Mahigit na sa tatlong (3) taon na pala ang nakaraan mula March 18, 2011, subalit hindi pa rin naghain ang mga Special Prosecutor ng motion to suspend laban sa akusado.
Noong September 3, 2012, ang iba pang akusado na sina Araullo, Bragas, Guieb, Braganza, Ramos, Dino at Montilla ay nag-file ng Motion for Determination of Probable Cause. Noon namang November 31, 2012, ibinasura ng Sandiganbayan ang kanilang motion, gayundin ang kanilang kasunod na motion for reconsideration. Nagkaroon ng arraignment para sa mga akusadong sina Guieb, Dino, Iranzo, Ramos at Montilla noong August 1, 2013.
Nagkaroon naman ng arraignment noong January 14, 2014, para sa akusadong si Carmencita O. Reyes, kasalukuyang Governor ng Marinduque.
Sa ganitong sitwasyon kung tutuusin, maliwanag na si Gov. Carmencita O. Reyes dapat ay nasuspinde na sa kanyang pampublikong puwesto dahil siya ay humarap na sa pagdinig ng kaso at hindi rin naman siya nag-file ng Motion to Quash.
Samakatuwid ay wala ng dahilan para ang special prosecutors ay hindi mag-file ng motion to suspend. Muli, kung tutuusin, ang suspension sa ganitong uti ng kaso, base sa Section 13 ng Rep.Act 3019 ay "mandatory".
Matatandaang sa isang kahalintulad na kaso, ang fertilizer scam case naman na isinampa noong nakaraang taon lamang laban kay Cong. Abdullah Dimaporo ng Lanao del Norte ay nangahulugan ng kanyang "hospital arrest" noong Agosto 2013.
Katulad ng 'malversation of public funds' sa kaso ni Reyes, si Dimaporo ay nasampahan din ng kaso bilang paglabag sa anti-graft law. Sa kaso ni Dimaporo ang 'right to bail' ay hindi pinayagan sa malversation case laban sa kanya.
Ang fertilizer transactions na ito ay bahagi ng P 728-million fertilizer scam na kinasangkutan bilang 'arkitekto' ni Jocelyn "Jocjoc" Bolante, dating agriculture undersecretary noong 2004.
Also read:
Double standard of justice, selective justice or mockery of justice?