Wednesday, March 23, 2016

Ika-20 Anibersaryo ng Ligwak-Mina: Istasyon sa pagwasak ng kalikasan at kinagisnan ng kulturang Marinduque

DULAANG BAYAN: 
(Kontribusyon* ng isang mambabasa sa diwa ng Semana Santa sa Marinduque)


Aerial view ng Boac River, Marso 24, 1996

ISTASYON SA PAGWASAK NG KALIKASAN AT KINAGISNAN NG KULTURANG MARINDUQUE
(mula sa mga nagmamalasakit na mamamayan ng Marinduque)

Sinasamba Ka namin at pinasasalamatan Panginoong Hesukristo sapagkat sa pamamagitan ng iyong Mahal na Krus at Muling Pagkabuhay, iniligtas mo ang sandaigdigan.

Tanda ng Krus.

O Hesus, tulungan mo kaming alalahanin ang mga misteryo nang hinagpis at trahedya ng mina. Pagkalooban mo kami ng biyaya na kasuklaman ang kasalanan nang mga gumawa nito, at gugulin ang aming buhay para sa katarungan ng biktima noon at magpakailanpaman. Sa gayon, kami ay nakikibahagi sa paghihirap at pagpapakasakit ng aming bayan, lalo’t higit ay hindi papayag sa kabulastugan nilang nais ipagbili ang aming bayan!

O Hesus, hanggang sa kasalukuyan ay pinagpipilitan pa rin nilang mga ganid sa salapi at kapangyarihan ang kanilang kalapastanganan, at walang tigil sa kapapangako ng walang pakundangan sa kanilang mga kampon, upang ang mga pilak ng pagkanulo ay kanilang pagpiyestahan at ilugmok nang tuluyan sa hirap at dusa ang aming bayan!

(Sinimulan sa ibaba ang unang istasyon. Sa mga makakabasa nito, bukas ang mga pahina upang inyong punan ang ikalawa hanggang ika-14 na istasyon. Hinihimok, lalo na ang mga may kagyat na karanasan sa mina ng Marcopper, na makiisa sa Panata na ito ngayong Semana Santa 2016.)


Unang Istasyon - Ang Huling Hapunan / Ang Pagkakanulo

Sino silang mga Judas ng bayan? Sino silang “take it” at take it pa rin hanggang ngayon ang sagot sa tanong nang dyablong Placer-Dome-Barrick Gold? Mulang 1975 pikit-bulag po nilang sinirit ang lason sa mababaw na look ng Calancan, kainaman silang nagtampisaw sa tanso habang sa paparating na mga taon, lulunurin nila ang ating kabihasnan! Nagbulagbulagan pa rin ng malason ang dalawang mahahalagang ilog ng Mogpog at Boac, at dahil dito ay mga isipan at kaluluwa naman ng sambayan ang pilit nilalason!



O Hesus, tulungan mo kaming alalahanin ang mga misteryo nang hinagpis at trahedya ng mina. Pagkalooban mo kami ng biyaya na kasuklaman ang kasalanan nang mga gumawa nito, at gugulin ang aming buhay para sa katarungan ng biktima noon at magpakailanpaman. Sa gayon, kami ay nakikibahagi sa paghihirap at pagpapakasakit ng aming bayan, lalo’t higit ay hindi papayag sa kabulastugan nilang nais ipagbili ang aming bayan!

O Hesus, hanggang sa kasalukuyan ay pinagpipilitan pa rin nilang mga ganid sa salapi at kapangyarihan ang kanilang kalapastanganan, at walang tigil sa kapapangako ng walang pakundangan sa kanilang mga kampon, upang ang mga pilak ng pagkanulo ay kanilang pagpiyestahan at ilugmok nang tuluyan sa hirap at dusa ang aming bayan!

Ikalawang Istasyon. 
Ang Pagdurusa ni Hesus sa Halamanan


Ika-3 Istasyon – 
Si Hesus sa Harapan ng Sanedrin


Ika-4 na Istasyon – 

Ang Paghampas at Pagpuputong ng Koronang Tinik



Ika-5 Istasyon – 

Tinanggap ni Hesus ang Kanyang Krus



Ika-6 na Istasyon – 

Si Hesus ay Nadapa sa Bigat ng Krus



Ika-7 Istasyon – 

Tinulungan ni Simon si Hesus sa Pagpasan ng Krus



Ika-8 Istasyon – 

Nasalubong ni Hesus ang Kababaihan ng Jerusalem



Ika-9 na Istasyon – 

Si Hesus ay Ipinako sa Krus



Ika-10 Istasyon – 

Ang Nagtitikang Magnanakaw



Ika-11 Istasyon – 

Sina Maria at Juan sa Paanan ng Krus



Ika-12 Istasyon – 

Si Hesus ay Namatay sa Krus



Ika-13 Istasyon – 
Si Hesus ay Inilibing


Ika-14 na Istasyon – 

Ang Muling Pagkabuhay ni Hesus



*Idinagdag ang mga imahe 2, 3, 4, 5, 7, 8, 9, 10, 15 na kuha sa mga pagtatanghal ng "Ang Kristo: Pasyondula" sa Buenavista, Marinduque, ang iba pang mga imahe ay mula sa Internet.