Wednesday, June 22, 2016

Parang tulog nga lamang ba ang Malindig Volcano? Alamin ang mga senyales ng impending eruption

Mt. Malindig view mula sa Buenavista. Kuha ni Yin Es Solis

Ano baga ang ibig sabihin ng mga geologist kapag sinabi nila na ang isang bulkan ay aktibo (active) o parang tulog (dormant)? Ano ang pagkakaiba dahil wala namang sino mang nakatitiyak kung ang isang bulkan ay tapos na ang pagngangalit sa kanyang buhay o kung puputok na naman at kailan.

Ang aktibong bulkan ay itong sa kasalukuya'y nasa regular na estado ng pagputok. Sa Pilipinas, ilan lamang dito ay ang Bulusan, Kanlaon, Taal, at Mayon. Inaaasahan na may malaking pagputok ang magaganap sa mga ito sa hinaharap. Sa kasalukuyan, ayon sa Volcano Discovery mga 40 bulkan (sa Pacific Ring of Fire pa lamang), ang sabay-sabay na pumuputok ngayon, pinakamataas na sa nakasulat na kasaysayan ng mundo.

Sa kabilang dako, ang parang tulog na bulkan naman ay ganun na nga, 'parang tulog'. Pero may kapasidad itong pumutok muli sa hinaharap at natulog lamang ng matagal na panahon, daan o libong taon man.

Ang buhay ng bulkan naman ay tumatagal ng libo-libong taon, o milyong taon pa pero pumuputok paminsan-minsan. Maraming mga bulkan sa ibat-ibang panig ng mundo ang pumutok na sa mga nakaraang libong taon, pero sa nakatalang kasaysayan ay nanatiling tahimik ang mga ito. Kaya't sa loob ng maraming taon, ay nanirahan na sa mga paanan nito ang malalaking populasyon.

Nangangahulugan na ang sinasabing parang tulog o dormant na mga bulkan ay bahagi pa rin ng klasipikasyon bilang aktibong bulkan. Ang diperensya lamang ay hindi ito pumuputok sa kasalukuyan.

View ng Mt. Malindig mula sa Google Earth

Ayon sa USGS ang dormant volcano raw ay alinmang bulkan na hindi nagpapakita ng senyales ng ligalig o unrest, pero maaari itong maging aktibong muli, anya.

Hot spring systems (mas umiinit na ba?)

Maraming mga bulkan naman ang may mga aktibong hydrothermal systems kung saan dumadaloy mula sa ibabaw papunta sa ilalim ang mga ilog na kung saan umiinit naman ito dahil sa mga lumalamig na magma. Kahit pa pala ang bulkan ay may hot springs, o mudpots, o geysers, ang tawag pala rito ay hydrothermal features, at hindi volcanic.

Kumukulong asupre, sulfur, sa paanan ng Malindig sa dakong Buenavista.
Malbog Sulfuric Hot Spring. Photo: Eli J Obligacion

Napakahabang panahon pala ang kailangang lumipas muna para lumamig ang magma na nasa crust ng mundo dahil una, napakainit ng magma kapag ito'y dumadaloy, mahigit sa 700 degrees C at, ikalawa, ang bato (rock) ay mahusay na insulador. Maaaring abutin pala ng milyong taon bago lumamig at tuluyang tumigas ang malaking magma sa ilalim ng lupa at para maging kasing lamig ng temperatura ng mga batong nasa paligid nito.

Ayon naman sa Phivolcs ang mga sumusunod ang senyales ng namumuong pagputok ng bulkan. Mas maiging alamin natin.

Kasama ang Mt. Malindig ng Marinduque sa listahan ng mga
active at potentially active volcanoes ng Pilipinas.

Precursors of an Impending Volcanic Eruption

The following are commonly observed signs that a volcano is about to erupt.  These precursors may vary from volcano to volcano.

1. Increase in the frequency of volcanic quakes with rumbling sounds; occurrence of volcanic tremors

2. Increased steaming activity; change in color of steam emission from white to gray due to entrained ash

3. Crater glow due to presence of magma at or near the crater

4. Ground swells (or inflation), ground tilt and ground fissuring due to magma intrusion

5. Localized landslides, rockfalls and landslides from the summit area not attributable to heavy rains

6. Noticeable increase in the extent of drying up of vegetation around the volcano's upper slopes

7. Increase in the temperature of hot springs, wells (e.g. Bulusan and Canlaon) and crater lake (e.g. Taal) near the volcano

8. Noticeable variation in the chemical content of springs, crater lakes within the vicinity of the volcano

9. Drying up of springs/wells around the volcano

10. Development of new thermal areas and/or reactivation of old ones; appearance of solfataras. (Solfatara, ( Italian: “sulfur place”) a natural volcanic steam vent in which sulfur gases are the dominant constituent along with hot water vapor)




Revelation 6:12-14, 
"And the heaven departed as a scroll when it is rolled together; every mountain and island were moved out of their places.”

Nahum 1:5 
"The mountains quake at him, and the hills melt (lava-producing volcanoes), and the earth is burned at his presence, yea, the world, and all that dwelt therein."


