Pagkilos laban sa pangungutang ng Marinduque
Ihinalintulad ang inuutang sa bangko na P 500-Million ng kapitolyo ng Marinduque sa nadeklara nang labag sa Konstitusyong PDAF fund allocation. Matatandaang nanawagan na rin kamakailan ang Commission on Audit (COA), sa lokal na pamahalaan ng Marinduque na ang pagtitipid sa development funds ay hindi kapakipakinabang para sa mga nasasakupan nito.
Kasunod ito ng pagbatikos ng COA sa lalawigan dahil bukod pa sa mga maanomalyang mga transaksyon na inisa-isa ng Commission sa COA Report 2013, higit sa P 100-Million na pondo ng Kapitolyo pala ang hindi nito ginagalaw, "gayung maraming proyekto sa ilalim ng Annual Investment Plan ang dapat na ipatupad". Ayon pa rin sa COA nagresulta ito sa kabiguan ng Marinduque na magpatupad ng "“desirable socio-economic development and environmental management outcomes” na anila'y dapat sanay nakapagbigay ng mga trabaho at kabuhayan para sa mga taga-Marinduque.
Ilan lamang ito sa mga bagay na ipinaalam ni dating Bokal at Boac Mayor Pedrito Nepomuceno sa Sangguniang Panlalawigan ng Marinduque sa pamamagitan ni Vice-Governor Romulo Bacorro, Jr.
Matatandaang sa 2013 annual audit report para sa lalawigan, binatikos din ng COA ang mga opisyales ng pamahalaan dahil sa pag-aatubili nito na kolektahin ang hindi binabayarang amelyar ng isang minahan sa loob ng mahabang panahon, sa kabila ng katotohanang may desisyon na hinggil dito ang Korte Suprema.
Sa isang bahagi pa lamang ng minahan, anang COA, partikular sa siltation and decant system nito at sa lupa kung saan nakatayo ang nasabing mga instruktura ay mahigit sa P 19-million ang utang ng Marcopper. Hindi kasama rito ang amelyar ng minahan sa lahat ng lupang pag-aari nito sa iba't-ibang bayan ng Marinduque na umabot na sa isang bilyong piso (P 1-Billion).
Binigyang diin ni Nepomuceno na hindi kailangan ng lalawigang mangutang dahil may sapat itong pananalapi. Bukod pa aniya sa hindi kinokolektang buwis para pondohan ang mga proyekto, ay maraming mapapagkunang pondo ang lalawigan mula sa nasyunal na pamahalaan, kasama na ang IRA.
Mauulit ang naunang protesta
Pinaalalahanan ni Nepomuceno ang Sangguniang Panlalawigan tungkol sa naunang pagprotesta na isinagawa ng Marinduque First Saturday Movers (Marinduque Movers), at ilang bayan ng Marinduque sa pangungutang ng Marinduque noong 2012. Aniya, binalak utangin sana noong taong 2012 ang pagpapasaayos ng runway sa paliparan ng Marinduque, pagpapagawa ng sports center, legislative building at iba pang mga estruktura. Ayon kay Nepomuceno, ang mga ito ay naisagawa at patuloy na isinasagawa mula sa pondo na nanggaling sa nasyunal na pamahalaan na siyang marapat, "at hindi dahil sa pangungutang".
Si Nepomuceno ay isang kasapi ng Marinduque Movers. Matatandaang isa rin siya sa mga opisyal na naghain ng petition sa Korte Suprema para ideklarang unconstitutional ang PDAF.
Sinabi rin ng dating Bokal na kung ang lalawigan ay nakakagastos aniya ng higit sa P 7-million para sa mga pakain na may kinalaman sa Morion at sports na naiulat din ng COA, bakit hindi nito kayang gumastos para sa pagpapasaayos ng mga provincial roads?
Nangyayari aniya ang ganitong pangungutang tuwing nalalapit ang halalan, kayat lagi ding kahinahinala ang tunay na motibo ng pamahalaang panlalawigan. Binigyang diin ni Nepomuceno, na kapag iginiit ng kinauukulan ang nasabing pangungutang ay maaaring isagawa muli ng Movers ang pormal na pagtutol dito at dalhin ang usapin sa Tanggapan ng Ombudsman.
"I appeal to your sense of patriotism, do not pursue the loan as it will contribute to the further distortion of our finances. Our loyalty must be for our country and our people and not on the powers that be," ang nakasaad sa sulat ni Nepomuceno.
"Brother Vice Governor Jun Bacorro, may I respectfully request you to be a true leader as we were taught in APO. Do what is good for our constituents and not be blindly swayed to the promise of a traditional play in Philippine politics. We all know there is always something on it and all of us must oppose it", patuloy pa niya.
Sa isang hiwalay namang pagkilos, napag-alamang nagsagawa na rin ng isang pormal na resolusyon para sa mga kinauukulan ang nasabing organisasyon ng Marinduque Movers hinggil sa kontrobersiyal na pangungutang na nabanggit.
Kasunod ito ng pagbatikos ng COA sa lalawigan dahil bukod pa sa mga maanomalyang mga transaksyon na inisa-isa ng Commission sa COA Report 2013, higit sa P 100-Million na pondo ng Kapitolyo pala ang hindi nito ginagalaw, "gayung maraming proyekto sa ilalim ng Annual Investment Plan ang dapat na ipatupad". Ayon pa rin sa COA nagresulta ito sa kabiguan ng Marinduque na magpatupad ng "“desirable socio-economic development and environmental management outcomes” na anila'y dapat sanay nakapagbigay ng mga trabaho at kabuhayan para sa mga taga-Marinduque.
Pedrito (Toto) Nepomuceno. Isa rin sa mga naghain ng petition sa Korte Suprema hinggil sa PDAF |
Matatandaang sa 2013 annual audit report para sa lalawigan, binatikos din ng COA ang mga opisyales ng pamahalaan dahil sa pag-aatubili nito na kolektahin ang hindi binabayarang amelyar ng isang minahan sa loob ng mahabang panahon, sa kabila ng katotohanang may desisyon na hinggil dito ang Korte Suprema.
Sa isang bahagi pa lamang ng minahan, anang COA, partikular sa siltation and decant system nito at sa lupa kung saan nakatayo ang nasabing mga instruktura ay mahigit sa P 19-million ang utang ng Marcopper. Hindi kasama rito ang amelyar ng minahan sa lahat ng lupang pag-aari nito sa iba't-ibang bayan ng Marinduque na umabot na sa isang bilyong piso (P 1-Billion).
Binigyang diin ni Nepomuceno na hindi kailangan ng lalawigang mangutang dahil may sapat itong pananalapi. Bukod pa aniya sa hindi kinokolektang buwis para pondohan ang mga proyekto, ay maraming mapapagkunang pondo ang lalawigan mula sa nasyunal na pamahalaan, kasama na ang IRA.
Mauulit ang naunang protesta
Pinaalalahanan ni Nepomuceno ang Sangguniang Panlalawigan tungkol sa naunang pagprotesta na isinagawa ng Marinduque First Saturday Movers (Marinduque Movers), at ilang bayan ng Marinduque sa pangungutang ng Marinduque noong 2012. Aniya, binalak utangin sana noong taong 2012 ang pagpapasaayos ng runway sa paliparan ng Marinduque, pagpapagawa ng sports center, legislative building at iba pang mga estruktura. Ayon kay Nepomuceno, ang mga ito ay naisagawa at patuloy na isinasagawa mula sa pondo na nanggaling sa nasyunal na pamahalaan na siyang marapat, "at hindi dahil sa pangungutang".
"One Heart. One Mind. One Marinduque" |
Si Nepomuceno ay isang kasapi ng Marinduque Movers. Matatandaang isa rin siya sa mga opisyal na naghain ng petition sa Korte Suprema para ideklarang unconstitutional ang PDAF.
Sinabi rin ng dating Bokal na kung ang lalawigan ay nakakagastos aniya ng higit sa P 7-million para sa mga pakain na may kinalaman sa Morion at sports na naiulat din ng COA, bakit hindi nito kayang gumastos para sa pagpapasaayos ng mga provincial roads?
Nangyayari aniya ang ganitong pangungutang tuwing nalalapit ang halalan, kayat lagi ding kahinahinala ang tunay na motibo ng pamahalaang panlalawigan. Binigyang diin ni Nepomuceno, na kapag iginiit ng kinauukulan ang nasabing pangungutang ay maaaring isagawa muli ng Movers ang pormal na pagtutol dito at dalhin ang usapin sa Tanggapan ng Ombudsman.
"I appeal to your sense of patriotism, do not pursue the loan as it will contribute to the further distortion of our finances. Our loyalty must be for our country and our people and not on the powers that be," ang nakasaad sa sulat ni Nepomuceno.
"Brother Vice Governor Jun Bacorro, may I respectfully request you to be a true leader as we were taught in APO. Do what is good for our constituents and not be blindly swayed to the promise of a traditional play in Philippine politics. We all know there is always something on it and all of us must oppose it", patuloy pa niya.
Marinduque Movers (file photo) |