Monday, December 3, 2018

Basahi: Nakakaintrigang kasaysayan ng pagpalit-palit ng kapalaran sa Mao-li-wu (Marinduque) noong unang panahon.


Ang trade route ng mga mangangalakal noong Ming dynasty period.
Talagang hagip ang Marinduque (Mao-li-wu). Tingning maigi.

Intriguing narrative on the changing fortunes of Mao-li-wu, Marinduque in pre-colonial period.


"Mao-li-wu", the pre-colonial place name for Marinduque by ancient Chinese dynasties is recorded in Chang Hsieh’s Tung His Yang K’ao.

Ito ang nakasaad doon (isinalin ko):

Mao-li-wu ang bansa ng Ho-mao-li. Ang lupain ay maliit at ang lupa ay tigang; ang loob nito ay bulubundukin, at sa kabila ng mga bundok ay ang karagatan. 

Ang dagat ay puno ng mga laman-dagat na lahat ng uri. Marunong din ang mga tao ng pagsasaka.

Sa ikatlong taon ng Yung Lo [1405] ang hari ng Mao-li-wu ay nagpadala ng Muslim, si Tao-nu-ma-kao bilang emisaryo upang ipresenta ang kanyang mga kredensyal; dumating siya sa korte at nag-alay ng mga handog na mga katutubong produkto.

Ang bansang ito ay kapitbahay ng Lu-sung (Luzon), kaya nga dumating siya kasama ang kinatawan ng Lu-sung. 

Portrait of the Yongle Emperor (ruled in 1402–24).
Ang hari ng Mao-li-wu ay nakipagkita sa kanya. (Wikipedia)

Paglipas ng panahon, ang lupa ay dahan-dahang naging mataba, at ang mga simpleng tao ay naging malikhain, kaya nga’t ang mga mandaragat ay may naging kasabihan, "Kung nais mo ng yaman, siguraduhin na pumunta sa Mao-li-wu, dahil ito ay isang napakahusay na lupain para sa ganoong kaliit na bansa. "

Mayroong ilang taga Wang-chin-chiao-lao [Maguindanao] na mga pirata sa mga dagat. Naglalakbay sila sa mga bangka gamit ang mga mahahabang sagwan na ang mga dulo ay parang biniyak na mga patola.

Paminsan-minsan, ang mga nagsasagwan ng banka ay napapapunta sa tubig pero nagiging doble ang bilis kapag ganito ang nangyari. Natatanaw sa laot ng dagat ang mga ito na animo ay tuldok lamang, pero minsan ang lahat ay nabigla, dahil biglang umatake ang mga pirata, kayat hindi nagawang tumakas at magtago ng mga tao, at wala ngang nakatakas.

Nagdusa ang Mao-li-wu dahil sa maraming mapanirang pagsalakay at maraming buhay na nakitil, kaya’t ito ay naging mahirap at kahabag-habag. Iniwasan tuloy ito ng mga barkong pangkalakal na nagpupunta roon dahil sa pagkatakot sa mga pirata, at naglalayag na lamang sila papunta sa iba pang isla.

Dito ay may bantog na tanawin. Bundok Lo-huang: ang tuktok nito ay may puting bato.


Sa isang tuktok ng Mt. Malindig ay may puting bato mandin. Makulilis ang tawag.
Paboritong lugar ito ng mga espiritista na naniniwalang ito ay lagusan papunta sa daigdig ng kababalaghan. Tanunga.

Photo: Morion Mountaineers Sta. Cruz, Marinduque

Mga produkto: Brazilwood (Sappanwood). "Seed flowers"
Sappanwood. Locally abundant throughout the Philippines at low and medium altitudes in dry thickets, parang, etc. Introduced, and probably of prehistoric introduction.
Dito kinukuha ang tangal para makulayan ang tuba.

Komersyo: Kapag nakita ng maliit na bansang ito (Mao-li-wu) ang mga barko ng taong Tsino, sila ay nagagalak at hindi kailanman nag-isip ng pagmamaltrato sa kanila, kaya napaka-mapayapa ang kalakalan.

Iranun/Ilanun pirate originally from Maguindanao (Wikipedia)

Para sa mga Chiao-lao (Maguindanao) naman na gumagawa ng pandarambong ay gusto nilang bisitahin ng ibang mga tao ang lupaing iyon, at para sa kanila (Chiao-lao) ang mga barko na pumupunta doon upang mangalakal ay tinatrato ng mahusay dahil ito ay diskarte ng mga taga roon pero lihim nilang plano na patayin diumano ang mga mangangalakal.

Pinagmulan: Filipinos in China before 1500, William Henry Scott


Also read:


Trivia: 'Mao-li-wu' ang Marinduque ayon sa Tsina taong 1405