Source: USGS


Susong Dalaga Hill

Susong Dalaga Hill
Susong Dalaga Hill from Bagtasan isthmus

Date and Time

Blog Archive

Total Pageviews

Popular Posts

Categories

Adeline Angeles ADVENTURE SERIES ALAIN MADRIGAL ALLAN VELASCO AMOINGON ARAW NG MARINDUQUE ARCHAEOLOGY Argao Armi Carrion AWARENESS AZIMUTH MARK BAGTINGON Bahaghari Baltazar Island BANTAYOG-WIKA Barrick Gold BATTLE OF MASAGUISI BATTLE OF MORIONS BATTLE OF PAYE BATTLE OF PULANG LUPA Bishop Marcelino Antonio Maralit Jr Bishop Reynaldo Evangelista BOAC BOAC CATHEDRAL BUENAVISTA BULONG BUTTERFLY CAPITOL BUILDING CAPITOL CHOIR Cardinal Ricardo Vidal CARMENCITA REYES CAWIT PORT CBCP CEMETERIO DE TAMPUS CHANGE CINEMALAYA CLIMATE CHANGE COA Report COLONIAL HOUSES CONG. LORD ALLAN VELASCO CORRUPTION CORY AQUINO COVID-19 Curt Shepard Dengvaxia victims DISASTER DONA PAZ DPWH DR. ANTONIO UY DTI EARTHQUAKE ECO-TOURISM EDSA Election 2019 Elections 2010 Elections 2013 Elections 2016 ELI OBLIGACION ENVIRONMENT EVENTS EXTREME MARINDUQUE FEATURED SITES GALLEONS GASAN GASANG-GASANG FESTIVAL GASPAR ISLAND Gawad Marinduqueno GOV. BONG CARRION GOV. PRESBITERO J. VELASCO Guisian HEALTH HERMENEGILDO FLORES HOBIE HOLY WEEK Joseleo Logdat JOSEPH EMIL BIGGEL Joseph Laban JR LABRADOR JR. JUSTICE PRESBY VELASCO KALUTANG LAYLAY LETTER TO GOVERNOR LOCAL ISSUES LONGHINO Lorna-Quinto Velasco LUBANG FAULT LUZON DATUM OF 1911 Mabusay Falls MACEC MAHANGUIN MALINDIG Maniwaya MAO-LI-WU Marcopper MARELCO MARINDUQUE AIRPORT MARINDUQUE AKIN KA MARINDUQUE CENTENNIAL MARINDUQUE CULTURE MARINDUQUE FIRST SATURDAY MOVERS MARINDUQUE HISTORY MARINDUQUE HISTORY CONFERENCE MARINDUQUE INFRA PROJECTS Marinduque Politics MARINDUQUE STATE COLLEGE MARINDUQUE TOURISM MARINDUQUE VIDEO MARTIN LARDIZABAL MATA MAXIMO ABAD MIMAROPA MOGPOG MORIONES 2009 MORIONES 2019 moriones 2020 MORIONES FESTIVAL Moriones Festival '10 Moriones Festival '12 MORIONES FESTIVAL 08 MORIONES FESTIVAL 09 moriones lenten rites 2022 MORYONAN MSC SAMBAYANG SINING LAHI MUTYA NG MARINDUQUE Myke Magalang NCCA NORWEGIAN MISSION ALLIANCE PASTORES PASYONDULA PASSION PLAY Paye PEOPLE PERCIVAL MORALES PH HISTORY PHILIPPINE ARTS FESTIVAL Places PNP Poctoy Beach Pope Francis Pork Barrel POWER OUTAGE Pres. Benigno S. Aquino Pres. Bongbong Marcos PRESIDENT BBM PRESIDENT DUTERTE PRRM PUTONG RAMON MADRIGAL Raymond Go Raymond Kawataki Go ROBERTO MADLA Romulo Bacorro Russel Madrigal SAKAMAR SAN ISIDRO CAVE Sangguniang Panlalawigan Sara Duterte Sawi Sayao Bay SCUBA DIVING SEA TRAVEL SCHEDULES SEAIR Sen. Bong Go SENEN LIVELO Silangan South China Sea SPACE Speaker Lord Allan Velasco STA. CRUZ STATE OF THE PROVINCE ADDRESS STTC ASSEMBLY Susong Dalaga Hill Tagalog Marinduque TARUG CAVE TEATRO BALANGAW TEOFILO N. ROQUE TON MONTEAGUDO TORRIJOS TOTO NEPOMUCENO Treasure Hunt TRES REYES ISLANDS TRIVIA Tumagabok Falls TYPHOON "FRANK" TYPHOON "ONDOY" Typhoon NinaPH Typhoon QUINTA Typhoon TisoyPH Typhoon URDUJA VERDE ISLAND PASSAGE Vicky Lao-Lim VIVA MARINDUQUE 2008 VIVA MARINDUQUE 2009 VIVA MARINDUQUE REPORT WALANG SUGAT WEEKLY MARINDUQUE WEN VELASCO WW2 WW3 YESHUA YOOK

Quick news, photos, videos, culture, tourism, history and all that there is on the island of Marinduque, Philippines. "VIVA MARINDUQUE!" www.marinduquegov.blogspot.com

Marinduque Rising | www.marinduquegov.blogspot.com | (c) 2007. Powered by Blogger.