Saturday, August 28, 2021

Ang general COVID-19 situation sa Marinduque

 

Sinalubong nina Gov. Velasco at mga kasamahan ang pagdating ng additional vaccines para sa Marinduque. 18% na ng populasyon ang nabakunahan sa kasalukuyan.

Naging laman ng mga balita nitong mga nakaraang araw ang lalawigan natin ng Marinduque dahil sa nakakabahalang pagtaas ng bilang ng mga COVID-19 cases. 

Umaabot sa halos 1,300 ang bilang ng covid cases mula sa 390 cases noon lamang nakaraang buwan ng Mayo.

Sinasabing maaaring nasa likod ito ng pagsulpot sa lalawigan ng nakakahawang Delta variant ng covid, habang umaasa ang lalawigan sa patuloy na pagdating ng mga bakuna mula sa national government.

Kinumpirma naman ng Philippine Genome Center na pitong kaso ng Delta variant na naitala sa bayan ng Sta. Cruz. 

“Ang evaluation po namin ay baka itong Delta variant po ay meron na rin sa ibang bayan. Kaya lang po, wala pa po ‘yong ibang report doon sa Philippine Genome Center”, pahayag no Governor Presby Velasco.

Samantala, nasa 18 porsyento na ng populasyon ang nabakunahan, anang gobernador. 


August 20 PDRRMC meeting para sa Covid-19 updates

Karagdagang impormasyon

Naglabas naman ng isang Infoshare si Bokal Adeline Angeles bilang bahagi ng kamakailang pagpupulong ng mga reourse personns mula sa DOH, Provincial Health Office (PHO), mga Municipal Health Offices, Chiefs of Hospital, PDRRMO Council, mga Mayors, si House Speaker Lord Allan Velasco, kanyang tanggapan bilang tugon sa ipinatawag na marathon meetings ni Gov. Presby Velasco mula noong Agosto 16, 2021.

Ilang bahagi ng mga tala ni Bokal "Lyn" Angeles:


Si Bokal Lyn Angeles kasama si Rino Labay ng PDRRMC

TANONG (T): ANO ANG GENERAL COVID-19 SITUATION SA MARINDUQUE?

SAGOT(S): Tulad ng nangyayari sa buong bansa, patuloy na dumarami ang COVID-19 cases.

As of August 23, 2021: 1,614 COVID-19 cases; 340 active cases; recorded 7 Delta Cases in Sta. Cruz, 4 Delta in Torrijos; and 1 Theta in Boac. May 4.2% fatality rate na karamihan ay walang bakuna.

Generally, sa ngayon, halos wala nang hospital sa labas ng lalawigan na tumatanggap ng COVID patients dahil sobra na rin sa kanilang capacity.

T: PAANO ITO HINA-HANDLE NG LALAWIGAN?

S: Pinagsusumikapan na makaroon ng JOINT EFFORT AND COORDINATED RESPONSE ang Province, LGUs (Municipality, Barangay), DOH, PNP, DILG and other National Gov’t Agencies at ilang private sector. Sapagkat Level 1 hospital lamang ang MPH, isinasagawa ang mga sumusunod:

1. Strategy of “catching the patient at the early stage for timely management”.

2. Continuous and active implementation of vaccination program hand in hand with management of COVID positive cases.

3. As per coordination protocol agreed between MPH, Sta Cruz/Torrijos Hospital and partner MHO/LGU, ang ipa-prioritize i-admit sa MPH ay SEVERE CASES that match the agreed CRITERIA  like an identified threshold of oxygen level among others. Ang mga Moderate at Asymptomatic cases naman ay RHU ng bawat Munisipyo ang magha-handle sa mga Temporary Treatment and Monitoring Facility (TTMF) nila.

4. Sapagkat ang Municipal isolation facility ay maghahandle ng non-severe COVID cases bilang Temporary Treatment and Monitoring Facility (TTMF), ito ay higit na inaayos at dinadagdagan ng mga munisipyo. Nag-identify din ng additional schools para maging pansamantalang isolation facility.

NOTE: DOH requirement for Municipal Isolation Facility: 1 bed for every 1,000 population.


Sta. Cruz District Hospital

STATUS:

Sta. Cruz – has 20 TTMF bed capacity; 38 still needed

Mogpog – has 24 TTMF bed capacity; 11 still needed

Torrijos – has 8 TTMF bed capacity; 24 still needed

Boac - has 10 TTMF bed capacity; 47 still needed

Gasan - has 24 TTMF bed capacity; 12 still needed

Buenavista – has 18 TTMF bed capacity; 7 still needed

NOTE:  In the pipeline po ang mga sumusunod:

- Construction of 30M 71 bed capacity Isolation Facility (Sta. Cruz) - funded by Office of Civil Defense (OCD)

- Construction of 25M 68 bed Facility (Torrijos) – funded by OCD

- Construction of 5M 24 bed Facility (Boac) – funded by LGU

- On-going construction of 10M 17 bed capacity – funded by DOH Bayanihan Act 2

T: TOTOO BANG MAY MGA PASYENTE ANG MPH NA SA TENT NA LANG NAG-STAY AT PAGOD NA ANG ATING MGA FRONTLINERS SA HOSPITAL?

S: Totoo po at ito po ay nangyayari din sa  maraming  gov't hospital sa bansa. Kaya po seryosong kailangan ang PAKIKIISA NG LAHAT na maging maingat at tumulong upang hindi kumalat ang COVID.

T: ILANG COVID WARD MERON SA MPH?

S: Sa ngayon, may 1 COVID ward that could cater 15-20 patients pero inihahanda na rin ang isa pang COVID ward for around 15-20 patients more.

