Stop Duterte-Marcos alliance daw o tapos magbibida tungkol sa Demokrasya? |
Tama lamang na magresign ang ilang mga namumuno sa National Historical Commission of the Philippines (NHCP), na pinangunahan ni Maria Serena Diokno. Mayroon pala silang isinusulong na mga sariling paniniwala na gusto naman nilang isaksak sa isipan ng mga Pilipino. Na si Diokno ay umakyat pa sa entablado ng anti-Marcos rally para isigaw ang kanyang sariling paniniwala kontra paglibing kay Marcos ay pruweba lamang ng pagsulong sa kanyang agendang pulitikal at bias sa kasaysayan.
Ang nagaganap aniya ay pagbabago ng kasaysayan, at ang desisyon niya na magresign ay nangangahulugan ng pagkilos tungo sa "tamang panig ng kasaysayan".
Subalit hindi trabaho ng responsableng historian, lalo na kung ikaw ang pinuno ng NHCP na ipamukha ng harap-harapan sa mga tao ang kaniyang bias, o pagkiling hinggil sa isang kasaysayan at igiit na iyon lamang ang dapat paniwalaan.
Tama ang kanyang nabanggit na ang kasaysayan ay binabase sa primary sources. Pero magkakaroon lamang ng katumpakan ang pananalisik na isinasagawa kung iba't-ibang primary sources ang huhukayin mo at hindi mo pipiliin kung alin lamang ang siyang makakatulong sa pagsulong ng iyong personal na pampulitikal na pakay - na dala rin marahil, sa kasong ito, ng kanyang pinanggalingan bilang anak ng isang yumao nang respetadong politiko. Isang politikong tumuligsa noon sa Hacienda Luisita Massacre at bumitaw sa Cory Aquino government dahil sa naganap na pagpaslang ng militar sa mga magbubukid.
Lahat ng primary sources ay may dalang katotohanan at mayroon ding halong kasinungalingan, dahil ang mga sources ay may kani-kaniya ring bias. Bagamat ang bias ay hindi kapareho ng panlilinlang, may mga bias naman na maaaring humantong sa tahasang panlilinlang. Kayat ang kabuuhan lamang ng mga sangkap na ito ang maaaring masabing katotohanan. Sa huli, ang mapanuring estudyante ng kasaysayan naman ang magbubuo ng kaniyang sariling konklusyon.
Dahil hindi naman eksaktong siyensiya ang kasaysayan. Mas maituturing na pag-aaral ito ng tao tungkol sa mga tao para maunawaan ang nakalipas. Kaya't wala kang dapat palampasin o isantabi na mga datos.
Walang duda na si Marcos ay naging diktador. Hindi rin mapagdududahan na siya ay naging "Tuta ng Kano". Kung ganoon, masasabing siya ay Diktador na Tuta ng Kano. Ang tanong: may isinagawa bang masusing pananaliksik ang NHCP, o itinulak ng DepEd man, bilang mandato nila kung paano naging kakatwang 'diktador na tuta ng Kano' si Marcos para sa edukasyon ng mga Pilipino at para sila maliwanagan?
May masusing pag-aaral ba na isinapubliko sa usaping ito ang NHCP na gawain nila kung sila ay totoo sa kanilang responsibilidad bilang mga historians? Ito ba ay itinuturo sa lahat ng mga pampubliko o pampribadong mga paaralan at unibersidad? O ang mga ito, kung meron man, ay sadyang iniitsipuwera?
Millenials
Kailangan naman nating mag-isip din at suriin kung ano ang kanilang nakatagong pakay, na mababanaag naman, at maririnig pa ng malakas sa mga kaganapang ito.
May mga makabayang grupo naman na kamakailan ay sa harap ng US embassy nagprotesta laban sa iba't-ibang mas malalim na bangungot na idinulot naman ng America sa Pilipinas. |
Ano ba ang tingin ng US at ilang manunulat nila tungkol sa Pilipinas, isama na natin ang ilang Pilipinong mananaliksik?
Una, hindi marahil kayang isulat ng mga historians sa NHCP na ang Pilipinas ay nananatiling isang neo-colony ng Amerika. Ibig sabihin, dahil ito ay nasakop ng America sa loob ng 50 taon at naging malaya kuno bilang isang bansa ay nanatili pa ring kontrolado o hawak sa leeg ng US, sa pamamagitan ng economic pressure, political suppression at cultural dominance. Malaki ang interes pang-ekonomiya ng US sa Pilipinas, dahil pangunahin itong pangangailangan para maging military at intelligence base ang bansa ayon sa datos.
Bisitahin natin ang ilang katunayang pangkasaysayan.
