(Karugtong)
Noong nakaraang araw ay inilathala dito ang tungkol sa report o Executive Summary ng Commission on Audit na may kinalaman sa Marinduque mula sa COA website. Naglalaman ito ng mga detalye ng hindi birong mga katiwalian o iregularidad sa Pamahalaang Panlalawigan ng Marinduque noong nakaraang taon, 2013.
Bilang isang lalawigan, ayon sa Local Government Code, ang dapat sanang isinasagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ay ang paghahatid ng mga pangunahing serbisyo at epektibong pamamalakad sa mga nasasakupan.
Alamin kung ito nga ang isinagawa ng ahensyang ito ayon sa COA.
COA Annual Audit Report, 2013, Marinduque Province Executive Summary, pahina 5 |
8. Ang karampatang dokumentasyon hinggil sa mga pangastang mga hayop, breeding stock sa ilalim ng Animal Dispersal Program ng Ahensya ay hindi isinumite sa COA upang mawala ito sa pananagutan ng kaukulang mga opisyal, taliwas sa Sections 151 at 152 ng COA Circular No. 92-386 October 20, 1992, na nagresulta sa lubhang kalabisan ng Breeding Stocks Account sa Trial Balance.
9. Ang ibat-ibang proyektong ipinatupad ay nilampasan ang takdang panahon para matapos ang mga ito, lumilihis sa mga kontratang pinirmahan ng Pamahalaang Panlalawigan at mga kontratista, na naging dahilan sa karagdagang gastos na nagkakahalaga ng Php 175,684.43, na labag sa Section 8.1 of Annex E of the Revised IRR of RA No. 9184.
10. Mga paglilipat ng pondo sa mga barangay na nagkakahalaga ng Php 1,576,136.33 para sa implementasyon ng ibat-ibang programang pangkaunlaran ay nanatiling unliquidated dahil sa kabiguan ng recipient-barangays ba magsumite ng Accomplishment and Fund Utilization Reports. Nangangahulugan ito ng panganib na hindi maisakatuparan ang mungkahing proyekto na maaring mangahulugan pa ng pag-aaksaya o paglulustay ng pananalapi ng Pamahalaang Panlalawigan.
COA Executive Summary, pahina 6 |
COA Executive Summary, pahina 7 |
11. Ang Real Property Tax (RPT) Delinquency ng Marcopper Mining Corporation (MMC) sa Siltation and Decant System at sa lupa kung saan itinayo ang istruktura ay nagkakahalaga ng Php 16,754,825.34 at Php 2,498,490.02 na Php 19,253,315.36 ang kabuuhan. Ito ay hindi kinolekta bagamat may kaukulang desisyon na ang Korte Suprema sa ilalim ng G.R. No. 170532 noong Abril 30, 2009, na naging sanhi sa pagkawala sa lokal na pamahalaan ng kinakailangang pondo.
(May mga rekomendasyon ang COA hinggil dito, kasama na ang pagpapatuloy ng proseso ng paniningil ng buwis na sinimulan ng dating Provincial Treasurer noong 2006 para sa paniningil ng Real Property Tax (RPT) sa iba pang mga pag-aari ng MMC na hindi nito nabayaran noon pang 1996; paglalahad ng mga kinakailangang dokumentasyon, tax declarations para maisagawa ang komputasyon ng kaukulang buwis ng Marcopper sa pamamagitan ng co-owner nito, ang Placer Dome, Inc at subsidiary, MR Holdings, Ltd.)
12. Ang Design and Build contract na nagkakahalaga ng Php 19,850,009.61 at Php 19,920,895.00 para sa Construction of Administrative Annex - Two Storey Building at Construction of Disaster Risk Management Training Institute and Convention Center, na pinondohan mula sa PDAF at isinagawa sa ilalim ng straight contract ay napag-alaman na labis ng 6.20% at 14.18%, base sa allowable cost ng COA, at maaring mangahulugan ng disallowance na nagkakahalaga ng Php 3,634,078.39.
COA Executive Summary, pahina 8 |
13. Ang CY 2013 budget para sa Disaster Risk Reduction Management (DRRM) activities na nagkakahalaga ng Php 20,791,615.80 ay kulang ng Php 143,901.05 na paglabag sa RA No. 10121 at DILG Memorandum Circular No.2012-73, petsa Abril 17, 2012. Bukod dito, Php 136,150.06 o .65% ng allocation para sa kasalukuyang taon pa lamang ang nagagamit, na nangangahulugan ng pagtatanggal sa mga nasasakupan ng mga benepisyong para sa kanila kung ang mga proyektong ito ay isinakatuparan bilang nabigyan ng priority at naplano na.
COA Executive Summary, pahina 9 |
15. Php 34,112,094.78 at Php 42,951,939.35 lamang ng kasalukuyan (current) at tuloy-tuloy na appropriation (continuing appropriation), sa 20% Development Fund na Php 77,639,340.00 at Php 105,357,951.06 respectively, ang nagamit para sa CY 2013. Nag-iwan ito ng malaking halaga na hindi nagamit na nagkakahalaga ng Php 105,933,256.93, kaya't ang inaasahang socio-economic development at sana at mga naging resulta ng environmental management na dapat ay nakatulong sa job generation at pagtataguyod ng pangkabuhayan sa mga nasasakupan, na layunin ng DILG at DBM Joint Memorandum No. 2011-1 dated April 13, 2011 ay hindi naisagawa ng husto.
16. Halagang dapat ibayad sa NGAs na nagkakahalaga ng Php 11,875,186.88 ay tungkol sa mga hindi isinagawa at hindi ginastos na mga releases/assistance mula sa national government agencies at hindi ni-remit na mga collection ng trust receipts, na karamihan ay nanatiling tulog at aabot sa hanggang 28 taon na ang nakalipas. Nawalan pareho ang local government ng binalak na benepisyo na dapat ay naging kapakinabangan sa pagpapatupad ng mga proyekto, gayun din ang mga kinauukulang national government agencies ng oportunidad na magamit ang salapi para sa ibang mahahalagang proyekto.
COA Executive Summary, pahina 10 |
17. Ang audit disallowance na nagkakahalaga ng Php 16,865,500.19 ay hindi pa rin nabayaran bagamat may inilabas nang Notices of Finality of Decision dito dahil sa paglabag sa Item 5.4 of COA Circular No. 2009-006 dated September 15, 2009, kayat ipinagkait sa Lalawigan ang pag-gamit sa mga pondong naibalik na para sana sa ibang makabuluhang mga proyekto.
(Ayon sa mababasang rekomendasyon ng COA ang hindi pagtupad para ilagay ito sa tama ay maaaring mangahulugan ng pagsangguni sa mga kinauukulan para sa pagsampa ng kaukulang kaso.)
Also read: