Sec. Lopez mariin ang pagtangging sinuportahan niya ang proposed MOA sa pagitan ng PGM at US Lawyers tungkol sa pagsasampa ng kaso sa Canada tulad ng iniulat ng mga nagsusulong nito at nauwi sa malawakang protesta at rejection ng MOA
Lyn Angeles at Gina Lopez. Dati nang nagkakatulungan para sa pagtatanggol sa kalikasan. |
WARNING TO MARINDUQUENOS:
by Adeline 'Lyn' Angeles
MGA PEKE AT GAWA-GAWANG BALITANG GINAGAMIT ANG MGA KILALANG NATIONAL OFFICIALS (Latest: SEC. GINA LOPEZ) PINAPAKALAT NG MGA TILA FAKE ACCOUNTS/ FAKE FB PAGES. Maging MAPANURI Po Tayo!
Kelan lamang: pinakalat ang GAWA-GAWANG BALITA (FAKE NEWS) na INAGAWAN DAW NG MIKROPONO, PINAHIYA AT SINABIHANG NAMUMULITIKA LAMANG ni DENR Sec. GINA LOPEZ ang inyong lingkod, ADELINE ANGELES na dating Bokal ng Marinduque at ngayon ay BOD Member ng Marinduque Council for Environmental Concerns (MACEC).
ITO PO AY HINDI TOTOO AT GAWA-GAWA LAMANG ng mga taong nagtatago sa tila FAKE ACCOUNTS at posibleng NASASAGASAAN NG MGA GINAGAWA AT ADVOCACY NI SEC. LOPEZ o ng INYONG LINGKOD.
ANG TOTOONG PANGYAYARI:
Noong April 11, 2017, ako po, kasama ang iba pang opisyal at miyembro ng MACEC, kasama rin ang butihing BISHOP JUNIE MARALIT, Ilang LGU Officials at CSO representatives ay naimbitahan sa isang Forum nang bumisita si Secretary Lopez sa Marinduque. ITO PO AY NAGING ISANG MEANINGFUL AT HAPPY MEETING WITH SEC. LOPEZ kung saan PINAKINGGAN NIYA ang mga nais iparating ng iba’t-ibang sectoral representatives at GAME PA NA NAKIPAGSAYAW AT KUMANTA KASAMA ANG ILANG MIYEMBRO NG MACEC. (Refer to pictures).
AKO PO AY ISA SA NAGSALITA/NAGTANONG na ang SUBJECT MATTER ng aking sinabi ay ang mga sumusunod:
1. URGENT/EMERGENCY MEASURES NA KAILANGAN LALO NA PARA SA MAGUILA-GUILA DAM (Mogpog) at MAKULAPNIT DAM (Boac).
TUGON ni Sec. LOPEZ : Naka- focus daw talaga siya sa pagsasaayos nito para sa mga affected communities. Outright, tinanong din niya ang kasamang DENR Undersecretary for update sa around P35M na initial fund (na binanggit niya sa amin noong kami’y bumisita sa office niya sa Manila).
2. PAGPAPARATING SA KANYA na ang MACEC ay patuloy niyang magiging KATUWANG SA KANYANG MGA ADBOKASYANG PANGKALIKASAN kasama na ang kanyang planong Eco-tourism Projects.
TUGON/Reaction ni SEC LOPEZ: Masaya niyang tinanggap ang commitment of partnership na ito.
3. PAGPAPARATING SA KANYA ng sinabi ng isang DENR-MGB Lawyer from Region 4-B (during one SP session) na tila nagbigay ng impresyon na sinusuportahan ng tanggapan ni Sec. Lopez ang isang controversial MOA na sa pananaw ng marami ay DISADVANTAGEOUS SA PROBINSIYA. (I was then referring to the proposed MOA endorsed by Gov. Reyes to the Sangg. Panlalawigan para i-hire pa rin ang mga Amerikanong Lawyers ng Diamond McCarthy sa kasong planong isampa sa Canada vS. Placerdome/Barrick Re: Marcopper, kahit na WALA SILANG AUTHORITY TO PRACTICE in Canada).
Note: This proposal was rejected by majority of the SP Members and opposed by the different stakeholders including MACEC)
TUGON NI SEC. LOPEZ: That SHE DOESN’T KNOW ABOUT IT (MEANING: HINDI TOTOO NA SINUSUPORTAHAN NIYA ANG PARTICULAR LAW FIRM/MOA gaya ng tila lumalabas sa paliwanag ng MGB Lawyer na nag-appear sa Sangg. Panlalawigan na sa tingin ng ilan ay tila GINAMIT lamang para suportahan ang proposed MOA. Ito rin ay binanggit sa isang “FAKE NEWS” na pinakalat din.
NOTE: After the Public Forum, I got the chance to confer with Sec. Lopez who asked Undersecretary about the concern I raised and they both clarified to me that such claim is NOT TRUE… that her office also received a letter about that concern and they will clarify. IN SHORT, NEVER NA SINUPORTAHAN NI SEC. LOPEZ ANG PROPOSED MOA (NA VERY DISADVANTAGEOUS) GAYA NG PINAKALAT DIN NG ILANG TILA FAKE ACCOUNTS.
Isang naging masaya at makabuluhang okasyon kasama si Lopez |
Naniniwala po kaming seryoso si Sec. LOPEZ sa pagtulong sa Marinduque. Huwag sanang sirain at gamitin ang kanyang pangalan at nang iba pa at MAGHABI NG GAWA-GAWANG KWENTO para ITAGO ANG MGA TOTOONG NANGYAYARI SA LALAWIGAN at ang TOTOONG ISSUE.
Ang forum na si Gina Lopez ang panauhin ay dinaluhan din ni Bishop Junie Maralit |
1. Vice Gov. Jun Bacorro- pinalabas na sinisiraan/kinu-question ng isang DOH Representative ang kanyang ginagawang medical Mission. HINDI NAMAN PALA TOTOO.
2. Bokal John Pelaez, Bokal Rey Salvacion, Bokal Gilbert Daquioag – pinalabas na dahilan kung bakit hindi nakakapag-declare ng “State of Calamity” ang probinsiya. HINDI NAMAN TOTOO.
3. Bokal Mely Aguirre at Eli Obligacion – pinalabas na nagagalit si bokal Aguirre kay Mr. Obligacion at sinabing nanggugulo ito. HINDI RIN TOTOO.
HINDI KO ALAM KUNG NAGKATAON LAMANG, pero ang lahat ng nabanggit (kasama na ang inyong) lingkod ay PARE-PAREHONG KUMONTRA SA PROPOSED MOA WITH DIAMOND MCCARTHY & PARABELLUM CAPITAL, INVOLVING MULTI-MILLION DOLLAR PROPOSED “LOAN”/AMOUNT TO BE ADVANCED BY THE FUNDER WITH COST TO THE PROVINCE.
ITO BA ANG TUNAY NA DAHILAN NG DEMOLITION JOB???
"MARTES SANTO" ng maganap ang Forum na ginawan ng GAWA-GAWA AT MAPANIRANG BALITA sa FB. Di man lang nagawang MANGILIN ang mga taong nasa likod nito. MAY THE ABSOLUTE ONE HAVE MERCY ON YOU!
PAGKAKAISA |
Also read: