Sunday, September 23, 2018

Tagumpay ng Medical at Dental Mission ni Cong. Lord Allan Velasco

Si Cong. Velasco sa gitna ng mga pasyente.

Matagumpay na naisagawa noong mga nakaraang araw at patuloy pa rin ang Medical and Dental Mission ni Cong. Lord Allan Velasco sa anim na bayan ng Marinduque. Libo-libong mga mamamayan ang tumugon kasama ang mga miyembro ng kanilang pamilya para sa libreng konsultasyon, pagpapagamot sa kanilang mga karamdaman at para tumanggap ng libreng mga gamot. Marami rin ang kumonsulta sa mga dentista at nagpabunot ng ngipin.

Sa Buenavista

Sa lahat ng bayang binisita ng Mission kung saan kaagapay ang isang Mobile Clinic na padala ng San Miguel Corporation ay naging abala ang buong team ng Misyon - mga doktor, mga dentista, mga lisensiyadong pharmacists, registered nurses at X-ray technicians.

Sa Sta. Cruz

Ginanap ang Misyon sa Buenavista Central School para sa mga taga-Buenavista, sa Brgy. Masiga para sa mga taga Gasan, Brgy. Landi para sa Sta. Cruz, Brgy. Poblacion para sa mga taga-Torrijos at ngayong araw ay sa Boac Covered Court para sa bayan ng Boac at Mogpog Covered Court sa Gitnang-Bayan para sa Mogpog.

Sa Gasan

Sa Boac ngayong araw ay wala pang tatlong oras mula ika-8:00 n.u. higit na sa 700 pasyente ang nakapagpa-registro ayon sa namamahala sa pagpaparehistro. Nagmula sila sa ibat-ibang barangay ng anim na distrito ng Boac - Seaside, Riverside, Poblacion, Ilaya I, II at III at ng bayan ng Mogpog. Naging kaagapay din ang mga lokal na volunteers para sa kaayusan.

Sa Torrijos, umagapay din si Justice Presby Velasco, Jr.

Kasama sa Misyon si Cong. Lord Allan Velasco na nagpasalamat sa mga taong tumulong at mga organisasyon na pangunahing sumuporta tulad ng kanyang mahal na kabiyak, Madam Wen Velasco, San Miguel Foundation at Petron Foundation.

Tinatayang higit sa 5,000 pasyente and napagsilbihan sa Medical Mission na nabanggit.
\
Kasama sa lahat ng Misyon ang Mobile Clinic ng SMC


Makailang-ulit at taon-taong isinasagawa ang ganitong Medical Misyon bilang tugon sa isa lamang sa pangangailangang pangkalusugan ng mga pinagsisilbihan, at ayon sa Tanggapan ng Kinatawan ay nakatakdang isagawang muli bago matapos ang taon.

Ang mga pinakamaagang dumating sa Boac mula sa dalawang bayan.


Nagkaroon din ngayong araw Sept. 23 ng hiwalay na Medical Mission sa Mogpog kasabay ng sa Boac. Mga larawan sa ibaba kuha ni Ian San Juan.

Sa Bayan ng Mogpog

Habang inaalalayan ni Cong. Velasco sa pagbaba ang isang elderly.