Bird in Cage by Raymond Kawataki Go
Ang bantog na makatang
Tagalog na si Hermenegildo Flores ang namuno sa himagsikan sa Marinduque sa
unang bahagi ng Rebolusyong Filipino (Ang Philippine-Spanish war).
Mas kilala siya ng
panahong iyon bilang makata na sumulat ng “Hibik ng Filipinas sa Inang Espana” (1888), na pumukaw ng katugunan sa panulat ni
Marcelo H. del Pilar (“Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas” na sa huli ay
pumukaw din kay Andres Bonifacio sa pamamagitan ng kanyang (“Katapusang Hibik
ng Pilipinas sa Inang Espanya”}.
Ang pinakahuling tula
ni Bonifacio sa nabanggit na tatlong makasaysayang sagutan ay itinuturing na
kasukdulan sa kasaysayan ng tulang Tagalog noong ika-19 na siglo.
Si Flores, ang
bayani ng Marinduque
Si Flores ang namuno
sa unang direktang pag- atake na ginawa sa Casa Real sa Sta. Cruz, Marinduque
noong Marso 4, 1897.
Subalit ito ang naging
dahilan para gamitin ng kalaban ang buong pwersa sa isla hanggang si Flores at
ang kanyang mga kasamahan ay mabihag at makulong sa Casa Real sa Boac. Kasama
sa mga nabihag si Remigio Medina ng Torrijos.
Noong Oktubre 10,
1897, naganap ang naging madugong paglusob sa Casa Real ng kanyang mga kasamahan mula sa bayan ng
Mogpog upang sila ay pakawalan.
Nabigo ang mga
rebolusyonaryo. Pinaslang sa kanilang pagkakakulong ng mga Kastila sina Flores
at mga kasamahan.
Sa kamay ng mga Kastila,
sinunog ang mga bangkay nina Flores at Medina sa pampang ng Ilog Boac.
Limang buwan bago ito
mangyari noong Mayo 10, 1897, ay napaslang naman si Andres Bonifacio at kanyang
kapatid, si Ciriaco sa Maragondon, Cavite.
Basahin din: