Ang 'Maharlikang Tahanan ni Kapitan Piroco'
Sa mga bahay na nasunog sa Boac, Marinduque nitong July 2, 2018, nag-iisa ang tinaguriang ‘Maharlikang Tahanan ni Kapitan Piroko’ o mas kilala sa bansag na Don Piroco Mansion na idineklara noong 1973 ng National Historical Institute bilang isang Heritage House.
'Don Piroco' ang tawag sa nagmamay-ari ng bahay na si Kapitan Municipal Pedro Lardizabal, na may naging mahalagang papel sa kasaysayan ng Marinduque kasama ang marami pang iba.
Noong 1992, ang mansion na ito ay na-convert bilang isang paaralan na nag-aalok ng teknikal na edukasyon para sa mga mag-aaral sa kolehiyo hanggang sa isa pang paaralan ang pumalit at umupa sa lugar para naman sa maritime education. Sa kalaunan ay lumipat na sa ibang lokasyon.
Mula noon ang Kapitan Piroco Mansion, gawa sa mga antigong matitigas at malalapad na kahoy lalo na ang sahig at kilala bilang isa sa pinakalumang bahay sa lalawigan ay tila inabandona na, iniwan para kainin na lamang ng mga elemento.
Sa maikling
paglalarawan sa isang website, sinabi ng NHI (now NHCP), na dito raw sa tahanang ito ay 'kung saan hiniling ng
mga mamamayan na ang Marinduque ay makagawa ng isang hiwalay na lalawigan'.
Kasunod noon, si Ricardo Paras, Sr. ang naging unang civil-governor ng Marinduque. Kasabay daw nito ang opisyal na paghihiwalay mula sa lalawigan ng Tayabas (ngayo'y Quezon), ng Isla ng Marinduque kasama ang mga islang nakapaligid dito - 98 taon na ang nakalilipas mula Pebrero 21, 1920. (Basahin sa ibaba ang pagtutuwid sa mga claims na ito),
Kaugnay nito, may bagong mahalagang impormasyon para sa mga mananaliksik ng kasaysayan na marahil ay nalimutan na. Ito ang isang litrato ng isang marker bago ang pag-install ng isang opisyal na marker ng NHI noong 1973.
Sinasabi rito:
Kapitan Piroco Mansion marker prior to the NHI marker.
|
"Kapitan Piroco Mansion. Owned by Kapitan Municipal Pedro Lardizabal (better known as Kapitan Piroco). In this mansion Commissioner William H. Taft conferred with Marinduque prominent leaders on March 13, 1901. William H. Taft established the civil government of the province in this place and appointed Ricardo Paras Sr. first civil governor.”
(Above image courtesy of Agnes Apeles whose sister-in-law had the marker prior to the one installed by the National Historical Institute (now NHCP)
Don Piroco Mansion burning. Photo: Cielo Miciano Opis |
Aerial view of the fire. The mansion at upper right. |
PAGTUTUWID:
Idaragdag ko lamang bilang pagtutuwid na ayon sa aking ginawang sariling pananaliksik na malaon ko nang napost sa Marinduque Rising at may pamagat na Governors of Marinduque ay ganito naman ang nakasaad:
1901-1902 RICARDO G. PARAS, SR.* Provincial (Civil) Governor of
Tayabas and Marinduque.
1902-1904 RICARDO G. PARAS, SR.* Lieutenant Governor.
1904-1907 RICARDO G. PARAS, SR.* Provincial Governor
(Paras was delegate to the Malolos Congress in 1898; appointed provincial governor by Pres. William H. Taft from 1901-1902, then as lieutenant governor from 1902-1904 and provincial governor from 1904-1907)
Tayabas and Marinduque.
1902-1904 RICARDO G. PARAS, SR.* Lieutenant Governor.
1904-1907 RICARDO G. PARAS, SR.* Provincial Governor
(Paras was delegate to the Malolos Congress in 1898; appointed provincial governor by Pres. William H. Taft from 1901-1902, then as lieutenant governor from 1902-1904 and provincial governor from 1904-1907)
1919-1920 VICENTE TRIVINO (elected) Lieutenant Governor
(Trivino was aide-de-camp of Gen. Emilio Aguinaldo and participated actively in revolutionary activities during the Philippine-American War; was first appointed provincial governor under the Marinduque Charter (1920). Act No. 2880 Feb. 21, 1920, which separated the sub-province of Marinduque from the province of Tayabas)
1920-1922 VICENTE TRIVINO (hold-over) Provincial Governor