Saturday, October 31, 2015

Former Marinduque Vice-Gov Tonton Uy's 4 reasons why the P300M loan should be rejected

MERON PA PONG SURPLUS NA PONDO ANG PROBINSYA NA 106 MILYON AT NAPAKARAMI PONG PONDO SA NATIONAL PARA SA ROADS AT HINDI NA KAILANGANG UMUTANG PA. SA KATUNAYAN, SA PHIL. RURAL DEVT. PROGRAM (PRDP) na Isang dahilan po natin noon para huwag ng umutang AY MANG YAYARI NA PO MANDIN, 600 MILYON PARA SA KALSADA PO ANG MADATING SA MARINDUQUE SIMULA NEXT YEAR HANGGANG 2019, KAYA BAKIT KAILANGAN PANG UMUTANG PARA SA KALSADA? DAHIL KAYA MATAGAL PA ANG 2019 AY ELEKSYON NA NEXT YEAR?
- DOC TONTON UY, Former Vice-Governor

Former Marinduque Vice-Governor Antonio L. Uy, Jr.

PARA PO SA KAALAMAN NG LAHAT...

ITO PO AY ISANG MALAYANG PAGPAPAHAYAG NG INYONG LINGKOD NA NATUTOL SA AGAWING PAGPAPATIBAY NG MGA BOKAL BUKAS SA TATLONG DAANG MILYONG (300M) INA UTANG NG MARINDUQUE SA DEVT BANK OF THE PHILS.

HINDI KO PO MAPIGILAN NA HINDI MAG SALITA LABAN SA PAG UTANG NG ITO DAHIL MINSAN NA PO KITANG HUMADLANG SA PLANONG PAG UTANG NG 500M NOONG NAKARAANG ADMINISTRASYON NG BISE GOBERNADOR PO TAYO. AT NGAYON AY INAPILIT NA NAMAN PO NILANG ITULOY KAHIT ITOY HINDI MAKABUBUTI SA PANGKAHALATANG MARINDUQUENOS.
DI PO AKO PUMAYAG DATI NOONG 2012 AT LALONG DI PO AKO MAPAYAG NGAYON SA PAG UTANG NA ITO DAHIL PO;

UNA, HINDI PO AKO NANINIWALA NA ANG PAGPASEMENTO NG BARANGAY ROADS (FARM TO MARKET ROADS) ANG SYANG PANGUNAHING PROBLEMA NATIN DITO AT UTANG PA ANG APAG PAGAWA NITO. NAPAKARAMING MAS HIGIT NA PROBLEMA NA PEDENG PAGKAGAMITAN NITONG 300M KATULAD NG PUNUIN NA NG SAPAT NA GAMIT AT EQUIPMENTS ANG HOSPITALS, PAGSAAYOS NG TUBIG AT KURYENTE. HINDI PO MASAMA UMUTANG PERO SA TAMANG APAGKA GAMITAN.

(PLANO PARA SA 300M :
250 MILYON PARA SA BARANGAY ROADS AT
50 MILYON PARA SA EDMUNDO REYES SPORTS COMPLEX AT DRS DORM)

SA KATUNAYAN NOONG NAKARAANG LINGGO, 2 MAHIHIRAP NATIN NA KABABAYAN(Taga Maranlig at Taga Kaganhao) ANG INILIPAT KO SA LUCENA/MAYNILA AT HINDI KO PO MAOPERAHAN DAHIL SIRA PO ANG ANESTHESIA MACHINE. TUMANGAP DAW PO SILA SA PAMILYA NG 3,500 BAYAD NOONG HULING ELEKSYON KASO ABONADO PA PO DAHIL SA PAGLIPAT AY AMBULANSYA PA LAMANG AY 6,500 ANG MAGAGASTOS NILA. WALA PA PONG 1/2 MILYON ANG ANESTHESIA MACHINE BAKIT UUNAHIN PA NILA ANG KALSADA KAYSA BUHAY NG KABABAYAN NATIN??? MAPAYAG BAGA KITA NA NAPOPOLBOS NA ANG KALSADA AY NAGABAYAD PA KITA SA UTANG NA ITO?

PANGALAWA, MERON PA PONG SURPLUS NA PONDO ANG PROBINSYA NA
106 MILYON AT NAPAKARAMI PONG PONDO SA NATIONAL PARA SA ROADS AT HINDI NA KAILANGANG UMUTANG PA.
SA KATUNAYAN, SA PHIL. RURAL DEVT. PROGRAM (PRDP) na Isang dahilan po natin noon para huwag ng umutang AY MANG YAYARI NA PO MANDIN, 600 MILYON PARA SA KALSADA PO ANG MADATING SA MARINDUQUE SIMULA NEXT YEAR HANGGANG 2019, KAYA BAKIT KAILANGAN PANG UMUTANG PARA SA KALSADA? DAHIL KAYA MATAGAL PA ANG 2019 AY ELEKSYON NA NEXT YEAR? ðŸ˜¥




PANGATLO, BILANG DATING BISE GOBERNADOR, NAGING MALIWANAG PO SATIN NA PAG MAUTANG ANG LGU, ITOY PARA SA PROGRAMANG MERON MAN LAMANG MABALIK SA PUHUNAN. KATULAD NG PATUBIG, ELEKTRISIDAD, PALENGKE, KATAYAN, OSPITAL AT IBA PANG PROGRAMANG PEDENG KUMITA ANG MUNISIPYO O PROBINSYA. HINDI PO DAPAT KITA UMUTANG PARA SA KALSADA AT MABABAON LAMANG KITA SA UTANG. SIRA NA PO KALSADA NAGA BAYAD PA PO KITA NA DAPAT BULAK, ALCOHOL, PLASTER, IBA PANG SUPPLIES AT GAMIT SA HOSPITAL MUNA SANA UNAHIN. AT ITO PO AY MAKA MALINAW NA HINDI MAKAKA IGI SA ATING LAHAT ANG PAG UTANG NA ITO.

PANG APAT, HINDI PO KITA DAPAT SUMANG AYON DITO DAHIL SA ITOY MALING PANAHON NG PAG UTANG.
7 BUWAN NA LAMANG PO AY ELEKSYON NA. ANG PAG UTANG PO AY INAGAWA SA UNANG ISANG TAON PAG KAUPO PARA HINDI INAMADALI ANG PAG TRABAHO AT MAAYOS NAMAN ANG AKALABASAN. HALATA NAMAN PO ANG TIMING SA PAG UTANG NA ITO. KAYO NA PO ANG MAG HUSGA.

KAYAT INAHINGI KO PO ANG INYONG KAUNTING ORAS NA MAGPAHAYAG NG DAMDAMIN TUNGKOL DITO SA PAG UTANG NA ITO. MALAYA PO TAYONG MAG POST SA IBABA NG PAG TUTOL SA LOAN NA ITO PARA IPA ALAM NATIN SA MGA BOKAL NA MASANG AYON DITO. ATIN PO SILANG TANDAAN SA DARATING NA MAYO KUNG SILA NGANI AY NAGA TANGGOL NG ATING KAPAKANAN O NG SARILING INTERES O NG ILANG TAO LAMANG.
KAYA ATIN PONG SAGUTIN, KALSADA BAGA ANG UNAHIN O ANG BUHAY NATIN.
SALAMAT PO.