Friday, June 23, 2017

Solar Eklipse? Nagkaroon na ng total solar eclipse sa Marinduque baya. Ano ang naganap?


Total Solar Eclipse, March 19, 1988. Philippine Meteorological Society 

Ang buong eklipse ng Araw ay nangyayari kapag tinakpan ng Buwan ang nakikita nating Araw. Kapag napunta ka sa pinakamadilim na bahagi ng aninong naging sanhi nito, doon mo makikita ang total eclipse. Umbra ang tawag doon. Kung naroon ka sa hindi gaanong kadiliman o penumbra, partial eclipse o bahagi lamang ng Araw ang makikita mong natakpan.

May total solar eclipse na magaganap sa America sa August 21, 2017, from west coast to east coast, ang totality ay makikita sa maraming major cities at iba pang bahagi at madaling makita ng milyon-milyong mga tao. Ang huling total solar eclipse ay naganap noong March 2016, at dumaan sa Indonesia at malaking bahagi ng Pacific Ocean kaya hindi ganoon karami ang nakakita. Sa US naman, ang huling total solar eclipse ay naganap noong February 1979, ng madaan ito sa Pacific Northwest.

Ang Great American Eclipse ngayong August 21, 2017

Sa Pilipinas, huling nagkaroon ng total eclipse noong March 18, 1988, at dumaan ito sa General Santos City. Ang buwan ay napunta nga sa gitna ng araw at mundo at nagkaroon ng kadiliman. Sa ibang bahagi ng Visayas at Mindanao ay nagkaroon naman ng partial eclipse.


Nag-issue pa ng postage stamp ang Pilipinas para sa '88 eklipse.

Eklipse sa Marinduque

Mga anong taon pa nagkaroon ng total solar eclipse sa Pilipinas? 1929 at 1955. At noong 1955, (panahon ni Magsaysay), kularat na raw ang mga taga Marinduque dahil isa ito sa nadaanan ng eklipse, sa path of totality.

Isang matandang babaeng nakausap ko, si Manang Idad, ang nakapagsabing talagang nagkulong daw siya sa loob ng bahay dahil buntis daw siya noon at sa paniniwala ng lahat na kapag nadaanan siya ng eklipse ay hindi tao ang isisilang niya kundi baka raw ahas. Iyon daw ang sabi ng mga nakakaalam kaya sumunod lamang siya dahil sa takot. Pati mga bata. Nagkulong sa kwarto at nagkulumbot maigi, lumabas lamang nang sinabihan sila na wala na raw ang eklipse.


Solar Corona of 1955.

Mga paniniwala tungkol sa solar eclipse

Hindi lamang naman sa Marinduque o iba pang bahagi ng Pilipinas kinatatakutan ang eklipse. Marami pa ring kultura sa mundo na pinapaniwalaang bad omen ang eklipse ng Araw. Sa maraming kultura, may mga paniniwala silang may mga mythical figures na lumalamon sa Araw.

Sa Vietnam, naroon pa rin ang paniniwala na isang higanteng palaka ang lumalamon sa Araw. Sa Norse cultures mga wolves naman ang kumakain sa Araw. Sa ancient China, isang dragon sa kalangitan naman ang lumalamon sa Araw. Ang tawag nga ng Chinese sa eklipse ay chih o shih, na ibig sabihin ay kainin.

Sa ancient Greece pala ay may paniniwala naman na ang eklipse ay isang palatandaan na galit ang mga diyos at ito ang simula ng mga kalamidad at mga sigalot.

Paniniwala sa Kasalukuyan

Ang takot sa solar eclipse ay laganap pa rin ngayon. Naroon pa rin ang paniniwala na ito ay masamang senyales na ang dala ay kamatayan, sigalot at kalamidad. Mayroon pa ring naniniwala na ito ay masama para sa mga nagdadalang-tao at sa mga hindi pa napapanganak na nasa sinapupunan. Sa marming kultura, ang mga bata at mga buntis ay pinapakiusapan na pumasok sa loob ng bahay habang may solar eclipse.

