Tuesday, October 9, 2012

Toto Nepomuceno's fb post on Marinduque Capitol loan issue

Pedrito "Toto" Nepomuceno (former Boac mayor and former provincial board member), is the Corporate Secretary of Marinduque First Saturday Movers, Inc. (MFSMI). It is a non-government organization of well-known professionals, businessmen, former leaders who have held national and local government positions and sees itself as a bridge unifying Marinduquenos. It provides moral support, initiates community projects, provides information on issues affecting the people of Marinduque to improve the quality of life in this island-province.

On the issue of the Php 300-Million Loan being negotiated by the administration of Gov. Carmencita O. Reyes with the Philippine National Bank (PNB), a move that continues to be opposed by MFSMI, Nepomuceno posted the following in Marinduque Mandin's facebook group account on September 14, 2013:

Katugunan sa mga pahayag ng Kgg. na Gobernador Carmencita O. Reyes kaugnay sa balakin ng Pamahalaang Panlalawigan na mangutang muli ng Milyon milyon Piso, karadgadan sa P75,000,000.00 unang inutang sa Banko ng nakaraang administrasyon ng dating Gobernador Jose Antonio N. Carreon.

Ang sambayanang Marinduqueno po ay nangangamba sa binabalak na pag-utang muli ng Milyon-milyon Piso ng kasalukuyang Administrasyon ng butihing Gobernador Carmencita O. Reyes. Sa punto pong ito na nagbigay ng mga pahayag ang ating Gobernador hinggil sa binbalak na pag-utang ng Pamahalaang Panlalawigan ako po bilang isang mamamayang nagmamalasakit at nangangamba rin para sa ating magandang kinabukasan, at bilang dating Mayor ng Boac at dating Bokal ng lalawigan at bilang isang isang Bankero na may sapat na kaalaman sa pananlapi, pribado man o pampubliko, ay nagbibigay ng mga tugon o mga sagot sa mga pahayag ng ating butihing Gobernador Carmencita O. Reyes.

1. Una po ay matindi ko pong pinabubulaanan na ang aming pagtutol at pangangatuwiran ay mula sa pinalabo at malisyosong pananaw na may halong pulitika. Wala po kaming balak na wasakin ang pagkakaisa ng mga Marinduqueno. Isa lamang po ang gaming layunin, ang pangalagaan ang interes at kapakanan ng bawat Marinduqueno sa pamamaraang maayos, mahinahon, makatarungan at naayon sa batas;

2.
Tama po, ang ekonomiya ng ating lalawigan ay nakasandal sa tradisyunal na industriya, ang pangingisda, pagsasaka at paghahayupan na sa matagal ng panahon ay napabayaan at walang naging pag-unlad, kaya hanggang ngayon ay umaasa pa rin tayo sa halos namamatay nang industria ng pagniniyog. Sa hinaba-haba ng panunungkulan ng nakaupong Gobernador, mawalang galang na po, maitaanong ko lamang, bakit wala tayong nabuo o naitayong industriya at mag kalakalang makapagbibigay ng trabaho at hanapbuhay sa ating mga kababayan? Bakit hanggang ngayon ay umaasa tayo sa pagniniyog samantalang alam na natin na hindi na maasahan ang industriya ng niyog mahigit ng 40 taon ang nakakaraan.

3
. Totoo po wala tayong base ng pagkakakitaan tulad ng ibang bayan na maraming pumapasok na namumuhunan na nagkapagpaunlad ng kalakalan at nagtatayo ng mga industriya. Bakit nga po baga walang pumapasok na namumuhunan sa ating lalawigan. Isa po at alam nating lahat na ang pinakamabigat na dahilan ay ang kawalan ng maayos, maasahang supply ng kuryente, patubig, at iba pang pangunahing pangangailanagn ng mamamayan at ng mga nangangalakal at ng namumuhunan sa pagtatayo ng negosyo at industriya sa isang lugar. Salat po tayo sa mga pangunahing pangangailangan at dahil dito ay maitatanong po natin kung ano ang nangyari sa mga dekadang dumaan na sana ay naisaayos na at naitayo ang mga pangunahing inpraestruktura ng ating lalawigan. Sa kawalan ng maayos na programa at pamamalakad, hanggang ngayon ang ating lalawigan ay salat at sa mahabang panahon ay naghahangad pa rin ng mga simple at pangunahing pangangailangan, tulad ng maayos kalsada, eskwelahan at maayos na hospital at kuryente at patubig;

Sa mga nakalipas na panahon po ay masasabi kong meron tayong naging base ng ating pakakakitaan, ang pagmimina. Pero bakit po wala tayong napala sa halos 30 taong pagmimina sa ating lalawigan. Tandaan po natin na ang pagmimina, pag nahukay na po ang mineral sa ating lupain ay yaan po ay tuloyan ng nawawala kaya nararapat lamang na ang kapalit ay ang tamang buwis na maipagpapagawa ng mga pangunahing pangangailangang inprastruktura. Noog panahon ng pagmimina ang Balanacan Road at ang Circumferential Road na 120 km lamang ay hindi man lamang naipatapos masementuhan. Bakit wala tayong napala sa pagmimina sa ating lalawigan, Napinsala pa ang ilog Boac at nakaamba pa ang panganib ng mga Dams sa Marcopper.

4. Totoo po na may mga kalsada, tulay at eskwelahan na napagawa na, subalit hindi pa rin kumpleto at hanggang ngayon po ay hindi pa rin tapos ang pangunahin kalsada sa buong lalawigan.

Kahit sino naman po ang nag-upo bilang Congressman o Gobernador ay taon taon ay may pondong inilalaan para sa mga Congressional District at ito ay sa pagpapagawa ng mga pangunahing inprastruktura ng mga Distrito, tulad ng mga kalsada, tulay, eskwelahan, atb.. Kahit sino po ang Congressman ay maitatayo ang mga eskwekahan, magagawa nag mga kalsada at tulay, at mga iba ng gawaing pang-nasyunal. Ganyan din po ang sa pagpapailaw – ito po isang National Government Project at kahit sino ang naka upong Congressman ay ito ay darating sa ating lalawigan. Hinid po dapat akuin ito ni Gobernadotr Reyes na siya ang nagpagawa dahil lahat ng ito na proyekto ng national government nagkataon lamang na siya ang nakaupo bilang congressman noong panahong na ipinatutupad ang pagpapailaw sa mga probinsiya, at kanayunan. Ganoon din po san mga kalsada ay tulay at eskwelahan . Ang tanong po naman, bakit hindi naging sapat ang pagpapagawa nila sa loob ng napakahabang panahon nila sa katungkulan. Inuulit ko po, kahit sino po ang nakaupo ay darating sa ating lalawigan ng mga proyektong pang-nasyunal.

Kung ating po ihahambing ang mga nagawa sa loob ng mahabang panahong sa ating lalawigan at ang nagawa sa ibang bayan at ibang mga lalawigan, makikita po natin ang malawak na agwat sa mga inpraestruktura. Naiwan na po tayo sa lahat ng aspeto ng kaunlaran, inpraesturktura, ekomomiya at kabuhayan.

5
. Totoo po napakaliit ng ating kinikita sa ating lalawigan, ngunit hindi po ibig sabihin nito ay hindi natin makakamit ang kaunlaran sa ating lalawigan. Nasa maayos na pag-paplano at pamamahala at tamang paghawak ng pananalapi nakasalalay ang pag-unlad ng ating lalawigan. Hindi po natin masasabing dahil sa kakarampot na ayuda na galing sa Pamahalaang Nasyonal sa pamamgitan ng “Internal Revenue Allotment” (IRA) ay hindi na natin maisusulong ang kaunlaran ng ating lalawigan. Ang halagang P360 Million mula sa IRA ay hindi natin masasabing kakarampot. Hindi rin kakarampot ang tunay na kinikita ng lalawigan na P26 Million. Nasa maayos na paggamit ng pananalapi lahat nakasalalay ang ating pag-unlad. Maliban po sa nabanggit ng halaga ay meron pang P70 Million ang ating Congresista at nadadagdagan pa ito taon taon. Meron nga pong taon na mahigit sa P300 Million ang mga proyektong pinapatupad ng Department of Public Works and Highways (DPWH), at hind pa rin po kasama ang nilalaan ng ibang mag Departamento ng Pamahalaang Nasyunal. Marami pong pananalapi ang pamahalaan at hinid kinakailangang mangutang sa Banko para maisulong ang proyektong pangkaunlaran ng bayan.

6. Parang ngayon lamang po nasabing marubdob niyang hangarin madulutan ng kaginhawahan ang ating mga kababayan sa kanilang paglalakbay sa isang maayos na konkretong daan. Napakatagal naman po niya bago napansin ang ating kasalatan sa maayos na daan. Ano po ang ginawa nila noong sila ay magkatuwang sa loob ng 9 na taon?

7
. Sinasabi po kinakailangang mangutang ng Pamahalaang panlalawigan na gugulin sa mga sumusunod:

a. Farm to Market Road - hindi po natin kailangang mangutang para sa Farm to Market road dahil ang Department of Agriculture (DA) at Department of Agrarian Reform (DAR) ay pupuwedeng pagkunan ng pondo para sa pagpapagawa ng Farm to Market road;

b. Pag-papayos ng Gasan airport – hindi kinakailanagn gastusan yan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Marinduque dahil yan po ay nasa pamamahala ng Nasyunal na Pamahalaan at ang mga proyektong pagpapaayos po ng Paliparan, tulad ng Daungan ay nasa poder ng National Government. Bakit po natin aakuin at gagastusan ang proyektong dapat ay ginagawa ng National Government?

Sinasabi po ang utangin ay isang “Credit Line” lamang na sasagot sa mga gagastusin sa pagpapagawa ng Airport. Ito po ay isang panglilinlang dahil wala pong ganyan sistema sa ating pamahalaan. Hindi rin po kapanipaniwala na isasauli ng Department of Transportation and Communication ang halagang gagastusin sa pagpapagawa ng airport. Sa piniiral sa polisiya ng pamahalaan, lahat po na sinasabi nila ay walang katutuhanan. Ang Credit Line po ay ginagamit sa negosyo pero sa pamahalaan po ay walang gumagawa ng ganito.

Meron pamamaraan ng isang pag-garantiya sa isang proyektong gagawin para mapatibay ang pagbabayad sa isang nangunguntrata. Ito po ay ang tinatawag na “Letter of Credit” na sa pagtatapos ng isang kontrata ay siyang sasagot sa pagbabayad. Pero hindi rin po ito karaniwang ginagamit sa Pamahalaan.

At kung totoo pong garantiya lamang ang inuutang nasaan po ang mga kontrata o Memorandum of Agreement (MOA) mula sa DOTC at sa Banko at Provincial Governtment of Marinduque (PGM)?

Bakit ngayon lamang naisip na ipagawa ang Airport na sa napakatagal ng panahon ay hindi sila nagpursiging hilingin sa DOTC ang pagpapaayus ng ating airport. At isa pa, ano po ang nangyari sa proyektong sinimulan noong 1998 na naglalayun na pahabaain ang airport runway. Isa po sa dahilan kung bakit tumigil ang pag serbisyo ng PAL sa Marinduque ay ang short runway, kaya naman ito ay ipinagawa noong bago magdekada 2000, Kaya nga lamang po, mukhang hinid natapos, Tapos daw ang pondo pero hindi natapos ang proyekto.

Tulad po sa aking pagpupursige noon sa pagpapagawa ng Talao talao Access Road sa Dalahica Commercial Port (noong panahon na walang gumagalaw na mga pulitiko dahil sa mga botanteng eskwater sa lugar ng Talao-talao) at para na rin mabuksan at magamit ito para sa mga pasahero ng Marinduque, sana ay nangulit din sila noon pa man para maipagawa ay ating Airport.

Ununulit ko po wala pong basehan at walang bisa ang garantiyang sinasabi sa ulat ng butihing Gobernador Carmencita O. Reyes.

Nakakatawa po ang sinabing ang uutangin ay Credit Line lamang, pero gagastusin sa pagpapagawa ng Airport at ito ay babayaran ng DOTC. Kailan at saan po kayo nakakita na ang mahirap na lalawigan ang magpapagawa ng proyektong dapat ay gugulan ng Pamahalaang Nasyonal.

(continued)