Saturday, January 9, 2016

Marinduque: Kalamidad bilang "biyaya/hulog ng langit", maanomalya nga lamang (karugtong)

Bagyo pa more

Karugtong ng kahapon.


'Malversation of public funds'. Illustration by Rappler

29. Seventy percent (70%) ng LDRRMF - Mitigation Fund ay ginamit para sa pagbili ng 1,300 cell phones na nagkakahalaga ng P. 909,675.00 para sa mga Barangay Health Workers (BHW) na katulong ng mga medical workers sa pagpapatupad at monitoring ng mga regular na health programs sa mga barangay.

Ang paggamit ng LDRRMF (Local Disaster Risk Reduction Management Fund), para sa mga bagay na taliwas sa mga layunin para dito ay irregular at illegal expenditures. Dagdag dito, ang kontrata o PO na iginawad na hindi naaayon sa batas ay itinuturing na void ab initio (imbalido mula sa simula). Section 336 ng RA No. 7160 ay nagsasaad:

Ang mga pondo ay magagamit lamang para sa mga tanging pakay kung saan ang mga pondong ito ay iniukol. 

Sino mang opisyal pampubliko na, dahil sa kanyang tungkulin, ay may pananagutan sa pondo ng bayan o pag-aari, ay gamitin ito, o o gamitin sa maling paraan, o pumayag, o dahil sa kapabayaan, ay payagan ang sino mang tao na kunin ang pondo ng bayan o pag-aari, buo man o bahagi nito, ay matuturing na guilty of the misappropriation o malversation ng nasabing pondo o pag-aari. (Sec. 217 ng Revised Penal Code).

(29. Seventy percent (70%) of LDRRMF – Mitigation Fund was utilized for the purchase of 1,300 cell phones totaling P. 909,675.00 for Barangay Health Workers (BHW) who are assisting medical workers in the implementation and monitoring of regular health programs in the barangays.

The utilization of LDRRMF (Local Disaster Risk Reduction Management Fund), for purposes other than it was appropriated constitutes irregular and illegal expenditures. In addition, the contract or PO awarded not strictly in accordance with law is considered as void ab initio. Section 336 of RA No. 7160 provides that:

Funds shall be available exclusively for the specific purpose for which they have been appropriated.

Any public officer who, by reason of the duties of his office, is accountable for public funds or property, shall appropriate the same, or shall take or misappropriate or shall consent, or through abandonment or negligence, shall permit any other person to take or misappropriate or shall consent, or through abandonment or negligence, shall permit any other person to take such public funds or property, wholly/partially, or shall otherwise be guilty of the misappropriation or malversation of such funds or property (Sec. 217 of Revised Penal Code).



30. Inventory Report sa 372 food pack na may halagang P. 130,920.00 na natanggap mula sa Department Social Welfare Development, Nation Office para sa mga biktima ng Typhoon "Ruby" - Hagupit ay hindi isinumite sa Accounting Department at sa Provincial General Services Office ng Provincial Social Welfare Development at ng Deputized DRRMO kaya, ang ahensya ay walang mapagkakatiwalaang record ng pagtanggap at pamamahagi ng relief goods sa mga biktima ng bagyo.

(30. Inventory Report on 372 food packs with total cost of P 130,920.00 received from Department Social Welfare Development, National office for the victims of Typhoon “Ruby” – Hagupit was not submitted to Accounting Department and the Provincial General Services Offices by the Provincial Social Welfare Development and the Deputized DRRMO thus, agency has no available reliable record of receipt and issuance of relief goods to typhoon victims.)

31. Ang Deputized Disaster Risk Reduction and Management Officer ay nabigong magsumite ng monthly Report of Sources and Utilizaton ng LDRRMF, sa LDRRMC at LCD, tungo sa COA kaya, ang pagkukuwenta ng mga ginastos mula sa pondo ay hindi ginawa ng buwanan habang ang paggamit naman ng LDRRMF ay hindi ipinaalam sa publiko ng LDRRMC.

(31. The Deputized Disaster Risk Reduction and Management Officer failed to submit monthly Report of Sources and Utilization of LDRRMF, through the LDRRMC and LCD, to COA thus, evaluation of charges against the fund was not made on a monthly basis while the utilization of LDRRMF was not disclosed publicly by LDRRMC.)

32. Ang Sanggunian Panlalawigan ay nabigong tapusin/iangat ang declaration of State of Calamity dahil sa kawalan ng rekomendasyon mula sa LDRRMC at DDRRMO.

(32. The Sanggunian Panlalawigan failed to terminate/lift the declaration of State of Calamity due to absence of recommendation from the LDRRMC and DDRRMO.)

33. Tanging ang halagang P. 751,581.25 o 4.46% mula sa total audit disallowances na P. 16,865,500.19 na sakop ng Notices of Finality of Decision ang binayaran sa taon (ng audit). Gayundin, ang total disallowances na inaapela pa as of December 31, 2014, ay nagkakahalaga ng P. 99,348,731.51.


(33. Only the amount of P. 751,581.25 or 4.46% out of the total audit disallowances of P. 16,865,500.19 covered by Notices of Finality of Decision was settled during the year. Likewise, the total disallowances still under appeal as of December 31, 2014, amounted to P. 99,348,731.51.)

Itutuloy/To be continued