Wednesday, February 1, 2017

Aksyon ng DENR-MGB tungkol sa sitwasyon ng 2 dams at iba pang usapin sa Marinduque

Aksyon ng DENR-MGB hinggil sa
- Makulapnit Dam Tunnel leak
- Maguila-guila Siltation Dam 'alarming situation' at 'emergency intervention', 
- legal cases vs Marcopper/Placer Dome-Barrick, 
- Marcopper appeal to re-open the mines, 
- MGB 'directly taking charge' of Provincial Mining Regulatory Board to address concerns and complaints

Sumusunod ang FB post Feb. 1, 2017, ni dating Bokal Adeline 'Lyn' Angeles na ngayo'y lalong naging aktibong opisyal ng Marinduque Council for Environmental Concerns (MACEC)
Nasa bulubunduking bahagi ng Marinduque ang Maguila-guila Siltation Dam at Makulapnit Dam. Makikita sa bandang itaas ng larawang ito mula sa Google Earth. Bahagi ng tubig na dumadaloy sa Mogpog River at Boac River ay sa mga ito nagmumula.

ILANG IMPORMASYON KAUGNAY NG KINATATAKUTANG MARCOPPER DAMS

ni Adeline Lyn Angeles

Noon pong December 2, 2016, Ako po kasama ng team mula sa Marinduque sa pangunguna ng ating butihing Bishop Junie Maralit D.D. ay nakipag-meeting kay DENR Sec. Gina Lopez sa Manila hinggil sa ilang envi-issues/concerns sa lalawigan na nangangailangan ng seryoso at dagling pagtugon.

Bilang inisyal na tugon ni Sec. Lopez, nagpadala ng isang team (legal/technical) mula sa Mines & Geosciences Bureau (MGB-4B) sa Marinduque, sa pangunguna ni Atty. Josephine Sescon. At noong Huwebes, January 26, 2017 ako po ay isa sa kanilang naimbitahan upang bigyan ng ilang updates hinggil sa mga issues na aming ipinarating kay Sec. Lopez. Ipinakita din nila ang resulta ng huling monitoring work na ginawa nila sa dating Marcopper Mining Site and Structures.



Nais ko pong ibahagi ang ILAN SA MGA IMPORMASYONG IBINAHAGI SA ATIN NG MGB:

1. Totoong may leak ang Makulapnit Dam (Re: Boac) subalit ayon sa kanila ang nature ng leak ay madali namang magagawan ng emergency intervention na sabi din nila ay pwedeng i-address agad. Gayon pa man kailangan pa rin ang isang long term solution para dito.

Maguila-guila Siltation Dam. Photo at caption: MGB-Mimaropa

2. Ang MAS SERYOSONG PROBLEMA ay ang kasalukuyang sitwasyon ng MAGUILA-GUILA DAM (lalo na para sa Mogpog). I won't discuss here the technical details of the alarming situation subalit sa simpleng salita, ang Maguila-guila Dam ngayon ay nangangailangan ng VERY URGENT intervention at concerted action ng lahat ng concerned agencies at parties. Talagang action na hindi na dapat ipagpabukas-bukas pa... Ito rin ay nangangailangan ng malaking halaga/budget.

3. May sinasabing initial available DENR funds na around 30M (kung tama ang ala-ala ko) para sa Maguila-guila but we all believed that it will only serve an "emergency intervention" but not a real solution to the existing problem & threat ng Dam para sa Mogpog communities in the medium or long term.

Bishop Junie Maralit, Fr. Arvin Madla, Vice-Gov. Jun Bacorro, Boac Mayor Bert Madla

4. Pinaghahandaan ng DENR ang ilang actions para i-reactivate ang ilang kasong sila mismo ang nagsampa laban sa MARCOPPER noon subalit nanatiling di gumugulong. (Note: We categorically demanded for this during the meeting with Sec. Lopez). 

May ilang plano din ang DENR kung paano aagapay sa planong pagsasampa ng kaso sa Canadian Courts laban sa Placerdome/Barrick (but i opt to possibly share more about it in another post.)

5. Nalaman din namin na MAY ACTIVE MINING APPLICATION PA RIN PALA ANG MARCOPPER to continuously operate the mines. Ito ay na dis-approved ng MGB (Region & National) dahil daw sa kulang na requirements SUBALIT MAY PENDING APPEAL ANG MARCOPPER SA TANGGAPAN NI SEC. GINA LOPEZ. (NB: I will definitely post something more on this in the coming days. Am just completing my facts.)



6. Ang MGB is also now directly taking charge of the Provincial Mining Regulatory Board (PMRB) hopefully to address concerns & complaints tungkol sa pagkuha ng permit para sa "sand & gravel" na sinasabing dahilan naman kung bakit di agad natapos ang pagsaayos ng airport na labis na naka-apekto naman sa ekonomiya at turismo ng lalawigan.