Para sa kanila, ang sistemang umiiral ay hindi na dapat mabago pa. At ang gamit nga nila, tulad ng nakagawian na sa mahabang panahon, ay ang mga lokal na presstitutes o puta-putang media nga. To live forever on the fat of brainwashed minds.
Image mula sa Mocha Uson Blog |
Ang private media pala na nasa balita ngayon at panay na ang ingay (at sila pa ang nagrereklamo dahil sila ay nababalewala na raw, ha?), ay yung tinatawag natin na 'commercial media'. Tawag naman ng social media sa mga ito ay 'bias-media'. Sa labas ng bansa natin ay binansagan naman ang private media na 'presstitutes'. Pinaghalong press at prostitute. Kaya ang simpleng translation lamang nito ay 'puta-putang media'.
Marami talaga ang bangayan ngayon sa ibat-ibang panig ng mundo sa usapin ng private media. E di lalo na sa Pilipinas na buong kahambugan na isinisigaw na "freest press in Asia". May problema diyan. Ibig sabihin, kahit anong gustong isulat ay pwedeng isulat - totoo man o hindi.
Marami namang bansa ang tumutuligsa sa private/commercial media sa kanilang mga teritoryo dahil ito ang gumagatong, tumatrabaho at sukdulang nag-uudyok pa sa mga makapangyarihang bansang Western (hindi lahat pero US ang nangunguna), na palaganapin at ipagpatuloy ang kanilang sariling agenda; supilin ang ano mang nais na gawin ng mga bansang may sariling kalayaan para sila lamang ang amo.
Hindi lamang sa Pilipinas
Tuloy ngayon, halimbawa ay sa Africa, ang tulak ng ilang mga bansa ay makiisa sa China para labanan ang Western imperialism na isinusulong ng malalaking media outlets. Problema rin ito ngayon sa India, Latin America, gayundin sa mga bansang sakop dati ng Soviet Union.
Walang tigil sa kabobomba ng negatibo at mapanlinlang na mga balita (fake news), ang mga presstitutes na ito laban sa mga gobyernong ibig nilang ikontrol, hawakan sa leeg o palitan. Bomba sa pamamagitan ng mga babasahin, radyo, telebisyon at maging mga pelikulang gawa sa kanila. Isinusulong nila na dapat ay ang kanilang kaisipan at mga pamantayan lamang ang masunod na kung saan sila lamang ang pwedeng magdikta.
Sundin dapat ito ng sa tingin nila ay mahihinang uring mga bansa, o dati nang sunud-sunurang mga bansang napailalim na sa kanilang kapangyarihan at itinuring na silang amo habang panahon.
Para sa kanila, ang sistemang umiiral ay hindi na dapat mabago pa. At ang gamit nga nila, tulad ng nakagawian na sa mahabang panahon, ay ang mga lokal na presstitutes o puta-putang media nga. To live forever on the fat of brainwashed minds.
Kung tutuusin, ang paglabag sa freedom of the press ay nangyayari lamang kung ang gobyerno ay nakikialam sa desisyon ng mga pribadong nagmamay-ari ng media. Hindi naman lingid sa atin na ang mga nagmamay-ari ay iyong mga may matinding koneksiyon sa mga corrupt na pulitiko na sako-sako ang salapi (kung hindi man mga pulitiko na mismo o kanilang angkan ang may-ari).
Konektado rin sila sa mga maimpluwesyang businessmen na handang maglagay (dokumentado pa na kahit labag sa batas, ang iba rito ay foreign investors), at media groups na kumokontrol sa kanila, gayundin ang mga grupo na kinokontrol naman nila.
Dahil dito, pansariling interes lamang talaga ang pangunahing pakay at kailangang protektahan nila ito gamit ang kanilang medium. Kung ano mang mga matatamis na pakay 'daw' ang gusto nilang gawin ay isa lamang itong pantasya. Pinadadama ka lamang paminsan-minsan, sabay bawi.
Sa ganitong gawain, nagagawa nilang hugisin, lokohin, paikut-ikutin, baluktutin at paglaruan ang pag-iisip ng madla, ang public opinion. Walang pinagkaiba sa paggamit ng mga gimik sa mga patalastas para maibenta lamang ang isang produkto, o artista o pulitiko, sukdulang sila ay magsinungaling at harap-harapang manloko. Sa ngalan ng salapi.
Napapapikit na lamang si Pilipino. Pero dati yun. Hindi na ngayon. Mabilis na siyang magising ngayon at mabalik ang ulirat sa realidad at totoong papel ng private media, commercial media, bias media o presstitutes sa Pilipinas.