Nagtutulungan ngayon ang lahat at nagsusumikap na ma-restore ang kuryente sa buong lalawigan bago matapos ang buwan ng Enero 2017, katulad ng hiniling ng NEA at DOE.
STATUS OF POWER RESTORATION IN MARINDUQUE
AS OF JANUARY 6, 2017
AS OF JANUARY 6, 2017
Patuloy pa rin ang rehabilitation ng mga nasirang linya ng Marelco dahil sa bagyong NINA, at ito ay sabay-sabay na isinasagawa sa anim na bayan ng ating lalawigan sa pamamagitan ng mga tauhan ng Marelco. Prayoridad ang pagsasaayos ng mga nasirang service drop wires upang mapailawan na ang mga kabahayan at iba’t-ibang establisyemento sa poblaciones na 4 na bayan (Boac, Gasan, Buenavista at Mogpog) na may kuryente na. Paghahanda naman para sa pagdating ng kuryente ang layunin ng service dropping na isinasagawa naman ng mga Linemen sa Sta Cruz at Torrijos.
Sa pagdating ng assistance mula sa Central at Southern Luzon sa pamamagitan ng Task Force Kapatid na binubuo ng mga sumusunod:
Pampanga Electric Cooperative II (PELCO II), 7 crew members
Tarlac Electric Cooperative I (TARELCO I), 5 crew members
Tarlac Electric Cooperative II (TARELCO II), 5 crew members
Batangas Electric Cooperative I (BATELCE I), 6 crew members
Batangas Electric Cooperative II (BATELEC II), 10 crew members
Romblon Electric Cooperative (ROMELCO), 12 crew members
Ang 4 na teams mula sa Central Luzon (PELCO I, PELCO II, TARELCO I, TARELCO II) ay nasa Sta Cruz at ang ROMELCO ay nasa Torrijos at inaasahang sa loob ng 2 araw ay mapaiilawan na ang backbone lines patungong Sta Cruz, gayundin ang patungong Torrijos.
Ang BATELEC I ay naka-assign ngayon sa pagpapailaw sa Riverside, Boac at ang BATELEC II naman ay sa papuntang Balanacan, Mogpog.
Nagtutulungan ngayon ang lahat at nagsusumikap na ma-restore ang kuryente sa buong lalawigan bago matapos ang buwan ng Enero 2017, katulad ng hiniling ng NEA at DOE.
- PAMUNUAN NG MARELCO
- PAMUNUAN NG MARELCO