Dalawa sa Balangiga Bells ay nasa Warren Air Force Base sa Wyoming, USA |
"Isauli naman ninyo. Masakit 'yun sa amin," dagdag pa ni Duterte.
Kinabukasan, nagpahayag ang spokesperson ng Embahada ng US, Molly Koscina, na "magpapatuloy kaming makipagtulungan sa aming Filipino partners para makahanap ng kapasiyahan" ("We will continue to work with our Filipino partners to find a resolution.")
Ang ikatlong kampana ay nasa US military base naman sa South Korea. Ito yung ginamit na kampana bilang hudyat sa pag-atake sa mga Amerikano ng mga gerilya. |
Ang unang ginawang pahirap sa Marinduque ay ginawa rin sa Samar
Marinduque taong 1900: Dahil sa matinding galit ng mga Amerikano sa naganap na Labanan sa Pulang Lupa at para pasukuin si Col. Maximo Abad, agad isinagawa ang pinakaunang pagpapatupad sa polisiya ng pagsira sa mga kabuhayan at pinagkukunan ng mga pagkain, kakabit ng pagsunog sa mga tahanan ng mga naninirahan sa mga interior. Para gutumin at pahirapan ang mga mamamayan at mapilitang pasukuin nga si Abad.
US 29th Infantry Regiment. 1899 (ipinadala sa Marinduque) |
Sa Marinduque, kautusan ni Military Governor, Maj. Gen. Arthur MacArthur, Jr.** (ama ni Gen. Douglas MacArthur), kay Brig. Gen. Luther Hare ang pagtrato sa lahat ng kalalakihang lagpas kinse-anyos bilang kaaway at arestuhin ang mga ito hanggang makarami sila, ituring silang mga hostage hanggang mapasuko si Abad. (MacArthur sent Hare with "orders to treat the entire male population over fifteen as potential enemies and to arrest as many as possible and hold them hostages until Abad surrendered.*")
Dahil sa kalupitan na dinanas ng mga sibilyan sa mga concentration camps, ang ilang mga maykaya at mga mangangalakal na dating sumusuporta kay Abad at kasamahan ay napilitang talikuran ang mga Filipinong sundalo.
(**Pagkatapos ng isang taon ay inalis sa posisyon si MacArthur, Jr. dahil sa matitinding alitan nila ng Civil Governor Howard H. Taft (Philippine Commission), tungkol sa US military actions at siya ay pinabalik sa US para mamuno sa Department of the Pacific).
Si Col. Maximo Abad (kaliwa) at mga kasama. |
Samar taong 1901: Isang taon matapos ang Labanan sa Pulang Lupa at napasuko na rin si Abad April 1901, ay doon naman naganap ang pag-atake sa mga Amerikanong sundalo, Sept. 28. 1901. Dumating ang araw na nakatanggap naman ng kautusan ang military governor ng Pilipinas, Major General Adna R. Chafee mula kay US President Theodore Roosevelt na patahimikin na ang Samar. Inatasan ni Chafee si Brig. Gen. Jacob H. Smith na isagawa ang kautusan.
Bilang ganti, ang produksyon ng pagkain at mga kabuhayan sa Samar ay pinahinto para gutumin ang mga guerillang Filipino doon. Malawakang pagsira din ang stratehiya ni Smith para masindak at magutom ang populasyon hanggang mapilitang sumuko ang mga guerilla.
US 9th Infantry Regiment, 1899 (ipinadala sa Samar) |
Nang tanungin si Smith ni Major Littleton Waller, ang commander ng 315 US Marines na itinalaga para sa Samar, kung papaano ang gagawing pacification, ito ang sagot ni Smith:
"Hindi ko gusto na may mga bihag. Ang gusto kong gawin ninyo ay pumatay at magsunog; habang mas marami ang mapatay at masunog, mas masisiyahan ako... Ang loob ng Samar ay dapat gawing isang umaalulong na kagubatan..." ("I want no prisoners. I wish you to kill and burn; the more you kill and burn, the better it will please me... The interior of Samar must be made a howling wilderness...")
Marinduque at Samar
Labanan sa Pulang Lupa marker |
Ang pagkatalo ng mga Amerikano sa Labanan sa Pulang Lupa kung saan nabihag ng mga Filipino ang buong tropa ng Company F 29th Infantry Regiment ay nagdala ng matinding pagkagimbal, shock waves, sa America.
Hindi lamang dahil ito ang isa sa pinakamatinding pagkatalo ng mga Amerikano noon, kundi naganap ito sa panahong malapit na ang eleksiyon sa US. Ang magiging resulta ng eleksiyon sa US sa pagitan ng mga imperyalista at kontra-imperyalismo doon ang magpapasya sa kahihinatnan ng nagaganap sa Pilipinas. (Walang pinagkaiba sa mga nagaganap din doon ngayon).
Sa mga sukdulang ginawa sa Marinduque ng mga Amerikano bilang ganti ay ganito na lamang ang naging pahayag ng Philippine Commissioner Howard H. Taft (siya na bago maging US President ay makailang ulit na pumunta sa Boac). "Ang kabigatan ng nagawang pagtrato sa mga naninirahan ay hindi magiging maganda kung ang kumpletong kasaysayan nito ay maisusulat." ("The severity with which the inhabitants have been dealt would not look well if a complete history of it were written out*.")
Hindi maliwanag kung saang lokasyon pero ito ay kuha sa isang concentration camp sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano. |
Balangiga Massacre marker |
116 taon matapos kamkamin ang tatlong kampana sa Balanguiga, nanatiling nasa kanila ito (US) bilang 'booty' raw. Dalawa rito ay nasa Trophy Park sa isang air base sa Wyoming, at ang ikatlo ay nasa US military museum sa South Korea. (Baka kaya hindi masaya sa SONA ang mukha ng US ambassador na Koreano).
Bago pa si Duterte, marami nang nag-apela na mga opisyales ng gobyerno, mga senador at maging ang Simbahang Katolika na isauli na ang mga makasaysayang kampana.
Sources:
*The Journal of Military History 61 (April 1997): U.S. Army's Pacification of Marinduque, April 1900-April 1901;
Philippine-American War 1899-1902, Arnaldo Dumindin;
The Balangiga Massacre monument, gerryruiz photobloblog;
Marinduque Rising, Battle of Pulang Lupa blogs;
UlongBeach.com
Battle of Pulang Lupa, Wikipedia;
Balangiga massacre, Wikipedia;
Arthur MacArthur, Jr., Wikipedia.