, the DENR Matters (2.3.4).

Makabubuting tanungin kung ano kaya ang magaganap kapag hindi natugunan at naisumite ng pamahalaang panlalawigan ang isa, dalawa, tatlo o higit pa sa mga dokumentong nabanggit sa loob ng nakatakdang panahon na nakasaad sa kontrata. Bukod pa sa katiyakan na hindi mababayaran ni isang kusing ang pamahalaang panlalawigan kapag hindi nito naisumite ang mga dokumentong ito, ay hindi kaya maaaring mangyari na ito pa ang sampahan ng demanda ng kumpanya dahil sa paglabag sa kasunduan?

Tiniyak na ng Pamahalaang Bayan ng Boac na "NO WAY" nitong papayagan o pahihintulutan ang mga hinihinging "quitclaim, release, discharge and waive any claims, causes of actions, demands, and/or actions of whatever nature, including claims not known or anticipated and that will arise in the future especially those that will be discovered in relation to health safety and general welfare concerns within the areas of Calancan Bay, Mogpog and Boac Rivers..." 

Bakit kaya tila sadyang pinapahaba pa rin ang usapan sa kabila ng hayagang deklarasyon ng pagtutol sa settlement ng mga bokal ng pamahalaang panlalawigan sa katatapos lamang na protest rally noong Marso 24, 2014, gayundin ang pagtutol ng pamahalaang bayan ng Boac, Gasan at Buenavista, ng MaCEC, sampu ng lahat ng mga barangay ng Boac? 

Maasahan kaya naman natin na makiaalam na ang Department of Justice sa usaping ito para higit na masuri ang implikasyon ng mga termino at kundisyon at iba pang mga bagay?

Nakasaad din sa Resolution No. 2013-028 ng SB Boac ang ganito:
We believe that it is essential that longer time should be considered in studying every detail of the terms and conditions of the settlement agreement, proper consultation with all stakeholders is conducted and expert advise from local agencies be pursued including but not limited to the Department of Justice, in order to come up with a firm grasp of the implications of the terms and conditions of the said proposed settlement agreement and to come up with a more realistic amount of settlement money that are commensurate to the original prayers (a-h) mentioned in page 20 hereof.
Rally sa Boac, Marso 24, 2014