Friday, November 11, 2016

Occidental Mindoro, wagi sa MIMAROPA 2016 Street-dance competition

Arawatan Festival/Occ. Mindoro ang Champion sa Mimaropa Street-dance Competition.
Pumangalawa ang Calapan City at pumangatlo ang Palawan.

Wagi ang Occidental Mindoro sa isinagawang MIMAROPA Street Dance Competition na idinaos noong Miyerkules, Nobyembre 9, dakong ika-5 ng hapon sa kahabaan ng Rizal Avenue, lungsod ng Puerto Princesa, bilang parte ng selebrasyon para sa MIMAROPA Festival.

Natamo naman ang ikalawang pwesto ng lungsod ng Calapan (Oriental Mindoro) na ipinamalas ang mga maipagmamalaking yaman ng kanilang lugar. 

Pumangatlo naman ang Probisya ng Palawan na ipinakita din ang mga likas na yaman ng lugar sa pamamagitan ng mga floats at mga palamuti.

Kaugnay pa rito, pasasalamat naman sa mga sumuporta ang ipinaabot ng mga kinauukulan ng mga nasabing lugar. Asahan umano ang mga susunod pang mga aktibidad na mas magbibigay saya sa mga nasasakupan ng rehiyon ng MIMAROPA. - PalawanNews


Also read:

MIMAROPA Festival 2016; Marinduque spends P 2.3-million for participation