Tuesday, May 3, 2016

Pahatid ni Cong. Lord Allan Velasco tungkol sa pagbisita ni Mayor Rodrigo Duterte sa Marinduque


"MGA MINAMAHAL KONG MARINDUQUEÑO. 

"KAMI PO NG AKING MAYBAHAY NA SI WEN AY LUBOS NA NAGNILAY AT NANIMBANG KUNG SINO KINA MAYOR DUTERTE AT SEN. POE ANG KARAPAT DAPAT NATING DALHIN SA ATING LALAWIGAN. 

"NOONG HULING LINGGO NG MARSO, KAMI PONG MAG ASAWA AY NAG USAP NG MASINSINAN. NA KUNG SINO PO ANG TUNAY NA MAKAKATULONG NA MAIAHON SA KAHIRAPAN ANG ATING LALAWIGAN; NA MAPAAYOS ANG PROBLEMA SA KURYENTE AT PROVINCIAL HOSPITAL; NA MAPATAPOS ANG AIRPORT; MAISARA NA ANG USAPIN SA MARCOPPER KUNG SAAN HINDI MADEDEHADO ANG ATING PROBINSYA; AT LAHAT LAHAT PA PO NG ANUMALIYA NA NANGYAYARI SA ATING LALAWIGAN.


Si Mayor Duterte sa Bataan Grand Rally. Nakamasid si Mrs. Wen Velasco sa kanan.
Nakatakdang bumisita si Duterte sa Marinduque sa Huwebes, Mayo 5, 2016.

"NARAMDAMAN NAMING MAG ASAWA NA TUTUPARIN NI MAYOR ANG PAGBABAGONG KANYANG IPINAPANGAKO. KAYA KAMI PO AY NAG DESISYON NA MAKIPAG USAP SA KANYA NOONG UNANG LINGGO PA NG ABRIL. KAMI PO ANG HUMANGA SA KANYANG PLATAPORMA AT LAYUNIN NA BAGUHIN ANG ATING BANSA. 

"HINDI PO KAMI NAG ANUNSYO KAAGAD SA KADAHILANANG PUNONG PUNO NA PO ANG SCHEDULE NI MAYOR. NGUNIT DAHIL PO SIGURO SA IPINAKITANG PAG SUPORTA AT PAGTULONG NI WEN KAY MAYOR, SA PAGPUNTA PUNTA NI WEN SA DAVAO AT SA PERSONAL NA PAG AASIKASO SA BATAAN GRAND RALLY, AY KINANSELA PO NI MAYOR ANG PAGPUNTA NYA SA TATLONG PROBINSYA UPANG SYA PO AY MAKABISITA SA ATING LALAWIGAN AT PERSONAL NIYANG MAIPARATING SA INYO ANG KANYANG MENSAHE.


Sa Bataan Grand Rally, Abril 28, 2016.
Ang grand rally sa Marinduque ay gaganapin sa Mayo 5, 2016 

"SANA PO AY MAUNAWAAN NINYO ANG AMING NAGING DESISYON. ETO PO AY HINDI PANSARILI NAMIN KUNDI PARA PO SA MINAMAHAL NATING LALAWIGAN.

"MARAMING SALAMAT PO. PAGPALAIN PO TAYO NG PANGINOON."🙏🏻 

- CONGRESSMAN LORD ALLAN Q. VELASCO,
   Lone District of Marinduque


Duterte sa Bataan Grand Rally.
Personal na nag-asikaso sa rally si Mrs. Wen Velasco


Ginanap ang Duterte Rally sa Balanga Athletic Ground, City of Balanga, Bataan