Thursday, May 19, 2016

Mensahe ni Gasan Mayor Vicky Lao-Lim tungkol sa nakaraang eleksyon

"SAPAGKAT HINDI PO TAYO NAGWAGI SA HANGARING MAKAPAGSERBISYO BILANG GOBERNADOR NG LALAWIGAN, TAOS PUSO AKONG NAGPAPASALAMAT SA 34,800 VOTERS NA NAGREGALO NG KANILANG MAHALAGANG BOTO SA AKIN AT SA BAYAN. MARAMING SALAMAT PO, KAYO AY TUNAY NA NAGMAMAHAL SA BAYAN AT NAGMAMALASAKIT NA ISULONG ANG PAGBABAGO AT MAGANDANG KINABUKASAN NG NAPAKARAMING NAGHIHIRAP NA KABABAYAN.

"MASAYANG TINANGGAP KO ANG PAGKATALO AT TAAS NOONG MAIPAGMALAKING NANINDIGAN TAYO HANGGANG SA HULING ORAS NG ELECTION WALA TAYONG BINILI NI ISANG BOTO.
"...SADYANG HINDI PA HANDA ANG KARAMIHANG BOTANTE SA TUNAY NA PAGBABAGO. KUNG KAILAN SILA MAGIGISING AT MAGING HANDA, DI NATIN MATITIYAK, PANGINOONG DIOS LANG ANG NAKAKAALAM."



TO ALL MY FACEBOOK FRIENDS,

MARAMING SALAMAT PO SA LAHAT NG PAGBATI NUNG MOTHERS DAY AT PATI PO SA LAHAT NG SUPORTA AT MALAKING TIWALA SA AKING GINAWANG SERBISYONG MATAPAT AT SAKRIPISYO UPANG ANG GASAN AY MAGKAROON NG MALAKING PAGBABAGO. AKO AY LABIS NA NAGPAPASALAMAT SA LAHAT NG MGA KABABAYAN NATIN NA TUMULONG UPANG MAGTAGUMPAY TAYO SA ATING PANGARAP NA MAPAUNLAD ANG GASAN.

AT SA MGA WALANG NAITULONG PWEDE PO BA TANGGAPIN AT IPAGMALAKI ANG MAGANDANG PAGBABAGO SA ATING BAYAN NA HINAHANGAAN SA BUONG MARINDUQUE?

WAG PO NATIN SIRAIN ANG ATING BAYAN, NG DAHIL LANG SA PULITIKA. MAGTATAPOS NA ANG SERBISYO KO BILANG MAYOR SA JUNE 30,2016. AT SA PAGPAPALIT NG PINUNO DALANGIN KO IPAGPATULOY ANG MGA IIWANAN KONG PROYEKTO NG MAHUSAY AT MAGING HIGIT NA MAUNLAD ANG BAYAN AT MAMAMAYAN NG GASAN.

SAPAGKAT HINDI PO TAYO NAGWAGI SA HANGARING MAKAPAGSERBISYO BILANG GOBERNADOR NG LALAWIGAN, TAOS PUSO AKONG NAGPAPASALAMAT SA 34,800 VOTERS NA NAGREGALO NG KANILANG MAHALAGANG BOTO SA AKIN AT SA BAYAN. MARAMING SALAMAT PO, KAYO AY TUNAY NA NAGMAMAHAL SA BAYAN AT NAGMAMALASAKIT NA ISULONG ANG PAGBABAGO AT MAGANDANG KINABUKASAN NG NAPAKARAMING NAGHIHIRAP NA KABABAYAN.

MASAYANG TINANGGAP KO ANG PAGKATALO AT TAAS NOONG MAIPAGMALAKING NANINDIGAN TAYO HANGGANG SA HULING ORAS NG ELECTION WALA TAYONG BINILI NI ISANG BOTO. DI KO KAYANG SIRAIN ANG PANGAKO KAY BISHOP JUNIE AT SA MGA TAONG SIMULAT SIMULA PA NG PAKIKIPAG UGNAYAN SA MGA BARANGAY NG BUONG MARINDUQUE AY SINABI KO NA HINDI AKO MAMIMILI NG BOTO UPANG MAIPAKITA SA BUONG PILIPINAS NA MARARANGAL ANG MGA BOTANTE NG MARINDUQUE.

WALA PO TAYONG MAGAGAWA SINIKAP KONG MARATING LAHAT PATI KASULOK SULUKAN AT KABUNDOK BUNDUKAN NG BUONG MARINDUQUE UPANG MAKILALA AKO AT MAIPALIWANAG ANG LAYUNIN KO BILANG GOBERNADOR...

SADYANG HINDI PA HANDA ANG KARAMIHANG BOTANTE SA TUNAY NA PAGBABAGO. KUNG KAILAN SILA MAGIGISING AT MAGING HANDA, DI NATIN MATITIYAK, PANGINOONG DIOS LANG ANG NAKAKAALAM.....

MULI MARAMING SALAMAT PO AT SANA PATULOY TAYONG GABAYAN NG DIOS AMA SA LANGIT SA PAGTAHAK SA TUNAY NA MATUWID NA LANDAS AT NAAAYON SA KANYANG KALOOBAN.

SUMASAINYO AT NAGMAMAHAL,


MAYOR VICKY LIM