Saturday, December 19, 2015

Grabeng mga anomalya na naman sa kapitolyo ng Marinduque ang naganap sa 2014 ayon sa COA

Marinduque: Total Disallowances na umabot na sa P 100-M, hindi dokumentadong mga transaksyon na umabot na sa P 47-M, Non-existent Gasoline and Oil Inventory na P 4-M, Uncollected Loans Receivables na P 4-M, Uncollected Marcopper Tax on Siltation and Decant System na P 19-M,  at lumobo na ang 20% Development Fund sa P 142,578,663.34 (2014) na hindi ginagamit para sa kapakanan ng bayan - COA

COA Official Website. Ang Audit Report ay makikita dito.

Ayon sa COA 2014 Annual Audit Report tungkol sa Province of Marinduque may pagkakaiba o hindi magkatugmang mga balanse sa Property, Plant and Equipment sa libro kung ihahambing sa Report on the Physical Count of Property, Plant and Equipment dahil sa kapabayaan ng Provincial Accounting Office at Provincial General Services Office na paghambingin ang kanilang mga tala nang naaayon sa Section 114 ng Manual on New Government Accounting System. Kadudaduda, ayon sa COA, ang nakatalang balance sa PPE account na P 325,921,032.74.


Kasama ang mga sumusunod sa obserbasyon at rekomendasyon sa audit ng Provincial Government sa CY 2014:

1. Accounts payable na nagkakahalaga ng P 47,786,171.30 ay HINDI DOKUMENTADO kaya't kaduda-duda ang katotohanan ng mga transaksyon o kung ang mga ito ay naganap nga.

Dagdag pa rito, P 19,356,437.02 ng total PAYABLES na matagal ng OUTSTANDING sa libro, mula dalawa hanggang sampung taon o higit pa, ay hindi naman ibinalik sa unappropriated surplus.

2. Mga Loans Receivables na ang halaga ay P 3,701,931.39 ay nanatiling uncollected pagtapos ng taon at nadagdagan pa ng P 633,209.35 o 21% dahil sa hindi pagiging istrikto ng Provincial Treasurer na kolektahin ang amortization mula sa grantees at kakulangan ng monitoring ng report mula sa Provincial Agriculturist.

3. Gasoline, Oil and Lubrication Inventory na nagkakahalaga ng P 3,955,404.51 o 16.88% ng total inventory account ay non-existing, kayat kaduda-duda at hindi kapanipaniwala ang account balance na inilahad sa financial statements. 

4. Repair and maintenance expenditures sa mga sasakyan na may halagang P 2,695,177.26 at P 2,950,463.93 para sa CY 2013 at CY 2014, ay masasabing napakamalabis na gastusin.

5. Interest Expense na nagkakahalaga ng P 2,011,2467.29 ay isinama sa loans payable account na may kinalaman sa undelivered equipment ng Aztec Construction Equipment and Services, Inc. na may total na P 52,823,880.98 kahit pa mayroon ng naipasang Writ of Preliminary Injunction sa Land Bank of the Philippines, kayat sinobrahan (overstated) ang interest expense at interest payable accounts ng may ganun ding halaga.

6. Ang Head of Operation ng Motor Pool at kanyang mga empleyado ay nagpasya na ang grader na nagkakahalaga ng P 2,828,000.00 ay naging depektibo sa panahong covered pa ito ng warranty subalit hindi ito naireport, at walang pagkilos na isinagawang pakikipag-ugnayan sa warranty security, kayat hindi naprotektahan ang interest ng pamahalaan o taxpayers.

     
7. Ang suma-total ng hindi nagagamit na balanse mula sa 20% Development Fund ay lumobo na sa P 142,578,663.34 kung ikukumpara sa unutilized balance noong CY 2013 na nagkakahalaga ng P 105,933,256.93.

Sa usaping ito ay inulit ng COA ang kanilang rekomendasyon noong nakaraang taon pa:

a) Na dapat ang 20% Development Fund ay ginagamit ng lubos para sa mga priority programs/projects at mga aktibidad, para sa kapakinabangan ng mga pinaglilingkuran o nang LGU mismo, na naaayon sa mga probisyon ng DILG-DBM Joint Memorandum Circular No. 2011-1 dated April 13, 2011, at

b) Dapat isakatuparan kaagad ang mga programa at proyekto na may kinalaman sa unutilized balance na P 142,578,663.34 na naaayon sa Annual Investment Plan. Ang Provincial Development Council ay dapat i-review ang mga proyektong hindi ipinapatupad at simulang amendahan o i-realign ang mga proyekto sa mga bagay na higit na kailangan ng mga nasasakupan na aaprubahan ng Executive Committee at inaprubahan naman ng Sangguniang Panlalawigan.


8. Sa likod ng pabor na desisyon ng Korte Suprema sa ilalim ng G.R. No. 170532 dated April 30, 2009, ay hindi pa rin kinokolekta ng lalawigan ang Real Property Tax (RPT) Delinquency totalling P 18,925,974.04 ng MARCOPPER MINING CORPORATION (MMC) sa Siltation and Decant System at sa lupa na kinatitirikan ng estruktura.

Ang mga nasa itaas, kasama na ang iba pang obserbasyon at mga rekomendasyon ng COA ay nakadetalye sa Part II ng Report.  


Unsettled Disallowances

Mula sa total audit disallowances na P 16,865,500.19 na nasa Notices of Finality of Decision, ang halagang P 751,581.25 o 4.46% pa lamang ang naayos sa taong ito, at ito ay paglabag sa Item 5.4 ng COA Circular No. 2009-006 dated September 15, 2009.

Gayundin, ang total disallowances na inaapela ay umabot na sa P 99,348,731.51 as of December 31, 2014.