Basta iyun daw ang finding ng mga scientist at dapat lamang diumanong paniwalaan. Hindi lamang iyon, kundi dapat daw sundin ang ano mang ipag-uutos sa mga salaring tao ng alin mang gobyernong nagpapatupad ng mga patakaran para mapigilan ang tuluyang pag-init ng mundo.
At kapag hindi, ang mga pobreng kabarangay natin halimbawa sa Pilipinas ay magmumulta o makukulong kapag sumuway. Kayat yuko ang ulo ng mga modernong aliping walang magawa kundi tanggapin ang akusasyon na sila nga ang may sala sa carbon emissions na nagaganap sa paligid.
Ngayon, dahil hindi na puwedeng tawaging "global warming" ang usaping ito, (nasa record high na sa kasaysayan ang paglawak pa ng yelo sa North at South Pole o Antarctica sa loob ng mga nakaraang taon - taliwas sa inaasahan ng mga global warmists), ang solusyon ng mga pasimunong mga scientist at mga pampulitikong organisasyon na nagsusulong ng "global warming", ay tawagin na nga lamang daw nating "climate change" ang problema.
Malasado, Pero sino nga naman ang kokontra sa terminong "climate change" kung alam naman natin na ang klima ay totoo ngang nagbabago - sa lahat ng panahon. Aangal ka pa?
Maanomalya talaga, pero kapag ang pinaka-makapangyarihang mga gobyerno na sa mundo ang nagsusulong ng climate change, sindak na sindak na ang mga lider at mamamayan ng mahihirap na bansa. Katulad o lalo na ng Pilipinas na bow ng bow na lamang kung ano ang sabihin o iutos ng mga Kano, dahil dating "Uncle Sam" pa nga ang tawag natin sa Amerika, hindi ba?
Marami nang naganap na mga bagay-bagay sa labas ng ating bansa hinggil sa usaping ito ng global warming/climate change. Abala nga lamang tayo sa maraming bagay o mga lokal na usapin at kaguluhan, kayat di hamak na hindi natin nasusundan ang mga pangyayari tungkol dito - na ngayon ay tinataguriang "global warming hoax" na. Ang pinakamalaking scam sa kasaysayan ng daigdig.
Pagbubulgar ng The Green $windle
Kailangang mapanood sa kabuuhan ang isa lamang sa ilang mga "expose" tungkol sa global warming - ang "The Green $windle", unang naipalabas sa Fox News sa US.
Ang TV-dokumentaryong ito (mga 45 minutes ang haba), ay tumatalakay sa pagsikat at ngayon naman ay ang tila pagbulusok, ng salamangkang "global warming"/"climate change". Hinahalukay nito ang pinagmulan ng konsepto ng man-made global warming; kung paano ito minanufacture sa pamamagitan ng pekeng siyensiya; at kung paanong ang mga ganid na pulitiko at malalaking mga business sa mundo ay ginawa itong multibillion dollar industry - hanggang ngayon.