A mining protest placard. |
Iginigiit pa rin ng mga kaukulang manlilinlang sa Kapitolyo ang kanilang maitim na balakin na paglaruang muli ang sigaw ng bayan para sa Katarungang Pangkalikasan?
Umaarya na naman ngayon ang Gobernador sa paghiling ng isang bagay na tinanggihan na ng bayan! May hinihingi na naman diumanong 'kapangyarihan' sa SP sa pirmahan!
Noong nakaraang taon (Oct. 25, 2016), maliwanag na ibinasura ng Sangguniang Panlalawigan ng Marinduque ang kahilingan ng Gov. Carmencita Reyes na bigyan siya ng awtoridad na pumirma sa isang kontrata.
Tungkol ito sa isang kasunduan sa pagitan ng Lalawigan at Parabellum Capital LLC (New York) na nahanap ng datihang law firm, Diamond McCarthy at Atty. Skip Scott para magpondo ng gagastahin sa kasong isasampa sa Canada ng Lalawigan manalo o matalo man sa kaso.
Hustisya ang ipinaglalaban, panlilinlang ay niyuyurakan. |
Ayon sa pag-aaral na ginawa ng mga stakeholders sa pangunguna ng Marinduque Council for Environmental Concerns (MACEC), at Simbahang Katolika sa pangunguna ni Boac Bishop Antonio Marcelino Maralit. hindi kailangang nakatali ang Lalawigan sa ano mang gustong mangyari ng US law firm Diamond McCarthy hinggil sa bagong kaso sa Canada. Ito ayon sa mga stakeholders ay "unnecessary and costly".
Ang gustong mangyari ng Lalawigan ay DM pa rin ang hahawak sa kaso, at dahil hindi naman sila maaaring magtanggol sa Canada ay mag-hire ito ng mga abogado sa Canada. Ang pag-arkila ng 'multiple layers of lawyers na magiging napakamahal bagamat hindi ito kailangan ay mangangahulugan ng malaking kabawasan sa 'final return o net recovery' para sa Marinduque.
Ayon ito sa kanilang pag-aaral base sa maraming pagpupulong kasama ang mga stakeholders at ang ilan ay dinaluhan pa mismo ng mga Canadian lawyers at inimbitahang mga local at foreign environmental organizations.
MACEC representatives and the Bishop of Boac, Junie Maralit in one of the stakeholders meetings they were invited to attend. |
Matatandaang ang DM kasama si Scott ang ginamit ng Lalawigan sa pagsampa ng kaso sa Nevada. Ang nasabing kaso ay ibinasura ng Nevada Supreme Court makaraan ang 10 taon dahil sa usapin ng maling jurisdiction.
DM at Scott pa rin ang naghain ng $20-million settlement agreement na matinding ibinasura ng SP at mga Mamamayan ng Marinduque dahil sa mga kasukasukang kondisyones na kaakibat nito. Tinaguriang 'onerous' at 'unacceptable'.
Ilan lamang sa kundisyones ang pagpirma ng Lalawigan sa pagpapatotoo na walang nangyaring masamang epekto sa kalikasan at kalusugan ng mga mamamayan ang pagmimina ng Marcopper sa loob ng 30 taon.
Bawal din na gamitin ang ano mang bahagi ng pondo sa pagpapaayos ng alinmang bahagi sa lalawigan na sinira ng kanilang pagmimina bagamat danyos sa nagawang pinsala ng pagmimina ang pangunahing pakay ng isinampang kaso sa US.
Ang iba pang maraming kundisyon ay tinaguriang 'legal fictions' ng media.
MACEC's Ms. Beth Mangol during a media interview on Marinduque's fight for environmental justice. |
Nagaganap ang mga pangyayaring ito sa likod ng katotohanang sa loob ng nakaraang 3 taon sa pakikipag-ugnayan sa mga local at foreign environmental organizations kasama na ang Canada ay may mga kumpirmadong ETHICAL LAW FIRMS sa Canada na handang ipagtanggol ang Lalawigan sa kasong isasampa doon. Ipagtatanggol on contingency basis. Nangangahulugan na habang nililitis ang kaso ay walang gagastahin ang Lalawigan ni singkong duling.
Mababayaran lamang sila kapag naipanalo ang kaso at makakuha ng recovery. At naayon ang legal fees sa tamang ethical practice.
Sa loob ng higit 10 taon na itinagal ng usaping ito ay malawakang panlilinlang sa taumbayan ang naging karakter ng kaso kaya't sa huli ay bumulaga sa bayan ang mga panloloko. Naging dahilan ng malawakang mga rally bilang pagprotesta at sa huli, ang MARIING PAGBASURA sa naging maanumalyang kontribusyon ng mga kaukulang mga abogado.
Also read: