Mula sa Commission on Audit (COA) website ang Executive Summary o COA Report na sumusunod. Naglalaman ito ng mga detalye ng hindi birong mga katiwalian o iregularidad sa Pamahalaang Panlalawigan ng Marinduque noong nakaraang taon, 2013.
Bilang isang lalawigan, ayon sa Local Government Code, ang dapat sanang isinasagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ay ang paghahatid ng mga pangunahing serbisyo at epektibong pamamalakad sa mga nasasakupan.
Alamin kung ito nga ang isinagawa ng administrasyong ito ayon sa COA.
Mga ilang datos ayon sa report ng COA (basahin ang mismong report para sa kabuuhan):
Para sa Calendar Year 2013, ang total income ng Lalawigan ay Php 427,966,982.08, mas mataas ng Php 37,549,308.85 (9.62%) kaysa noong nakaraang taon. Ang pagtaas na ito ay dahil sa pagtaas din ng Internal Revenue Allotment (IRA) mula sa DBM at mula sa koleksiyon ng Real Property at Special Education Tax.
Ilang mahahalagang obserbasyon ng COA ay mga sumusunod matapos isagawa ang audit:
1. Umabot sa higit Php 2-million ang halaga ng salapi mula sa mga koleksiyon na hindi nakadeposito pagsapit ng December 31, 2013 taliwas sa Section 32 ng New Government Accounting System (NGAS), kayat inilantad ang salapi sa panganib na manakaw o magasta sa hindi dapat.
2. Napalaki pa sana ng Pamahalaang Panlalawigan, at nagawang ipatupad ang iba pang socio-economic development project at mga programa kung ginawa ang marapat para makolekta ang higit sa Php 38-million na hindi nakolekta at nalampasan pa ang balanse noong nakaraang taon na P 16-million.
3. May mga binayarang national government officials na nakadestino sa Lalawigan na binayaran ng buwanang honoraria na nagkakahalaga ng Php 431,970.00 na walang legal na basehan. Labag ito sa RA No. 7160 ayon sa ipinatupad ng LBC No. 62 at binigyang-linaw ng DBM's Compensation Policy Guidelines No. 98-1 dated March 23, 1998.
Ang pagbabayad ng honoraria sa mga opisyales ng Public Attorney's Office at Commission on Elections (COMELEC) ay hindi pinapayagan dahil sa kawalan ng balidong basehan sa batas na nagbibigay sa Pamahalaang Panlalawigan ng Marinduque ng ganoong pahintulot na bayaran ang mga opisyal na nabanggit.
4. Productivity Enhancement Incentive (PEI) na P 10,000,00 kada tao na umaabot sa Php 6,540,000.00 ay ibinayad sa mga opisyales ng lalawigan at mga empleyado, taliwas sa Section 1 of Executive Order No. 80 dated July 20, 2012, bagamat hindi pa naiilagay sa ayos ang disallowance na Php 17,448,000.00 para sa kaparehong pagbabayad noong CY 2009.
5. Ang pagkuha sa 424 na tao sa ilalim ng job order (JO) at contract of service na may kabuuhang gastos na Php 9,334,702.79 ay hindi agarang mabigyan ng katugunan ang kabuluhan nito sa usapin ng pananalapi at makabuluhang pag-gamit ng mga mapapagkunan dahil ang kanilang mga kontrata ay walang tiyak na nature of work assignments at quantity of work to be accomplished.
6. Ang gastusin sa meals and snacks na binayaran ng Provincial Government na nagkakahalaga ng Php 7,101,637.31 para sa mga isinagawang meeting at iba pang activities ay masasabing mapagmalabis na pag-gastos ayon sa Item 5.0 of COA Circular No. 2012-003, October 29, 2012 at taliwas sa envisioned austerity measures ng Section 1(a) of Administrative Order No. 103 at Section 343 of RA No. 7160.
7. Mga Pakyaw Contracts, kasama na ang mga supporting documents sa halagang Php 28,934,916.00 ay hindi isinumite, labag sa Section 3.1.1 of COA Circular No. 2009-001 dated February 12, 2009. Dagdag pa rito, labing-lima (15) sa mga kaukulang proyektong ipinatupad ay higit sa Php 500,000.00 na limitasyon sa Pakyaw system, labag sa Section 4.8 ng Revised Guidelines for Implementation of Infrastructure Projects by Administration.