Tuesday, March 25, 2014

Post from Board Member Adeline 'Lyn' Angeles on the Marinduque Nevada Case




 TANONG & SAGOT (Q&A) TUNGKOL SA MARINDUQUE NEVADA CASE (PART 1)
Q: Ano ang Nevada Case?
S: Ito ay ang kasong isinampa sa United States noong 2005 ng Prov'l Gov't of Marinduque (PGM) vs. Placer Dome Inc. (PDI) at Barrick Gold Corp para sa mga naging epekto sa kalikasan, kalusugan at buhay ng mga Marinduqueno bunga ng maraming taong operasyon ng Marcopper Mining Corp sa lalawigan.
Q: Bakit Placer Dome (PDI) & Barrick Gold ang dinemanda?
A: Sapagkat ang PDI na isang Canadian transnational company ay dating may-ari ng Marcopper na nabili naman ng Barrick Gold na isa ring Canadian Corp.
Q: Bakit sa US isinampa ang kaso gayong ang inirereklamo ay Canadian Companies at sa Pilipinas naman naganap ang inirereklamong operasyon at epekto ng pagmimina?
A: Naniniwala kase ang PGM noon na mas makakakuha ng balanse/favorable decision sa US courts kesa sa korte ng Canada lalo na at Canadian company ang nirereklamo. Kung sa korte naman sa Pilipinas, inisip na baka mahirapan din sapagkat wala na sa Pilipinas ang Placer Dome hindi kagaya sa Nevada, USA kung saan naroon ang malaking mining operation ng Barrick.
Q: Sino ang abogado/firm na kinuha ng Prov'l Gov't para sa kaso on "contingency arrangement"?
A: Diamond McCarthy Law Firm at Special Outside Counsel Walter J. Skipp Scott. Dahil "contingency arrangement", wala munang binabayaran ang probinsya sa abogado.
Q: Paano napasok ang isyu ng Settlement?
A: Ayon sa dokumento/report ng External Counsel na inindorso ng Gob. Carmencita Reyes sa Sangg. Panlalawigan dated Sept. 30, 2013, lumalabas na ang lalawigan through Atty. Scott ay nagsimulang pumasok sa isang proseso ng International Mediation/mediated settlement discussions mahigit 2 taon na ang nakakaraan para sa posibleng out of court settlement ng kaso.
Q: Ano ang resulta ng nasabing mediation process?
A: Isang Proposed Settlement Agreement o mungkahing kasunduan sa pagitan ng Provincial Government at ng Barrick Gold Corp. Ito ay inindorso ng Gobernadora sa Sangg. Panlalawigan upang i-accept in principle subject to incorporation of certain changes, sa kanyang communication to the SP dated Sept 30, 2013.
BM Lyn Angeles with some plaintiffs in cases filed in the Philippines against the mining companies.
Q: Ano ang naging initial action ng Sangg. Panlalawigan tungkol dito?
Noong Oktubre 2013, ipinasa ng Sangg. Panlalawigan ang SP Resolution 111 s. 2013 entitled " Resolution Expressing the Interest and Willingness of the Province of Marinduque to Re-Negotiate the Terms and Conditions of the Proposed Settlement Agreement with Barrick Gold Corp in Connection with the Case No. A511078 Filed in the Disttict Court of Nrvada, USA".
Q: Ano naman ang tinatawag na Amended Proposed Settlement Agreement?
A: Ito ay ang amended version ng proposed agreement na inindorso ng Tanggapan ng Gobernador sa Sangg. Panlalawigan noong Nobyembre 2013 (1 month after the SP Res. 111 s 2013 was adopted) na naglalaman ng ilang amended provisions.
Boac residents with delegations from the other five municipalities
of Mogpog, Gasan, Buenavista, Torrijos and Sta. Cruz during the commemoration of the 18h anniversary of the Marcopper mining tragedy, March 24, 2014
 Sa simpleng salita, ano ang 2 panig/ pananaw (broad insights) tungkol dito base sa resulta ng ilang pulong/consultation?
1) Ayaw ang Proposed Settlement Agreement
Reason: naniniwalang hindi katanggap-tanggap ang mga terms & conditions (unacceptable, very disadvantageous to the prov, LGUs & mamamayang Marinduquenos sa kasalukuyan & sa hinaharap; hindi rin katanggap-tanggap ang form at settlement structure na hindi paborable sa lalawigan.
(Note: nangunguna ang Pamahalaang Bayan at mga barangay ng Boac, MACEC at ilang CSOs sa pagpapahayag ng kahalintulad na posisyon. Sumuporta din sa posisyong ito ang Pamahalaang Bayan ng Gasan at Buenavista. Ang detalyadong pagpapaliwanag tugkol dito sa PART 2 ng Q&A na ito)
2) Gusto ang Settlement Offer.
Reason: naniniwalang sa kabila daw ng mga conditiones at limitasyon ng proposed settlement offer ay dapat pa ring tanggapin ang offer sapagkat sayang din daw ang $20M na bagamat di pwedeng gamitin sa environmental rehab ay pwedeng gamitin sa mga development projects.
Note: ganito ang posisyon ng dating myembro ng Labor Union ng Marcopper lead by Mr. Boyet Molbog. More discussion on these sa Part 2 ng Q&A
Q: Ano ang status ngayon ng amended Proposed Agreement?
A: Ito ay naka-refer sa SP Committee of the Whole na binubuo ng lahat ng myembro ng Sanggunian.
A: May 2 proposed Resolution din ngayon sa SP na naka-refer din sa Committee of the Whole. Ito ay:
1) Proposed Resolution Accepting the $20M Settlement Offer of Barrick Gold Corp. Subject to the Revision, Amendment, and/or Refinement of the Terms & Conditions of the Settlement Agreement which the Province will Provide in the Form of Counter Proposal.
2) Proposed Resolution Manifesting Interest of the Provl Govt of Marinduque to Continously Engage the Mediation Process but Laying Down the Non-Negotiable Conditions/Positions of the Province.
(Ang 2nd proposed resolution pong ito ay ako, BM Lyn Angeles ang may akda)
NOTE: PARA PO SA MAS DETALYADONG PAGPAPALIWANAG NG HULING DALAWANG TANONG AT SAGOT, SUNDAN PO ANG PART 2 NG Q&A NA ITO.
SANA PO'Y MAKATULONG ITO PARA SA MEANINGFUL AND SUBSTANTIAL STAKEHOLDERS' DISCUSSION AT MAG-RESULTA NG ISANG INFORMED DECISION-MAKING ON THE ISSUE.
Miserere Nobis!
Prepared by:
BOKAL LYN ANGELES
Chair, SP Committee on Human Rights
BM Lyn Angeles, MaCEC's Beth Manggol with some stakeholders
during yesterday's Boac River mine spill commemoration