T: BAKIT HINDI NA LANG AGAD DAGDAGAN ANG COVID WARD SA HOSPITAL?

S: Hindi madali sapagkat bawat COVID ward with 15-20 patients capacity ay nangangailan ng karagdagang 8 Doctors, 8 Nurses at 8 Nursing Assistants na MAHIRAP din basta humanap sa ngayon dahil na rin sa kakulangan ng mga available doctors at medical professionals hindi lamang sa lalawigan kundi sa buong bansa.

NOTE: Sa ngayon, dahil na rin sa pakikipag-ugnayan ng Provincial Gov’t headed by Gov. Velasco meron nang nag-commit na 8 additional doctors at 5 Nurses mula sa labas ng lalawigan para sa additional COVID ward na isiniset-up.

T: MAY MGA COVID-19 MEDICINES / DRUGS BA NA MAGAGAMIT SA MPH PARA SA “SEVERE” CASES TULAD NG “REMDESIVIR”?

S: May mga inorder at nadeliver sa Provincial Hospital subalit ayon sa report mabilis ito maubos at nagiging limited din ang availability nito sa market. But the Governor has already instructed the hospital to seek for ways & means to make those medicines available.

T: ANONG ADDITIONAL EQUIPMENTS / TOOLS ANG INAASAHANG MADAGDAG SA GINAGAMIT SA MGA COVID FACILITIES?

S:  FROM SPEAKER LORD & Mrs. Wen Velasco & Pilipinong May Puso Foundation (ready for proper turn-over)

     -15 units oxygen concentrator

     -1,500 boxes various PPEs

     -100 boxes gloves

     -400 boxes face mask

     -1,000 boxes various medicine

     -300 pcs. modular tents

     -116 pcs. bed foam

From Office of Civil Defense para sa Isolation Facilities ng Probinsya at 6 Municipalities (reported to be ready for pick-up already)

     -34 units Generator set

     -166 bed foam

     -348 folding bed

     -75 folding bed w/ foam

     -426 electric fan

     -82 gas stove

     -33 refrigerator

     -44 washing machine

     -35 water & coffee boiler

     -70 water dispenser

     -Other various items

Funded by Provincial Government of Marinduque (On-going procurement process)

    -CPAP

    -High Flow machine

    -High Flow Cannula

    -150 modular tents with mattress

    -100 cylinders of Medical Oxygen (filled to 1,800 psi)

    - Antigen Test Kits for Hospital frontliners

    - Various medicines including Remdesivir

Note:

- Muling nag-approve ng panibagong additional/ Supplemental Budget ang Pamahalaang Panlalawigan para sa mga pangangailangan ng hospital.

- Patuloy pa rin and Vaccination gamit ang kararating na 14,000 vials Sinovac. May parating pa ring 10,000 dozes ng Sinofarm at may panibagong request ang Marinduque na inaasahang maibibigay din.

T: ANO ANG MOLECULAR LABORATORY? MERON NA BA NITO SA PROBINSYA?

S: Ang molecular laboratory ay isang facility na may kakayahan na magsagawa ng PCR-test. Sa ngayon ay may initial equipment donated by AYALA FOUNDATION pero may mga ilan pa ring kagamitan na dapat mai-provide. Gayundin, kailangan pa din ang DOH evaluation para ito’y maging operational. May ilang initiative din ang private sector gaya ng Marinduque Response Network para sa proyektong tulad nito.

Bahagi ng dumating na vaccines para sa Marinduque


T: PAANO MAKATUTULONG ANG ORDINARYONG MAMAYAN NG MARINDUQUE SA NGAYON?

1. HUWAG mag-panic.

2. Magpa BAKUNA (karamihan ng COVID fatality ay walang bakuna)

3. Maging RESPONSIBLE. ALAGAAN ang sarili at kapwa sa pamamagitan ng SERYOSONG PAGSUNOD SA MGA SIMPLENG HEALTH PROTOCOLS.

4. Alam ko pong nakakatakot, pero makakatulong na sa “early symptoms” pa lang ay humingi na agad ng MEDICAL ATTENTION para sa agarang pagtugon.

4. HUWAG MAGPALAKAT ng mga FAKE NEWS. Hindi ito nakakatulong.

5. HIGIT SA LAHAT: Patuloy na MAGDASAL at magtiwala sa AWA at kabutihan ng Diyos.


PAUNAWA: 

We are now in crisis because of this pandemic and we are faced with 2 OPTIONS:

1. TO BE PART OF THE PROBLEM; or 

2. TO BE PART OF THE SOLUTION THROUGH OUR OWN SIMPLE WAYS.

Special Thanks:  SA LAHAT PO NG MGA FRONTLINERS headed by:

Dr. Rachel Garcia & DOH staff; DR. Gerry Caballes & PHO; Dr. Manuel Zaratan & MPH Frontliners; Dr. Arlie Vertucio & Sta Cruz Hospital; Dra. Josine Oblipias & all TMH; Office of Gov. Presby Velasco Jr., Office of Speaker LordAllan Velasco, Sir Rino Labay & PDDRRMO/Council and staff, Ma'am Mirriam Sadiwa and the Finance team, All Municipal Health Officers & MHO partners in 6 municipalities; All Barangay  Frontliners.

Sa lahat po ng ating mga katuwang sa SERBISYO-PUBLIKO at sa MISYON NG PAGLILINGKOD mula sa iba’t-ibang sector at ahensiya…

Sa mamamayang MARINDUQUENO sa inyong responsableng pakikisangkot & kooperasyon…

MARAMING SALAMAT PO.

GOD BLESS EVERYONE! MISERERE NOBIS!