Monday, April 21, 2014

Renewed energy after Lenten season to face Marinduque challenges - Konsehal Myke Magalang

Marinduque flagellants. Photo: Myke Magalang

ABRIL 20, 2014. MALIGAYANG PASKO NG PAGKABUHAY PO SA INYONG LAHAT. 

Mula sa mga sakit, dugo, at kamatayan na nilukuban ng kadiliman itinawid tayo sa bagong pag-asa ng Liwanag at mga bagong hamon ng muling pagsasabuhay ng katatagan. Nawa, ang mga biyayang ipinangako ng mga Mahal na Araw at ng Muling Pagkabuhay ay magsilbing panibagong lakas upang muli nating harapin ang malalaking pagsubok ng Lipunang Boakenyo at Marindukenyo at huwag limuting patuloy tayong nasa maselang yugto ng paghahanap ng dalisay na solusyon sa kinakaharap nating kaso laban sa Barrick Gold Corporation at Placer Dome Incorporated. 

Balikan natin ang reyalidad ng buhay at hamunin natin ang mga pinuno ng pamahalaan na buong pagkakaisang pakinggan ang tinig ng mamamayan at huwag maging bingi sa mga sigaw ng bayan.