Sa Italy naman, may kagandahan ang paniniwala nila, na ang mga halamang bulaklakin kapag tinanim kung may solar eclipse ay magiging mas matingkad ang kulay.

Ang solar eclipse pala ay nagaganap mga 2 linggo bago o pagkatapos ng isang lunar eclipse.

Solar Eclipse of June 20, 1955. By Fred Espenak, NASA's GSFC

Nakatala na ang total solar eclipse noong June 20, 1955, ay tumagal ng 7 minuto, 8 segundo, at ito raw ang pinakamatagal na solar eclipse sa saros series 136, at pinakamahabang total eclipse mula 11th century hanggang 22nd century. Nagsimula ang totality nito sa Indian Ocean at Maldives, dumaan sa southern tip ng India at Sri Lanka, papunta sa Indochina at Pilipinas (malapit sa greatest eclipse), at papuntang Solomon Islands hanggang sa Southwestern Pacific Ocean. Ang total eclipse ay naganap sa bahagi ng Sri Lanka, Myanmar, Thailand, Laos, Cambodia, Vietnam at Pilipinas.

Ang dinaanan ng total solar eclipse noong June 20, 1955, kasama ang Marinduque sa totality.
Mga ano namang mga kagimbal-gimbal ang naganap noong 1955 halimbawa?

1955 nagsimula ang Vietnam War (natapos lamang ito pagkaraan ng 20 taon, noong 1975). 1955 din naitala ang isang 7.5 Magnitude earthquake na ang epicenter ay sa Lanao at naramdaman sa buong Mindanao. 400 tao ang namatay, maraming gusali at bahay ang nasira kasama na ang isang mosque sa Tugaya malapit sa Lake Lanao. Nawasak ang mga pier sa Zamboanga City at Pagadian City at nagkaroon ng malalaking pag-alon sa Lake Lanao na noon lamang nakita.


Pagwawari (meditation) sa Marinduque. Larawan ni Angelo M. Calimlim

1955 unang nabuksan ang porphyry copper mining sa Pilipinas at sinimulan din kaagad ng Placer Development Ltd. ang exploration project sa isla ng Marinduque ng taong iyon. Ang pagmimina ng copper sa isla ay nagtapos lamang dahil sa malawakang pagkasira sa karagatan, kalikasan at mga trahedya sa loob ng maraming taon. Ang pinakahuli ay ang Marcopper mine disaster noong 1996 (pagkaraan ng 40 taon).

1988 naman sa Pilipinas

Ang pinakamatindi namang naganap noong total solar eclipse year sa Pilipinas noong 1988? Sa hapon ng October 24, 1988, habang naglalayag mula Manila to Tacloban City, sinalubong ang MV Don Marilyn ng Bagyong 'Unsang' at lumubog. Namatay ang 391 katao. Ito ay sister ship ng MV Doña Paz na lumubog din isang taon pa lamang ang dumaan sa pagitan ng Marinduque at Or. Mindoro at namatay ang 4,341 na pasahero. 

Eh sa 2017, ano?

Ano naman kaya ang magaganap pa sa Great American Eclipse sa Amerika ngayong taon 2017, kung kailan nagsimula na ang mga sigalot? Civil war? Economic collapse? Assassinations? Upheavals? All of the above?

Magaiyakan nga sila!

