Some of the heavy equipment that are subject of the P75-M loan have been already delivered to the Capitol during the term of former Gov. Bong Carrion.
8. Tungkol po sa P75-Million
Loan ng nakaraang Administrasyon ni Gov. Bong Carreon na sinabing hinid pa rin
dumarating ang mga heavy equipment, ang totoo po nito ay hindi nila kinukuha sa
Pier ang mga natitirang ekwipo na hindi nailabas noong termino ni Gov. Bong
Carreon dahil sa hindi malaman kung sino raw ang magbabayad ng cost of storage
at demurrage ng kinakalawang na ekwipo sa pier. Ang totoo po ay saguting yan ng
Pamahalaang Palalawigan kung walang tinutukoy sa kontrata kung sino ang
magbabayad ng singil sa storage at demurrage.
Sa akin pong palagay, dahil po sa pamumulitika ay hindi na kukunin ang mga
natitirang ekwiposa pier sa Maynila. Dahil matagal na pong panahon ang lumipas
ang mga equipment po ay considered abandoned na at sa aking pagtantiya ay
nailit na ng Bureau of Customs (BOC) o ibang pananalita ay forfeited na in
favor of the government.
Ako po bilang concerned citizen at
naghihinayang sa mga equipment ay nag-offer ng serbisyo para makuha nag mga
equipment at ma-release from BOC custody pero hindi po ako nakatanggap ng
kasagutan mula sa Gobernador.
Dapat po nating malaman at maintindihan na consummated na po ang pag-utang at
ang bilihan ng mga heavy equipment na inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan
at ng Gobernador at kung ako ang tatanungin ay ang titulo na ng mga equipment
ay sa Pamahalaang Panlalawigan na at dapat kuhanin para mapakinabangan na.
Sa totoo lang po ay isa kami sa nag parating ng reklamo sa Commission on Audit
(COA) para i-audit itong pangungutang na ito at ang pag-iwan sa pier ng mga
ekwipo.
Mayroon pong mga kasalukuyang Bokal na
kasama sa pag-utang at pag-bili ng Heavy Equipment pero sa ngayon ay tahimik at
walang ginagawa tungkol sa naiwang equipment sa pier.
Noon pong 1999 ay may Ordinansang Panlalawigan na Nagtatayo ng 2 Motor Pool, at
2 ring set ng Heavy Equipment, isa sa Sta Cruz para sa Sta. Cruz at Torrijos,
at isa sa Boac, para sa Boac, Mogpog, Gasan at Buenavista, at ito ay nagsasaad
ng maglalaan ng at least P5 Million para sa pagkumpleto ng heavy Equiopment
para sa naturang 2 Motor Pool. Bakit kaya hanggang ngayon ay hinid pa rin
makumpleto ang ating mga equipment? Saan napupunta ng P5MM every year na
allocation na sa loon ng halos 10 taon at kung tutuusin at maroon ng P60Mllion
kung tinutupad ang paglalaan ng P5MM taon taon.
Pagpapatayo ng sports complex. Noong 1988 pinatayo po namin ng Pamahalaang
Bayan ng Boac ang isang Sports Oval sa lugar (Boac Reclamation Project) na
sinasabing pagtatayuan ng Sports Complex. Sana po noon pa ay sinundan nga ang
pagpapagwa ng Sports complex dito para naman sana ay sa panahon ngayon ay tapos
na, ginagamit na at napapakinabangan na ng ating mga kababayan lalo pa ang mga
eskwela. Bakit ngayon lang nila naisp ang ganitong proyekto? Dahil ba may
pinapagawa na Sports Complex sa Sta. Cruz?
Ang ibang pondo ay gugulin sa edukasyon ng kabataan. Bakit ngayon lang? At saka
libre naman po ang edukasyon mula elemntarya hanggang Mataas na Paaralan o High
School. Bakit gugulan ang edukasyon?
Sinasabi na “maikli na ang panahon mga
anak”, di po ba dapat “napakahabang panahon na mga anak”. Ang tanong po bakit
po ngayon lang kayo nakaisip ng mga ganitong pangungutang at pagpapagawa ng
kalsada , sports complex etc.
Sumasangayon po ako na hindi masama ang mangutang. Ang mga negosyante at ang
mga nagtatayo ng industriya ay nangungutang, pero dapat po nating malaman at
maintindihan na ang isang nangungutang ay dapat magbayad, hindi lamang ang
halangang inutang kung hindi pati na rin ang interes o tubo sa inutang. Sa
negosyo at industriya, sila ay umuutang dahil sa ang pinalalaanan nila ay
pamumuhunan at alam nating lahat na ang negosyo ay may balik na kita at ang
kinikita nila ang kanilang ipambabayad sa kanilang inutang na halaga kasama ng
tubo. Sa kaso po ng Pamahalaang Panlalawigan ay ang uutangin ay gagastusin sa
pagpapagawa ng proyektong Nasyunal at pag natapos po ang proyekto wala namang maibabalik at sa katagalan ay muling ipapagawa at walang tunay na ibabalik sa
kaban ng bayan.
Bakit ngayon lang?
|