Protected area ang turing sa mga napiling bahagi ng kalupaan natin at kailugan/karagatan na may katangi-tanging pisikal at biolohikal na kahalagahan, na protektado ng ating batas laban sa mapanirang paggamit ng mga nasabing lugar.
|
Mt. Mayon photo: Dexbaldon |
Classification ng mga ito ay alin man sa strict nature reserve, natural park, natural monument, wildlife sanctuary, protected landscapes and seascapes, resource reserve, natural biotic areas at iba pang mga kategorya na itinatag ng batas o international agreements na nilagdaan ng Pilipinas. signatory.
Saklaw ng mga nasabing protektadong lugar ng Pilipinas ang 4.07 milyong ektarya ng mga lupa at 1.38 milyong ektarya ng mga lugar sa dagat. Humigit-kumulang 14.2% ng kabuuang lugar ng Pilipinas.
|
Apo Reef photo: Dwayne Meadows NOAA |
Noong 2011, naglabas ang DENR ng isang memorandum para suspendihin ang pagtititulo ng lupa sa mga lugar na iminungkahi para sa deklarasyon ng mga protektadong lugar.
Suspendido rin ang pagproseso ng mga aplikasyon para sa pagpapaupa, lisensya, o permit para sa anumang proyekto o aktibidad sa loob ng natukoy na mga, pati na rin ang pagtanggap ng mga bagong aplikasyon, maliban sa mga proyekto na naaayon sa mga layunin ng Nipas.
|
Lake Danao photo: Singapore Alice |
Sa taong 2013, mayroong 240 protektadong lugar na pinamamahalaan ng National Integrated Protected Areas System (Nipas) sa ilalim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).
|
Torrijos Watershed Forest Reserve |
Sa Marinduque naroon ang isa sa pinakaunang nadeklarang protected area sa Pilipinas. Nangyari ito noon pang 1932, isang lugar sa Torrijos na may lawak na 105 ektarya (259.5 acres).
Noon namang 2004, nadeklarang protected area ang Marinduque Wildlife Sanctuary sa Boac, Marinduque, na may lawak na 8,827.96 ektarya (21,814.4 acres).