Friday, December 18, 2020

Mga bagong ambulansya para sa anim na bayan ng Marinduque


Kasama sa larawan sina Dr. Rachel Rowena Garcia, Provincial DOH Officer, si Gov. Presby Velasco, Mayor Lorna Q. Velasco ng Torrijos sa pag turn-over ng ambulansya para sa nasabing bayan.


Pormal na tinanggap ng anim na bayan ng Marinduque mula kay Gov. Presby Velasco Jr., ang anim ding mga ambulansya na may kasamang pang-unang lunas na kagamitan. Kasama ito ayon sa punong-lalawigan sa unti-unting hakbang tungo sa pagpalawig ng Serbisyo Medikal sa lalawigan.

"Bilang isa sa sangay ng healthcare improvement, at habang nagtatrabaho po tayo sa pag-angat ng antas ng ating mga ospital upang mas malaanan ito ng dagdag kagamitan at pasilidad, tayo po ay dapat gumawa muna ng hakbang upang madagdagan ang transportasyong medikal ng ating mga bayan," ayon kay Gov. Velasco.


Ambulansya para sa Sta Cruz, kasama si Mayor Tonton Uy.


Lubos ang pasasalamat ng gobernador sa DOH MIMAROPA at DOH Marinduque sa kanilang pakikipag-tulungan sa Pamahalaang Panlalawigan kasama ang tanggapan ng Kinatawan sa Kongreso at kasalukuyang House Speaker, Lord Allan Jay Quinto Velasco.


Para naman sa Mogpog ang ambulansyang nasa larawan.

Dumalo sa turn-over ang mga opisyal ng anim na bayan ng Boac, Bienavista, Gasan, Mogpog, Sta. Cruz at Torrijos.



Ang ambulansya para sa Gasan.


Ang ambulansya para sa bayan ng Buenavista, kasama sa larawan si 
Mayora Nancy Madrigal



Ang ambulansya para sa Boac