Si THOMAS PUERTOLLANO ay tubong baryo Suha, Sta. Cruz, Marinduque, nangahas bumiyahe papuntang Australia noon pang 1891. Nagtrabaho siya dito
bilang pearl diver. Isa siya sa naging founding father ng Lombadina, isang lugar sa Broome,
Australia.
Ang Thomas Bay na isang white sand beach dito ay isang napakagandang
lugar na ipinangalan sa kaniya.
Old photo of Thomas Puertollano. |
(Ang sumusunod ay hango sa isang dokumentaryo ng I-Witness
na isinulat ni HOWIE SEVERINO at isinahimpapawid sa GMA-7, Nobyembre 26, 2016.)
Malimit isipin sa kanyang buhay ni Kevin Puertollano ang
tungkol sa kaniyang dakilang lolo na hindi na niya nasilayan.
Kanyang lolo ang dalawampu't-isang-taĆ³ng-gulang na si Thomas
(Tomas) Puertollano ng umalis mula sa kaniyang sinilangan sa baybaying-dagat ng
Marinduque noong 1891, papuntang Australia at hindi na bumalik kailanman.
Fr. Martin Puertollano of Sta. Cruz, Marinduque was instrumental in unearthing the baptismal records of Thomas. |
Sumama siya sa libu-libong iba pang mga kabataang lalaki
mula sa buong Asya tungo sa isang sumisikat na bayan sa hilagang-kanluran ng
Australya kung saan sila naging mga pearl divers. Ang mga Pilipinong sumama sa
adventure na ito ay tinawag na 'Manila Men' saan man sila nagmula.
Sa pearl diving ay malaki ang kita bagamat isang mapanganib
na trabaho, nalalantad ang mga divers sa mga pating at mga buwaya ng
tubig-tabang. Mga walong oras sila sa isang araw sa pagkokolekta ng mga shell na
kinukuha sa karagatan.
Si Thomas ay nag-asawa ng isang aboriginal na babae at naging
isang respetadong miyembro siya ng lipunang Australya, ngunit hindi kailanman
binigyan ng pagkamamamayan. Tinaguyod niya ang isang pamilya na hanggang ngayon
ay wiling-wili pa rin sa pagluluto pa ng adobo. Napanatili rin nila ang relihiyong
Katolisismo simula noong una.
Birth records of Thomas (Tomas) Puertollano were recorded here. |
Pagkalipas ng 125 taon, sinamahan ng kanyang kapatid na
babae at pinsan si Kevin papuntang Pilipinas sa wakas at naglalakbay sa unang
pagkakataon sa tinubuang-bayan ni Thomas. Pakay na makipag-ugnayan sa mga
kamag-anak sa Marinduque na hindi niya nakilala.
Sinaksihan ni Howie Severino at ng kanyang kasamahan upang
kunan ng dokumentaryo ang hindi pangkaraniwang pagkikita at ugnayang ito at
nagpasiyang sundan din si Kevin pabalik sa Australia.
Isinaboy sa puntod ni Thomas ang mga puting buhangin mula sa kaniyang lupang tinubuan. |
Si Kevin, ang kanyang kapatid na si Roma, at ang kanilang
pinsan na si Patricia ay nagdala ng isang bagay mula sa Marinduque, at sa isang
simpleng seremonya sa libingan ni Thomas, ginamit ito upang muling kumonekta
ang dakilang si Thomas Puertollano sa kanyang sariling lupain – mga puting buhangin
mula sa Suha, Sta. Cruz, Marinduque.