Tuesday, May 27, 2014

Nevada case 'unacceptable' deal. Pakatandaan po ang kanilang mga pahayag. Bokal Nepomuceno sa videos na ito.


"Ngayon po’y aking tatalakayin po, ang malaking usapin po ng Barrick na pinopropose po sa Sangguniang Panlalawigan... ay yaan po ay nakasalalay ngayon sa balikat ng lahat po ng mga Bokales ng ating lalawigan.

"Ngayon po’y tahasan kong sasabihin sa inyo, na hindi na po natin kailangang antayin kung ano ang kapasiyahan ng Sangguniang Panlalawigan sapagkat noong October 2 ay gumawa po ng resolusyon ang Sangguniang Panlalawigan na hindi po tinatanggap ang proposal ng Barrick Gold. ‘Yan po’y nayan po sa Resolution po na ginawa ng Sangguniang Panlalawigan.

"Bakit po ganito ang mga kondisyones na pilit isaksak sa lalamunan ng mga Marinduqueno. Napag-alaman po namin kung bakit. Sapagkat ang Barrick Gold po ay ayaw matuloy po ang pagkakasundo. Sila ay napapasok sa isang mediation, pero nang lumabas ang desisyon ng Korte Suprema sa Amerika na ang isang pangyayari na hindi nangyari sa Amerika – na ang nagdedemanda ay hindi isang Amerikano, at ang dinidimanda mo ay isang Canadian… ay sinabi ng Korte Suprema na wala kaming jurisdiction diyan. Dun kayo magdemanda sa Canada.. doon kayo magdemanda sa Pilipinas, bakit kayo dadayo dito sa Amerika ay wala kaming kinalaman diyan…


"…at may nagsabi po sa ating abogado sa Amerika, unti-unti nilang nilalagay sa mga kundisyones na talagang yan po’y idinisenyo para hindi tanggapin ng mamamayan ng Marinduque at ang gusto nila ay matuloy na ang kaso hanggang Korte Suprema sapagkat sila ay may hinahawakan ngayon na desisyon na nagsasabing hindi na makikialam ang mga Korte sa Amerika pag hindi ang pangyayari ay sa kanilang lupain nangyari. ‘Yan po ang hinahawakan nila ngayon.

"Kaya alam po ng Barrick, hindi tatanggapin yan, at ang atin pong mga lokal na opisyal, ang atin pong mga Bokales, ang atin pong Gobernador, nang unang nabasa ito ay hindi po niya malaman na siya ay natatawa. Niloloko po tayo dito sa kasunduang pinipilit ilagay sa ating mga lalamunan.

"Ang atin pong abogado noon, nang magsimula ang kaso 2005, nang nakita po naming napakatagal na ang atin pong mga kawawang mga mamamayang nabiktima ay wala pa ring natatanggap na katarungan hanggang ngayon, ang iba po’y namatay na na nag-aantay na bigyan ng hustisya…"

"Huwag na po nating gambalain ang ating mga isip ngayon kung ito’y tatanggapin ng Pamahalaang Panlalawigan. Hindi po! Muli po naming inuulit sa inyo October 2 pa lamang, nagsampa ng Resolusyon ang Sangguniang Panlalawigan, isinusuka po itong mga ibinibigay sa atin..."



 "Natatandaan ko po si Governor Carmencita Reyes kaharap po namin si Attorney Harry Roque, kami’y nag-uusap. Nagpapaliwanag sa amin si Attorney Harry Roque kung ano po ang bentahe kung tatanggapin ito at ano ang hinaharap nito kung itutuloy ito sa Korte Suprema sa Amerika.

"Ang sabi po ng ating mahal na Gobernador kay Attorney Harry Roque: “Attorney, napakaganda ng iyong paliwanag, napakaganda. Pero, kaming mga namumuno sa ating pamahalaang panlalawigan, anong mukha ang ihaharap namin sa ating taongbayan? Paano namin sasabihin na kayo’y hindi nagmina rito ng tatlumpung taon dito sa lalawigan ng Marinduque? Paano namin sasabihin na ang pagkamatay ng ilog sa Mogpog ay hindi po gawa yan ng Marcopper at ang sasabihin po ninyo ang pagbaha ay yan po ay gawa sa bagyong ‘Monang’? Paano namin haharapin at ipapaliwanag sa tao na ang mga kasong sinampa rito ay dapat balewalain na? Paano namin sasabihin na ang 27 kilometro ng ilog ng Boac ay hindi namatay at yan ay kagagawan ng force majeure o yan ay kagagawan ng kalikasan?”

"Kaya po ang masasabi namin sa inyo, bilang miyembro po, bilang po pangulo ng samahan ng mga barangay captain ng 61 barangays dito sa ating bayan ng Boac, kami po’y kasamang tumututol. At nang ibinigay po ang (SB) Resolusyon sa amin, ito po’y in-author ni Konsehal Myke Magalang, na tinututulan po ito, pinirmahan po natin yan at ako po mismo ang nagbigay sa sesyon ng Sangguniang Panlalawigan nung nakaraan pong Miyerkules (March 20, 2014). At yan po ay aming pakikisama at aming pagsasang-ayon sa lahat po ng nilalaman po nito. Maraming salamat po, Konsehal Myke sa inyo pong ginawang resolusyon…"



“… ito po’y sinasabi ko sa inyo sapagkat marami po tayong hindi nalalaman at nauunawaan dito po sa mga istorya sa likod ng kaso na ito. Kaya po ito'y pinaliliwanag namin sa inyo. Kawawa ang Sangguniang Panlalawigan sapagkat tila po nabubuo sa isip ng ating mga kababayan na wala pong ginagawa ang Sangguniang Panlalawigan. 

"October 2 po tinutulan na yan ng Sangguniang Panlalawigan at ang ating mahal na Gobernador sinabi niyang tutol din po siya diyan. Ako po’y naririto ngayon bagamat wala siya, ako po ang magsasabi sa inyo tumututol po ang Sangguniang Panlalawigan, ang Pamahalaang Panlalawigan, ang atin pong mahal na Gobernador ay hindi po makakapayag na lolokohin po ang taongbayan ng Marinduque."

(NOTE: Repeatedly mentioned in these public statements made by some provincial board members during the March 24, 2014, protest rally held in Boac, Marinduque is a "Resolution dated October 2, 2013".

It should be noted by all concerned that, for all intents and purposes, the said Resolution referred to, Resolution No. 111 s. 2013 dated October 2, 2013 is entitled "RESOLUTION EXPRESSING THE INTEREST AND WILLINGNESS OF THE PROVINCE OF MARINDUQUE TO RENEGOTIATE THE TERMS AND CONDITIONS ON THE PROPOSED SETTLEMENT AGREEMENT WITH BARRICK GOLD IN CONNECTION WITH THE CASE NO. A511078 FILED IN THE DISTRICT COURT OF NEVADA U.S.A."

Expressing the interest and willingness of the province to re-negotiate the terms and conditions on the proposed settlement, that's what it is, not one STRONGLY OBJECTING TO THE TERMS AND CONDITIONS, not a resolution REJECTING THE PROPOSED DEAL as officials concerned are conveying to their constituents.

To date, no resolution/decision has been passed/adopted by the Sangguniang Panlalawigan in support of the public outcry, both locally, nationally and internationally - contrary to statements made by some provincial government officials as shown in the videos here and here.)