Susong Dalaga Hill

Susong Dalaga Hill
Susong Dalaga Hill from Bagtasan isthmus

Date and Time

Blog Archive

Total Pageviews

Popular Posts

Blog Log

Followers

Networked Blogs

Space Weather

Space Weather
What's up in space

Categories

ACCOMMODATION Adeline Angeles ADVENTURE SERIES ALAIN MADRIGAL ALLAN VELASCO AMOINGON ARAW NG MARINDUQUE ARCHAEOLOGY Argao AWARENESS BAGTINGON Bahaghari BANTAY-KASO Barrick Gold BATTLE OF MASAGUISI BATTLE OF MORIONS BATTLE OF PAYE BATTLE OF PULANG LUPA BELLAROCCA ISLAND Bishop Marcelino Antonio Maralit Jr Bishop Reynaldo Evangelista BOAC BOAC CATHEDRAL BUENAVISTA BULONG Bunganay BUTTERFLY CAPITOL BUILDING CAPITOL CHOIR Cardinal Ricardo Vidal CARMENCITA REYES CAWIT PORT CBCP CEMETERIO DE TAMPUS CENSORSHIP CHANGE CINEMALAYA CLIMATE CHANGE COA Report COLONIAL HOUSES Conflict CONG. LORD ALLAN VELASCO CORRUPTION CORY AQUINO Curt Shepard DISASTER DONA PAZ DPWH DR. ANTONIO UY DTI DUTERTE EARTHQUAKE ECO-TOURISM EDSA Elections 2010 Elections 2013 Elections 2016 ELI OBLIGACION ENVIRONMENT EVENTS EXTREME MARINDUQUE FEATURED SITES GASAN GASANG-GASANG FESTIVAL GASPAR ISLAND GOV. BONG CARRION Guisian HEALTH HERMENEGILDO FLORES Hinanggayon HINULUGAN FALLS HOBIE HOLY WEEK JOSE F. ALVAREZ JOSEPH EMIL BIGGEL Joseph Laban JR LABRADOR Kalesayahan KALUTANG KURAY LAYLAY LETTER TO GOVERNOR LONGHINO Lorna-Quinto Velasco LUBANG FAULT LUZON DATUM OF 1911 Mabusay Falls MACEC MALINDIG Maniwaya Marcopper MARELCO MARINDUQUE AIRPORT MARINDUQUE AKIN KA MARINDUQUE CULTURE MARINDUQUE ELECTIONS 2013 MARINDUQUE FIRST SATURDAY MOVERS MARINDUQUE HISTORY MARINDUQUE HISTORY CONFERENCE MARINDUQUE INFRA PROJECTS Marinduque Politics MARINDUQUE STATE COLLEGE MARINDUQUE TOURISM MARINDUQUE VIDEO MARTIN LARDIZABAL MAXIMO ABAD MIMAROPA MOGPOG MORIONES 2009 MORIONES FESTIVAL Moriones Festival '10 Moriones Festival '12 MORIONES FESTIVAL 08 MORIONES FESTIVAL 09 MORYONAN MSC SAMBAYANG SINING LAHI MUTYA NG MARINDUQUE Myke Magalang NCCA NORWEGIAN MISSION ALLIANCE PASTORES PASYONDULA PASSION PLAY Paye PEOPLE PERCIVAL MORALES PH HISTORY PHILIPPINE ARTS FESTIVAL Places PNP Poctoy Beach Pope Francis Pork Barrel POWER OUTAGE Pres. Benigno S. Aquino PRESIDENT DUTERTE PRRM PUTONG RAMON MADRIGAL Raymond Go ROBERTO MADLA Romulo Bacorro Russel Madrigal SAKAMAR SAN ISIDRO CAVE Sangguniang Panlalawigan Sawi Sayao Bay SCUBA DIVING SEA TRAVEL SCHEDULES SEAIR SENEN LIVELO Silangan South China Sea SPACE STA. CRUZ STATE OF THE PROVINCE ADDRESS STTC ASSEMBLY Susong Dalaga Hill TARUG CAVE TEATRO BALANGAW TEOFILO N. ROQUE TON MONTEAGUDO TORRIJOS TOTO NEPOMUCENO Treasure Hunt TRES REYES ISLANDS TRIVIA Tumagabok Falls TYPHOON "FRANK" TYPHOON "ONDOY" Typhoon NinaPH VERDE ISLAND PASSAGE Vicky Lao-Lim VIVA MARINDUQUE 2008 VIVA MARINDUQUE 2009 VIVA MARINDUQUE REPORT WALANG SUGAT WEEKLY MARINDUQUE WEN VELASCO WORLD WW2 WW3 YESHUA YOOK

Quick news, photos, videos, culture, tourism, history and all that there is on the island of Marinduque, Philippines. "VIVA MARINDUQUE!" www.marinduquegov.blogspot.com

Marinduque Rising | www.marinduquegov.blogspot.com | (c) 2007. Powered by Blogger.