Hango sa United States in the Philippines, ni Larry Chin, sa bahaging 'Manila, Washington and Globalization'
Ayon naman kay Gary Leupp, associate professor ng history at coordinator ng Asian Studies Program sa Tufts University: "Ang Pilipinas ay naging US colony mula 1898 hanggang 1946. Ika-sampu ng populasyon nito ay napawi sa unang ginawang US exercise in counter-insurgency sa Asia. Sinuportahan ng US ang mga serye ng malulupit na rehimen muna noong kalayaan kuno ng Pilipinas, lalo na iyong kay Ferdinand Marcos."
Sa Development Debacle: The World Bank in the Philippines ni Walden Bello ng UP, idinetalye niya kung paano isinagawa ng World Bank, CIA at iba pang US agencies ang pandarambong sa domestic economy ng Pilipinas at kung paanong ang "Asian market crisis" noong huling bahagi ng 1990s ay direktang resulta nito.
Si Ramos naman... ay tao ng Kano
Isang pamamaraan para malaman at maunawaan naman ang bahagi ng mga pangyayari, at tuloy malaman ang katotohanan sa kasaysayan ay kung babalikan lamang ang nakalipas na bukas ang pag-iisip. At maaaring wala ng iba pang paraan.
Isa si Fidel Ramos, dating Pangulo, ang umiingay ng paayon sa mga protestang nagaganap ngayon. Bakit kaya? At alam kaya ng mga millenials na si Ramos ang tinatayang pinaka-responsable sa mga human rights abuses na naganap noong Martial Law? Na si Ramos ang nagpatakbo ng Philippine Constabulary (PC) noon bilang Chief mula 1972-1981. Ang PC ang responsable sa pag-aresto, gayundin sa pag-torture ng mga sibilyan.
Kamakailan, isang kilalang manunulat ng Manila Times pa ang nagsabi na si Ramos ang dapat humingi ng paumanhin sa mga pagpaslang at karahasang naganap noong Martial Law.
Ramos at the Pentagon 1998 with Defense Secretary William Cohen |
Former President Fidel V. Ramos is Arroyo’s “special envoy for international opportunities.” Despite his denials about the importance of his role, Ramos functions essentially as the country’s co-president.
He is also a direct agent of the Bush oligarchy.
Ramos is a senior advisor of the Carlyle Group and the head of Carlyle’s Asian advisory board. Its directors include former US president George Herbert Walker Bush, former US secretary of state James Baker, current US secretary of state Colin Powell...
Carlyle’s client list has included the likes of the bin Laden family and George Soros (a major player involved in the so-called Asian economic crisis of the late 1990s).
During his presidency, Ramos was Washington’s best friend. As Daniel Schirmer described in 'Fidel Ramos: In the Footsteps of Marcos?': “Ramos follows the lead of Ferdinand Marcos in willingness to open the Philippines to foreign capital, with minimal restraint. He follows the lead of Marcos in solicitous attention to the claims of the U.S. military, covered over when politically expedient by gestures of nationalist intent.”
“President Ramos’s commitment to the reign of the free market in the Philippines and Asia is well known, especially since he played host to the 1996 APEC conference in Manila. Less known in the United States, perhaps, are the efforts he and his administration have made on behalf of the U.S. military in the Philippines. Since the Philippine Senate defeated the bases treaty in September 1991, the Pentagon has been trying to re-establish its military presence in the Philippines in order to be able to use that country again as a springboard for U.S. power projection. President Ramos and his administration have been the Pentagon’s main allies in this effort.”
“Ramos’ adherence to both free market ideology and US military dominance is evident in his support for the Pentagon’s policy of ‘rest and recreation’ in the Philippines (widely understood as the US military’s use of Philippine women as prostitutes). He apparently accepts as normal and legitimate the exploitation of cheap Philippine labor—in this case sexual labor—by the armed forces of the superpower.”
“As a high military official of the Marcos dictatorship Ramos supported the U.S. bases; as President Aquino’s Minister of Defense he continued this support. In November 1994 the Pentagon, with Ramos’s support, proposed to broaden the limited access agreement of 1992 with an Acquisition and Cross-Servicing Agreement (ACSA) giving the U.S. military rights in the Philippines, and the use of Philippine territory as a launching pad for possible U.S. intervention.”
Paglibing kay Marcos |
Sa naganap na mga protest rallies, sino kaya ang tunay na nagmistulang maging tuta dala ng 30 taon, o isang buong henerasyon ng walang humpay na propaganda at pagdidikta - kayat naging miserableng tagalunok lamang sila ng kasaysayan ayon sa iba't-ibang aninong dilaw at itim?
Iba pang personalidad Sino ang iba pang mga dumalo sa anti-Marcos rally? Ilan lamang sa kanila na dumalo o humimok sa millenials ay sina...
At nailabas tuloy ang totoong pakay:
Biglang "Rally vs Duterte" ayon sa mainstream media.
Biglang Rally vs Bongbong Marcos ayon sa isang Tarp. |
Photo credits to their owners.